Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 38

12.8K 414 98
                                    

Itinago ko na ang ireregalo ko kay Esquival sa birthday niya dito sa unit ko na tinutuluyan ngayon ni Kuya Aseron.

"Kuya Aseron, okay ka naman dito?" tanong ko sa kaniya na abalang nakaharap sa laptop niya na nakapatong sa coffee table sa sala. May mga papel rin na nasa ibabaw ng mga ito na mukhang may kinalaman sa rason kung bakit siya nandito.

"Oo naman," sagot nito na sandaling bumaling sa akin bago tumutok muli sa laptop niya.

Umupo naman sa may couch at tiningnan ko siya. " Kuya 'diba Petroleum Engineer ang natapos mo?"

Tumango naman siya. "Oo, bakit mo naitanong?"

"Nagtatakha lang ako kasi noon 'di ba nagpaplano pa sila Tito Draxen at si Lolo-Papa na magpatayo ng sariling Oil company para sa'yo tapos ngayon iyan ang ginagawa mo." usyoso ko sa kaniya.

Napakatalino ni Kuya Draxen sa napili niyang kurso saka alam ko na iyon talaga ang gusto niya mula noon pa man dahil sa mga kinukwento niya tungkol doon. Hindi ko nga maintindihan kahit ngayon pero kita ko ang saya sa mukha niya kapag nagkekwento.

Sandaling natigil si Kuya sa tina-type niya na kaagad ding nagpatuloy. "May mga bagay na hindi talaga aayon sa plano pero kailangan pa rin magpatuloy. Ang importante masaya ka sa ginagawa mo. At masaya naman ako," nanatiling nakatingin ito sa screen ng laptop.

Humiga naman ako sa couch. Ako ba anong gagawin ko kapag naka-graduate ako? Ayaw kong patakbuhin ang kompanya nila Mommy at malinaw na sa kanila 'yon.

"Iniisip mo na ba ang mangyayari pagka-graduate mo?" Napalingon ako kay Kuya na nakatingin na sa akin. "Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Piliin mo ang isang bagay na gustong-gusto mong gawin, hindi ang bagay na sinasabi ng iba na dapat mong gawin"

Ngumiti naman ako kay Kuya sa sinabi niya at iniba na ang usapan. "Alam mo Kuya may kilala ako na pwede mong makausap tungkol sa mga petroleum pertroleum na 'yan."

"Kapag hindi na ako busy, kailangan ko pang matapos 'to para maihabol ko pagrereport ko sa hacienda." saad niya na bumalik sa pagtatype.

Tumayo naman na ako. "Okay, sabihan mo lang ako. Pero mauuna na ako, baka hinahanap na ako ng asawa ko. Bye," paalam ko sa kaniya.

Kumaway naman ito sa akin. "Pakisabi kay Garret salamat kamo sa pagpapahiram ng kotse niya noong nakaraan," pahabol niyang sabi.

Lumabas na ako ng unit ko at dumiretso na sa unit namin. Naglakad ako papuntang kusina kaya nakita ko si Esquival na abalang naghihiwa ng pangrekado sa lulutuin niya. Nilapitan ko siya at tumabi sa kaniya.

"Love, excited ka na bukas?" tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa paghihiwa at lumingon sa akin na pinipigil na ngumiti ng sobra sabay takip sa bibig niya. "Parang ayos na nga sa akin na hindi na magbirthday, may pa-Love ka na, e. "

"Hayaan mo pagkatapos ng birthday mo, hindi mo na sa akin maririnig 'yan," ngiti kong sabi sa kaniya na ikinasimangot niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi kaya nawala ang simangot sa mukha niya. Tumulong na rin ako sa ginagawa niya para makakain na rin kami. Mas excited ako para sa kaniya bukas!





Nakatingin ako sa salamin habang inayos ang necktie na suot ko. Nakita ko rin si Esquival na pumipili ng relo na susuotin niya sa okasyon ngayon.

"Why are you smilling like that?" tanong niya ng lumingon siya sa akin.

Masaya akong naglakad sa kaniya at inayos ang suot niyang tuxedo kasabay nito ang paghalik ko sa labi niya.

"Ang guwapo mo," puri ko sa kaniya.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon