Nakikita ko ang pagiging abala nila Esquival sa mga nagdaang araw dahil papalapit na rin ang company's anniversary niya. Ang isa pa, kasabay nito ang bagong endorsement advertising ng kompanya.
Kaya eto ako ngayon kasama sa meeting para mapanood rin kung paano sila magde-decide ng bagong endorsement.
" Our team choose Nicolai Cabrera. He is Filipino actor and model. He began his acting career when.. "
Kaniya-kaniya silang pambato kung sino ang gusto nila. Ako naman nagte-take note sa mga pangalan na sinasabi nila and some important details na hihingin sa akin ni Secretary Min.
" Next is the Nebula. It is a Filipino band formed by YouStar Company. The band is composed of four members: Cross Kade, Castriel,Miliano, and Shane. Prior to its debut with YouStar, the band had long been a popular in ... "
Jot down na naman. Infairness, bigatin ang mga kinukuha nila at mga sikat talaga ngayon sa kabataan. Napatingin naman ako kay Esquival na seryosong nakikinig sa nagre-report. Kaya siguro nate-tense sila kapag kaharap na si Esquival dahil sa paraan ng pagtingin niya lahat ng sinasabi ng nasa harap niya ay pinakapinggan niya ng husto. Nakakatakot magkamali sa harap ng isang Esquival.
Matapos pa ang isang oras na meeting, sa wakas natapos kami sa pag-aabot ng marketing leader ng isang folder na naglalaman ng picture na napili na nila pero na kay Esquival pa rin ang huling desisyon.
Naglakad na kami at sumakay sa lift. "Blake, send mo sa akin ang notes na nakuha mo."
"Noted, Secretary Min" sagot ko.
Unang lumabas si Esquival ng magbukas ang lift kaya sumunod kami. Para siyang nagmamadali kahit kanina nang matapos ang meeting namin. Pagkarating namin sa office, dumiretso kaagad siya sa main office niya.
"Blake, pakisunod ito kay Sir. Kailangan niya itong ma-screen asap" sabi ni Sec. Min na agad ko namang kinuha.
Pumasok ako sa loob kaya nakita ko kaagad ang mga alipores niya. Kaya naman pala nagmamadaling pumasok. Kaso napakunot ako ng noo ng makita ko si Tiffany sa pagitan ni Yuji at Marga.
"Hi, Kuya!" ngiting malawak nito sa akin na kumakaway pa at kung makayakap sa braso ni Marga ay parang close na close sila.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumapit sa receiving area kung saan sila nakapwesto. Tumayo ako sa gilid ni Esquival para kitang-kita ko siya.
Tinuro naman niya ang isang paper bag sa ibaba ni Esquival. "Pinapasuyo ni Mommy na ibigay ko daw sa asawa mo at binilin niya rin na huwag ka na daw umuwi sa bahay kahit kailan"
Ibabato ko sana ang hawak kong folder kaso nahulog yung lamang mga papel sa sahig.
"'Yan hagis nang hagis kasi" inikutan ko lang siya ng mata bago tumulong sa pagpulot.
Pinulot ko ang papel na malapit sa akin. Inabot rin nila ang mga kanilang napulot sa akin.
"Woahhh!" nagulat kami ng pagulat na sumigaw si Tiffany hawak ang isang picture.
Tumingin ito sa akin, sunod kay Esquival saka sa picture. Hinarap niya ang picture ni Cross kaya pinanlakihan ko siya ng mata upang pagbantaan sa susunod niyang sasabihin.
Napasara naman siya ng bibig na nakuha ang ibig sabihin ng tingin ko.
"Kilala mo siya?" tanong ni Esquival.
"Oo. Sikat na sikat itong si Cross. Ganda pa ng boses. Fan ko siya e..este fan niya ako." saka tumawa ng parang tanga.
Kinuha ko na sa kaniya 'yung picture pati na rin ang hawak ni Marga. "Pati si Nicolai?" tingin ni Tiffany sa akin kaya pinanlisikan ko siya ng mata at napatingin kay Marga na mukhang nanghihinala na.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...