Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 37

12K 401 33
                                    

Kasalanan mo kung bakit siya namatay.

Kung sumunod ka lang sa gusto ko, sana hindi siya namatay. It's all your fault.

What do you think will happen to him? Of course, you already know that. Your existence is the same as that of the dead. 

Ano sa tingin mo na kapag naging malapit sila sa'yo maililigtas mo sila? Hindi! Mas lalo silang mapapahamak.


"Blake," naramdaman ko ang pagtapik ni Claude sa balikat ko kaya naman nagising ang diwa ko mula sa naalala ko.

"Kailangan ko ng isa man lang na guardian ninyo para may papirmahan sa kanila bago ko kaya payagang makaalis," salita ng pulis.

Nagkatinginan naman kaming tatlo.

"Nasa malayong lugar si Ezra ngayon. Baka gabihin na tayo kung siya pa magsusundo sa atin," agad na sabi ni Eiji.

"Gustuhin ko man na tawagan ko ang magulang ko, mas pipiliin ko na lang na matulog dito. Yari ako sa kanila kapag nalaman nila ito," salita naman ni Claude.

Napahinga naman ako ng malalim. "Ako na ang tatawag. Ako naman ang nagdala sa inyo dito," prisinta ko.

Kinuha ko ang phone ko at iniscroll ang mga contact number na meron ako. Hindi ko p'wedeng tawagan si Mommy dahil mas lalo akong hindi makakakilos sa oras na malaman niya ito. Wala akong choice kung hindi si Esquival ang tawagan ko kaya naman dinial ko na ang number niya.

"Naka-off ang phone ni Esquival," sabi ko sa kanila at muling dinial pero wala akong natanggap.

"Try mong tawagan si Augustine baka magkasama sila," suhestyon ni Claude.

"Ayaw ko nga. Mas pipiliin ko na lang rin matulog dito kaysa tawagan ko ang ama niyon," tanggi ko kaagad.

Bigla naman tumayo ang pulis kaya napatingin kami sa kaniya. "Sabihin niyo na lang kung sino ang pupunta. May inaasikaso pa akong ibang kaso," salita nito bago umalis.

Naghanap pa ako ng ibang contact ko ng biglang sumagi sa isip ko si Kuya Aseron pero hindi ko pala nakuha ang contact niya. Si Tiffany ang tinawagan ko muna para kuhanin ang contact ni Kuya pero hindi naman sumasagot.

Wala na ba talagang choice? Paniguradong sermon na naman ang aabutin ko kapag si Augustine ang tinawagan ko.

Bahala na nga! Sanay na naman ako sa mga masasakit na salitang binibitawan ng isang iyon. Labas ko na lang sa isang tenga ang maririnig ko.

Dinial ko na ang number niya na sinave ni Esquival noon incase na hindi ko siya ma-contact. Ilang sandali lang ng pagri-ring ay sinagot niya na ito.

"Who's this?" Salita niya kaagad.

"Blake," sagot ko na sandaling natahimik sa kabilang linya.

"Anong kalokohan na naman ang ginawa mo na ayaw mong ipaalam sa asawa mo kaya ako ang tinawagan mo?" paninimula nito. See, wala pa akong sinasabi umiinit na naman ang ulo niya.

"Hindi ko ma-contact si Esquival, kasama mo ba siya?" tanong ko. Sana magkasama sila para hindi ko na siya hingan ng tulong. Magkaroon pa ako ng utang na loob.

"Hindi," sagot nito. "May sasabihin ka pa ba? Naglalaro ako ng mahjong, istorbo ka."

Pinigilan ko ang sarili ko at huminga ng malalim. " I need your help," labag sa loob kong sabi.

Muling natahimik ang kabilang linya. "Mamamatay ka na ba para hingan ako ng tulong." Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Nasa prisinto ako ngayon. We need one guardian para palabasin kami," sabi ko kaagad.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon