Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ19

16.2K 622 141
                                    

Kinabukasan, nagtungo kami sa may sapa upang manghuli ng isda. Hindi ganon kalakasan ang tubig na dumadaloy. May mga nakikita na akong mga isda dahil sa linaw ng tubig. At sa pagkakaalala ko, sa dulo nito ay may talon na ang binabagsak na tubig ay mula sa bundok.

"Kuya Blake" tawag sa akin ni Tiffany. "Pinaalis mo ba si Kuya Garr-- "


"Huwag mo muna siyang banggitin. Sumama ka na lang muna kay Ate Sinag mo" sagot ko.

Nakatingin lang siya sa akin kaya itinulak ko siya dahilan para masubsob siya sa tubig. Natawa naman ako dahil sa nangyari.

"Napakalampa mo naman. Sa susunod nga ay mag-eexercise ka dahil kulang na sa lakas 'yang buto mo" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Sino ba namang hindi masusubsob kapag sobrang lakas ng pagkakatulak?!" sigaw nito sa akin saka ako binabasa.

Lumayo ako kaagad. "Tigilan mo nga, Tiffany. Wala akong dalang damit pamalit!"


"Sa tingin mo ba ako meron?" patuloy pa rin ang pagwisik niya ng tubig sa akin.

Dahil sa inis ko, nilapitan ko siya at sinubsob sa tubig. "Kuya nakainom na ako!" maktol niya at ginawa rin ang ginawa ko sa kaniya.

"Sige maglaro pa kayo para mabulabog ang mga isda. Kayo maghahanap kapag wala tayong naiulam" hirit ni Greg kaya naman nagkatinginan kaming dalawa ni Tiffany saka ngumiti.

"A-anong balak niyo? Bakit kayo lumalapit. Teka! Huwag ninyo akong idamay!" lumangoy ito papalayo sa amin kaya naman hinabol namin.



Nakisali na rin si Sinag sa amin habang si Kuya Zaed ang nanonood sa amin. Tulad ng sabi ko, pito silang pinsan ko sa side ni Tito Draxen. Si Kuya Aseron na siyang tumutulong sa pamamahala dito sa hacienda, si Kuya Florian na nasa ibang bansa dahil sa pag-aaral, si Kuya Zaed, si Greg na siyang kaedaran ko at magtatapos na rin sa taong ito. Sumunod sa kaniya si Sinag na isang taon lang ang agwat sa amin na sinundan ni Vadella at ang huling-huli ay si Severus na kaedaran ni Tiffany ngunit wala siya dahil nasa kaklase gumagawa daw ng project at bukas pa ang uwi.



Madalang lang kami magkita-kita dahil nga dahil busy sila Mommy sa business at malayo pa sa city ang probinsya na 'to. Kaya siguro napagpasyahan ni Mommy na pumunta kahit abala sila ay para lang talagang hindi ko makita si Esquival.



"Mga apo!"

Nahinto kami sa paglulunuran ng marinig namin si Lolo-Mama na kasunod ang ilang kasambahay na may dalang mga basket. Wala siyang kasamang iba bukod sa kanila.


"May inihanda akong pagkain at damit na rin dahil nabanggit ni Draxen na wala kayong dalang pamalit" banggit nito.


"Salamat po" sabay-sabay naming sigaw na apat at muling naglunuran.



Dumating ang hapon na pinagpasyahan na naming umuwi sa hacienda. Masaya ako na sumama sila sa akin dahil kahit papaano, kahit segundo lang ay nakalimutan ko ang problema ko. Pero dahil doon, mas lalo akong nakonsensya. Paano ako nagiging masaya sa sitwasyon kong ito? Alam ko na hindi magagawa ito ni Esquival habang nasa sitwasyon kaming ganito.

"Kuya, nakatulala ka naman. Baka makatapak ka dyan ng tae" biglang salita ni Tiffany.

Tiningnan ko naman siya. "Huwag kang haharang sa daan" sagot ko.

Kita ko na naman na nag-iisip pa siya pero ng ma-gets niya ay agad akong tumakbo papasok sa gate. Hinabol niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Bwisit ka talaga!" paghahampas niya sa akin na agad ko namang iniiwasan.

"Uy pahampas rin!" natigil ako sa pag-iwas ng marinig ko si Claude na agad kong ikinalingon.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon