Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 11

17.5K 686 168
                                    

Tahimik lang akong nakatingin sa ama niya na nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa ni Esquival na ngayon wala ng bahid ng dugo sa mukha.

" Bakit ako kasama dito? Hindi ko naman biyenan 'yan " hirit ni Claude na nakaupo sa tabi ko.

" Kung hindi ka sana nagmamagaling sumagot, de wala sanang ganito. Kapag pinatay ako nito, isusunod kita " sagot ko sa kaniya.


" Kailan kayo ikinasal? " biglang tanong ng ama niya na parang lilitisin na kami.

Siniko ko si Esquival para siya ang sumagot sa tanong ng tatay niya. " Isang buwan na ang nakakalipas "

Kalmado naman si Esquival dahil siguro ama niya ang kaharap niya. Kung anong kinatapang ko sa harap ni Esquival, tiklop talaga ako sa tatay niya.

" Your name and age? " baling niya sa akin.

" Blake. 20  " sagot ko.

Tiningnan niya ako ng mataimtim. " Your ten years younger than Garret and it's okay that for you? Ang dami dyang mas kaedaran mo, bakit si Garret pa pinili mo? "

Narinig ko naman ang pigil na tawa ni Claude.  Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napahiyaw si gago na agad humingi ng sorry.

Ano ba isasagot ko? Tama bang isagot ko na pinilit lang ako ng anak niyo na pakasalan ako kaya wala akong choice. Pero mukhang hindi tama 'yon sa sitwasyong kong 'to.


" Mahal mo ba anak ko? " biglang tanong ng ama niya.

Hindi ako makasagot. Napatingin ako kay Esquival na pinipigil ang ngumiti kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi na ako hinintay pang sumagot ng ama niya ng magsalita itong muli. " Wala akong balak hadlangan kayong dalawa. Matanda na ako para sumawsaw pa sa relasyong niyo.  Alam kong alam mo na Garret ang ginagawa mo sa buhay. Bata palamang may sarili ka ng desisyon kaya kahit tutulan man kita, hindi ka rin naman papatalo. Pero ang pinili mong ito, hindi madali sa kaniya " salita niya.

Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan ng mahigpit ni Esquival. " Yes, Dad. " ngiting sagot niya sa ama niya.

Tumayo na ito na mukhang aalis na. " Umuwi ka minsan sa bahay at isama mo 'yang asawa mo para maipakilala sa Mom mo. " pahabol pa nitong sabi bago tuluyang lumabas na inihatid pa ni Sir Yuji.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Claude dahil hindi namin ito inaasahan. " Iyon na 'yon? " tanong ni Claude na agad kong ikinakibit-balikat.

Bumaling naman ako kay Esquival. " He will investigate you later " biglang sabi ni Esquival.

" Bakit naman? Akala ko okay lang sa kaniya " nagtatakha kong tanong.

Lumingon na ito sa akin at ngumiti. " Huwag mo ng isipin 'yon. " salita niya na gusto kong tutulan kaso hindi na lang ako nagsalita. Mas kilala niya ang ama niya kaysa sa akin.


-


Pinalipas ko ang Sabado't Linggo ko sa bahay namin ngunit maaga akong umalis para magtungo muna sa condo namin ni Esquival. Naiwan ko kasi 'yung susi ng kotseng ginagamit ko sa pagpasok na nasa kompanya niya.

" Manong, pahintay na lang ako " bilin ko sa driver na naghatid sa akin.

" Sige po, Sir " sagot nito.

Pumasok na ako sa loob at naglakad patungo sa lift at diretso sa floor sa condo namin. Gamit ang keycard ko, nakapasok ako kaagad.

" Esquival, naiwan ko susi ng kotse mo! " sigaw ko dito palamang sa entrance habang tinatanggal ang sapatos ko.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon