Ikaw. Ako? Oo, ikaw. Basahin mo hanggang dulo. Bakit? Secret, basta basahin mo!Hi, everyone! Akalain niyo 'yon nakarating kayo sa huling yugto ng kwento ni Blake. Ang daming nagtangkang umpisahan ang kwentong ito ngunit kayong nakakabasa nito ang mga nagtagumpay. Ang haba ng pasensya niyo na maghintay ng mga updates ko. Binalikan ko ang unang chapter na sinulat ko noong April 2020 na ngayon ay 2023 na! Grabe ang tagal ko pala talagang mag-update HAHAHAHAHAHAH.
Kidding aside, proud ako sa sarili ko na natapos ko ito. Minsan napapatanong pa ako sa sarili ko na itutuloy ko pa ba ang pagsusulat? Lalo na 'yung taong 2021 kaya mapapansin niyo, lima lang ang naging updates ko kasi nandon na ako sa punto na parang ayoko na. But, look at now. Sinusulat ko ang pasasalamat na ito.
May mga nag-offer din sa akin sa ibang platform kaya napapaisip din ako na patulan kasi may kikitain ako HAHAHAHAHAHA. Lalo na kasi nawalan ako ng trabaho kaya kailangan ko ng pagkakakitaan HAHAHAHHA. Kaso nasasabi ko na lang sa sarili ko, hobby ko ang pagsusulat na ayaw kong pagkaperahan. Saka paano na lang 'yung mga readers ko na hindi afford na magbayad para lang makabasa ng kwento ko, hindi ko kaya kasi naiintindihan ko sila. Kaya stay lang ako dito sa wattpad na libre lang mababasa ang mga kwento. Sus! Akala mo kagandahan mga kwento. HAHAHAHAHAHAHAHA.
Bukod sa pagiging proud sa sarili ko, mas proud ako sa inyo! Grabe kayo! Hindi ko kayo kinaya sa pagiging loyal niyo! Kung may award lang na pinakamagaling sa paghihintay, KAYO 'YON! Kaya lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat! Maraming maraming salamat sa suporta. Napapasaya niyo ako sa mga comments at votes niyo sa mga kwento ko. Kaya kapag may time na pinanghihinaan ako ng loob para magsulat at napapatanong sa sarili ko na may kwenta pa ba ang mga sinusulat ko..napapalakas niyo ang loob ko sa mga comments niyo. Kaya 'yung mga walang sawang nagco-comment dyan maraming maraming maraming salamat. Isa kayo sa rason kung bakit ko ito natapos. Pati sa mga mahilig mag-votes, at mga readers at silent readers ko, salamat sa inyo. Mahal na mahal ko kayong lahat!
Regarding sa special chapter, meron po ba? Yes, meron po! Wait na lang po kung kailan ko ipopost. Hahahahaha. Saka kung may mga questions po kayo regarding sa story ko, or sa akin basta wag lang kayong mangungutang hahahahaha, feel free to leave a comment. I will try my best to answer all of your questions.
And, don't forget pala ang kwento ni Eiji ang Bite the Bullet. Sana bigyan niyo rin siya ng atensyon at pagmamahal na binigay niyo kay Blake. Hehehehe.
So, iyon lang naman. Uulitin ko maraming salamat at mahal ko kayong lahat. Magkita-kita na lang tayo sa kwento ni Eiji na Bite the Bullet at sa special chapter. Mwahhh!
- j u n j o u h e a r t -
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...