Nandito kami sa may porch kasama ang pamilya ni Esquival. Nagtatanong sila tungkol sa pamilya ko lalo ng nalaman nilang isa akong Permejo.
"Grabe! Galing mo talagang pumili Kuya Azazel" komento ng babaeng kapatid ni Esquival na si Azriel na kaedaran ko lang.
Ngunit ang hinihintay kong magtanong ay ang ina ni Esquival ngunit nanatili siyang nakikinig at nakikitawa sa mga sinasabi nila. At sa reaksyon niya, malakas ang kutob ko na kilala niya si Mommy.
"Madam, nakahanda na po ang pananghalian" singit ng isang katulong.
Tumayo naman si Tita Celeste. "Kumain muna tayo at ituloy uli ang kuwentuhan. Siguradong mahaba ang ikukwento niyo kay Blake"
Sumang-ayon naman ang lahat.
Kinahapunan, napagpasyahan na naming umuwi para hindi kami gabihin sa daan. Saka may pasok pa kami sa opisinang dalawa at may maagang meeting si Esquival kaya hindi kami talaga puwedeng magtagal sa kanila.
"Nice meeting you, Blake. Sa susunod hindi na Tita ang tawag mo sa akin. Pwede mo naman akong tawagin na Mom" nagtatampo nitong sabi.
Napakamot naman ako sa batok dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa tatay niya na kanina pa nakasalubong ang kilay pero hindi naman siya kumokontra kanina. Ang tahimik nga niya kaya nakakapanibago na ikinakakaba ko. Baka may plano 'tong masama kaya nananahimik.
"Don't try to call me Dad" biglang hirit nito at umiwas ng tingin.
Gusto kong mag-violent reaction sa sinabi niya pero pinigil ko kasi nasa harap ako ng asawa niya.
"Honey huwag ka ngang ganyan. Pinakasalan siya ng anak natin kaya huwag ganyan ang pakikitungo mo sa kaniya. Kasal na sila kaya parang anak mo na si Blake" pagtatangol sa akin ni Tita Celeste.
Tumingin muli sa akin ang tatay ni Esquival na naniningkit pa ang mata. "Wala akong anak na pasaway" sagot nito saka kami nilayasan.
Pigil pa ng kaunti, Blake. Nasa harap ka ng pamilya kaya magpakabait ka. Saka ka na bumawi kapag kayong dalawa na lang.
"Pasensya ka na Blake kay Daddy. Ganon lang talaga 'yon pero mabait naman siya" saad ni Azhleigh, ang sumunod kay Esquival.
"Ayos lang" sagot ko na lang.
"Sige na po mauuna na kami dahil may kailangan pa kaming asikasuhin. Kapag may oras kami ay pupunta kami muli dito" paalam ni Esquival.
Hinalikan siya ni Tita Celeste sa pisngi, ganon rin sa akin. "Mag-ingat kayo. Sa susunod naman ay bawat pamilya na natin ang mag-meet. Siguradong masaya ang mangyayari kapag nagkataong ma-meet namin ang bawat isa " saad ni Tita.
Ayaw ko mang bigyan ng kahulugan ang huling binanggit niya, pero sa tono ng pananalita niya ay may ibig sabihin ito at sa paraan rin ng pananalita niya.
Tuluyan na kaming umalis sa bahay nila at umuwi na. Pagkauwi namin, agad kong kinontak sila Eiji upang magpatulong sa kanila. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung may koneksyon ba si Mommy kay Tita Celeste especially ang tattoo sa likod nila.
-
Kinaumagahan...
"Malapit ng matapos ang meeting ng boss niyo" sagot ko sa mga alipores niya na nandito sa office ni Esquival.
"Salamat" sagot ni Sir Yuji. "Nga pala, ayos na ba ang pakiramdam mo?" pag-iiba nito ng topic.
"Oo. Salamat sa tulong" sagot ko at tumingin kay Marga na abala sa pagce-cellphone. Saka na ako hihingi ng sorry kapag kaming dalawa lang kasi alam kong naiilang din siya.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...