Minamasahe ko ang balikat ko dahil sa ramdam ko pa rin ang pananakit ng kasukasuan ko. Ilang araw na rin akong tinuturuan ni Yuji ng self defense na sobra sobrang sakit sa katawan ang inaabot ko.
"Blake, paki bigay naman ito sa staff na nasa sound system." Pakisuyo sa akin ng isa sa empleyado dito na kaagad kong sinunod.
Unti-unti ng dumadating ang mga imbitado sa founding anniversary at makikitaan talaga na hindi sila basta basta ring mga tao. Hindi na ako nagtataka na may iilang politicians na nandito. Sa mga businessman ay hindi ko masyadong kilala.
Matapos kong maiabot ay bumalik ako sa pwesto ko na malapit sa entrance. Nginingitian ang mga imbitado sa tuwing nadadaan sa amin. Kanina pa nangangawit ang labi ko.
"Grabe! Iba rin ang mga kasama ngayon," salita ng kasamahan ko.
"Oo nga,e. Kita talaga na successful si Sir Garret sa larangan ng business."
"Sabi mo pa! Meron ngang kasabihan na kung hindi ka matataguriang kalaban ng mga Villarubia ay hindi mo masasabi na succesful ka. E, nagkakaroon na ng competition ang Stone sa mga Villarubia."
Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil wala naman akong mashare sa kanila. Iniisa-isa ko na lang tingnan ang bawat taong nandito sa loob.
"Blake," lapit ni Sec. Min sa akin na may napakagandang kasuotan.
"Ang ganda mo Sec. Min," puri ko kaagad na ikinahiya naman niya. "Bakit pala?"
"Kailangan ka ni Sir Garret. Pinapapunta ka niya sa office niya," sabi nito kaya naman nagpaalam ako sa mga kasamahan ko.
Nagdiretso ako dito sa floor ng office niya at naglakad papunta sa main. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko ang mga alipores niya at magulang niya kasama si Gab.
"Bakit mo ako pinapatawag?" tanong ko sa kaniya.
Hindi pa siya nakasuot ng suit at shirt palang ang suot niya. Tinanguan naman niya ang mga kasama niya dito na sila namang ikinalabas nila. Sinundan ko ng tingin sila hanggang sa makalabas na.
"Baby,come here," salita na ni Esquival ng makalabas na ng office ang lahat.
Umupo ako sa gilidang couch niya. "Ano meron?" tanong ko.
"I will introduced you to everyone as my husband "
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Wala akong ideya sa sinasabi niya.
"W-why?" gulat at nalilito kong tanong.
"You don't want?" balik-tanong niya kaya taimtim ko siyang tiningnan kasi alam niya na ayaw kong sinasagot ang tanong ko ng tanong.
Hindi siya sumagot kaagad pero kinuha niya ang kaniyang sigarilyo sa ibabaw ng lamesa na nasa harap namin at sinindihan ito. Stress siya kapag gan'yan ang ginagawa niya.
"Hindi sa ayaw ko pero gusto ko lang malaman kung bakit?" pananalita kong muli.
"Last time, when we saw Ferrer pinakalat niya na sa lahat na totoo ang balita. They are trying to get some information about you na ayaw kong mangyari," paliwanag niya.
"Chismosa rin pala ang isang 'yon. Dapat sa Ferrer na 'yon ay pinuputulan ng dila ng hindi na makapagsalita pa," naiinis kong sabi sa kaniya.
Tahimik pa rin si Esquival. "This will be not easy for both of us but I'll make sure you're always safe," ngiti niya.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nakipagkita kay Mommy ng mga nakaraang araw?"
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
AcciónC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...