Napabuntong hininga akong muli habang nakatingin lang sa professor namin na nagtuturo. Hindi ako mapalagay dahil alam kong galit si Esquival sa akin kahit hindi niya sabihin.
Pagkatapos ko kasing sabihin na gusto kong maging parte ng Stone, hindi siya nagsalita. Nilagpasan niya lang ako na parang hangin lang sa gilid niya. Kahit kaninang umaga, hindi niya ako kinausap sa kahit anumang bagay bukod sa nagpaalam siya sa na papasok sa trabaho.
"Before I leave this class, I'd like to say a few words. Please remember that your final exam is due at the next meeting. Because this is your final exam of the school year, I hope everyone does their best. But, for the time being, I'd like to congratulate everyone on your upcoming graduation" saad ng prof namin bago nagpaalam.
Itinago ko na ang ginamit kong notebook sa klase at sinukbit ang bag. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta dahil tapos na ang klase ko. Ayaw ko namang umuwi sa unit namin dahil walang tao doon, nakakabagot. Kung sa kompanya naman, feeling ko hindi ako papansinin ni Esquival.
Ano ba masama kasi sa sinabi ko? Hindi ba siya natutuwa na magiging part ako ng grupo niya?
Dahil wala akong maisip na istorbohin, si Tiffany na lang ang inaya ko. Sumama naman siya kaagad ng marinig ang salitang libre. Sa isang mall kami nagkita at nauna pa sa akin.
"Magkaaway kayo, no?" bungad nito sa akin.
Napakunot naman ako ng noo na ikinatawa lang niya. "Hindi mo naman ako yayayain ngayon kung may iistorbohin kang iba" tawa pa nito na tila nang-aasar.
Hindi ko na siya pinatulan at nauna ng naglakad kaya naman sumunod ito. Kumain muna kami dahil gutom na rin ako. Hindi ako nakakain nang maayos kaninang almusal.
"Anong problema niyong mag-asawa?" tanong ni Tiffany.
"Hindi ka makakatulong" saad ko kaagad at kumain.
"Sure ka? Malay mo naman may maganda akong suggestion" pangungulit nito. "Dali na Kuya baka matulungan kita"
Sumuko na ako."May sinabi ako kay Esquival na hindi niya nagustuhan. Nasabi ko lang 'yon dahil may pumasok sa isip ko na akala ko iyon ang sagot" sagot ko.
"Nagsorry ka?" tanong nito na ikinatingin ko lang "See? Simpleng sorry lang hindi mo magawa Kuya. Sa pagkatao ni Kuya Garret, hindi iyon magtatanim ng galit sa'yo kasi halatang baliw na baliw 'yon sa'yo. Mag-sorry ka lang sure na mawawala na ang galit n'on"
"Sa tingin mo?" paninigurado ko.
Tumango naman siya. "Oo. Bilhan mo na rin ng cake pansuhol"
Nagpauto naman ako sa sinabi niya kaya matapos naming kumain ay dumiretso kami sa bilihan ng mga cake. Pinili ko lang maliit na kaya naming ubusin, este kaya kong ubusin. Hindi kasi 'yon mahilig sa matatamis na pagkain.
"Nasaan ba si Kuya Garret?" tanong ni Tiffany ng makasakay kami sa kotse kong dala.
" Nasa kompanya" sagot ko at pinaandar na. "Gusto mo bang sumama?"
" Hindi na. Makaistorbo pa ako sa inyong dalawa" sabay tawa pa nito. "Idaan mo na lang ako sa G mall dahil makikipagkita ako sa mga friends ko. Inuna lang talaga kita kasi matindi pinagdadaanan mo"
Napailing na lang ako sa sinabi niya kasi puro kalokohan na salita ang lumalabas sa bibig niya. Tulad ng sabi niya, inihatid ko siya sa G Mall.
" Itext mo ako kapag nakauwi ka na"
" Yes boss. Bye " halik nito sa pisngi ko at lumabas na sa kotse. Nakita ko na sinalubong siya ng mga kaibigan niya kaya napanatag ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
AzioneC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...