Kasalukuyang nandito kami sa meeting room ng HR department dahil may ipapagawa daw sa amin. Lahat ng intern ay inaasahang tutulong sa gaganaping annual foundation of Esquival Stone. Pero 'di pa namin alam kung anong tulong ang gagawin namin.
"Sorry, ngayon lang" pasok ni Ms. HR at umupo na. Mayroon siyang kinuhang papel sa loob ng isang envelope at shinuffle niya ito sa harap namin.
"Para saan po 'yan?" tanong ng kasamahan ko dahil siguro ay curious din.
Ngumiti naman si Ms. HR. "Nandito ang kapalaran niya. Saka ko na sasabihin kapag nakabunot na kayo"
Itinapat niya ang naka-fold na paper kaya bumunot na kami. Binuksan ko ito kaya may mga nakita akong pangalan ng tao at ng kompanya.
"Annually na namin itong ginagawa sa mga intern. Gusto namin na personally inaabot ang mga invitations sa mga invited guess at pinapagawa namin ito sa mga intern. Dahil lang ba sa gusto namin? No. Ginagawa namin ito para masanay kayong humarap sa ibang tao at ang isa ay kung sakaling hindi kayo papalarin dito sa Stone, may option kayo sa mga mapupuntahan ninyo kasi maalala kayo. Trust me, malaking tulong sa inyo ang gagawin ninyo" paliwanag ni Ms. HR.
May limang pangalan na hindi ko kilalang tao ang napunta sa akin. Yung ibang kasamahan ko ay mukhang kilala nila ang mga nakalagay sa papel na nakuha nila.
"Hindi naman ngayon natin ibibigay 'yan, bukas pa naman. Ang mga nakapangalan na napili niyo ay personal niyong aabutan ng invitation card at ibibigay ito sa kanila." dagdag pa ni Ms. HR.
"Paano po kung wala po doon 'yung mismong taong hinahanap namin?" tanong ng kasamahan ko.
" Ininform na namin sila na dadating kayo. May need din kasi silang pirmahan na once na na-received na nila. And incase na wala talaga sila, hindi kayo allowed na ipaabot ito kahit kanino, secretary man 'yan o asawa man... no po. Kami na ang bahalang mag-abot muli sa kanila para maiwasan ang nangyari noon. Any question?"
Tinitingnan ko lang ang kasamahan ko kung may tanong pa sila pero mukhang wala na kaya naman pinabalik na kami sa kaniya-kaniyang department. Bago ako bumalik sa office, pumunta muna ako sa parking area para kuhanin ang naiwan kong wallet sa kotse.
Napalingon ako ng may maramdaman kong may kasama akong naglalakad pero pagtingin ko, wala naman. Tinuloy ko ang paglalakad ko kaso hindi talaga ako mapalagay kaya mabilis akong lumingon pero wala naman.
Pasikreto kaya akong pinababantayan ni Esquival sa mga alaga niya? Siguro dahil bigla na lang niya sinabi na hindi na ako babantayan ni Marga dahil may palihim ng may magbabantay sa akin.
Sinawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko at kinuha na ang dapat kong kuhanin. Pagkabalik ko sa office, nakita ko si Sec. Min na katatapos lang sa gawain dahil nagliligpit ito ng mga folder na ginamit niya.
"Blake, may dadating na ka-meeting si Sir Garret maya-maya. Dito sila sa main office mag-uusap kaya naman ikaw na muna ang bahalang magbawal na pumasok sa office ni Sir. Prepare ko na ang mga gagamitin namin" bilin ni Sec. Min sa akin na sinang-ayunan ko.
Inayos ko naman ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa ko para naman malinis tingnan. Inayos ko rin kahit papaano ang damit ko para okay tingnan kasi importanteng tao ang kakausapin ni Esquival. Ilang sandali lang ay lumabas na si Sec. Min.
"Sunduin ko na sila sa baba" sabi nito sa akin saka lumabas.
Hinintay ko ang pagdating nila. Maya-maya ay nagbukas na ang pintuan at unang pumasok si Sec. Min at hawak ang pintuan upang hindi ito tuluyang magsara. Pumasok dito ang isang babae na sa itsura nito ay kaedaran lang ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...