Iniimagine ko na ang sermon sa akin ni Esquival at mas lalong paghihigpit niya sa akin kapag nalaman niya ito.
"Kuyaaaa" bitaw ng babae saka tumakbo sa isang lalaki na nag-iisang walang hawak na baril.
Niyakap siya ng babae na ganon rin ang ginawa nito. Napatingin ito sa akin na hindi ko maipaliwanag kung binabantaan niya ba ako o nagpapasalamat.
Bigla niyang tinaas ang kamay niya kaya naman nakarinig kami ng ilang kasa ng baril. Napaatras kami dahil sa nangyari ngayon.
"No, Kuya!" sigaw niya sa kapatid niya at ibinaba ang kamay niya. "They help me" tumingin siya sandali sa kapatid niya bago muling sumenyas pababa kaya binaba ng mga kasamahan niya ang baril na hawak nila.
Nakahinga naman kami ng maluwag dahil wala ng baril ang nakatutok sa amin.
"Esquival 2.0 ba 'to?" mahinang komento ni Claude.
Napapamura naman ako sa isip ko. Ayaw ko ng makakilala ng another Esquival dahil si Esquival nga hindi ko kinakaya, panibago na naman.
"Someone locked me in a room, and that guy helped me in to get out." turo pa niya sa akin. "And then the guys who tried to kill me saw me. He grabbed my hand and we ran." paliwanag niya.
Sa kuwento niya ay parang bayani ako sa paningin niya. I don't have the intention of helping her, but Ezra is the one.
"Huli kayo!" biglang bumukas ang pintuan pero napatigil din sila dahil sa kanila naman napatutok ang baril.
Naglakad naman kami papunta doon sa mga alagad ng kuya ng babae para naman kahit pumutok ay hindi kami matatamaan.
"Kuya, I'm really scared. Let's get out of here." salita ng babae sa kapatid niya.
"Dash,isakay mo na sila sa sasakyan." utos ng Kuya.
Nagkatinginan naman kaming apat hindi dahil sa utos ng lalaki kundi parang familiar na ito. Ang tono ng boses niya na parang bawat salitang lalabas ay dapat mong sundin.
"2.0 version nga ito." wika ni Claude.
"Dito tayo" turo ng lalaking inutusan pero hindi pa ako nakakahakbang ay may humawak sa braso ko kaya napatingin ako dito.
Nakita ko ang babae na hawak ako. "It would be better for you to ride in our car here. Sa tingin ko ay hindi na kayo kakasya sa sasakyan ni Dash" salita ng babae.
Napatingin naman ako sa kanila upang alamin ang opinyon nila. Gusto ko siyang sagutin na wala kang pake kung saan ko gustong sumakay pero gusto kong mag-ingat sa salitang mababanggit ko dahil pakiramdam ko ay hindi na maganda kaagad ang napasok kong gulo.
"I think it's better na ako na lang" salita ni Ezra.
Tumingin naman ako sa babae na kita ko ang pagdadalawang isip kung papayag ba siya pero kita naman na hindi siya marunong humindi. Tumango naman siya saka ngumiti kay Ezra.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko saka tumingin sa kapatid niya na hindi ko inaasahan na iba ang makikita ko. Agad kong hinatak ang necktie ng lalaki at hinila siya pababa kaya naman hindi tumama ang balang pumutok.
Kaagad na tumakbo ang lalaking may hawak ng baril na nasa likudang puno kaya mabilis nagpuntahan ang ilang kasamahan niya para mahuli ito.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...