Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 35

11.9K 340 69
                                    

"Paanong naging anak ni Don Milliano si Esquival?" unang tanong ko sa lahat ng mga binigay na impormasyon niya sa akin.

"Tita Trixie, Bellia Nova his biological mother and his acting mother, Celeste..."

Sa mga binabanggit palang na pangalan ni Eiji mas lalo akong kinakabahan kasi ni minsan hindi ko sa kaniya nabanggit kung ano ang relasyon ni Bellia Nova kay Esquival at kailan ko lang din nalaman iyon. He really knows everything more than us.

"...was part and still part of Scarlet except Tita Trixie under of Gabriel Esquival."

"W-what?"

"When Don Milliano stepped down from his position as boss of Scarlet, Augustine took over that position, and after some time had passed, he gave it to Gab," paliwanag niya.

Mas lalo akong naguluhan sa ipinaliwanag niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong unang malaman para makasunod ako sa lahat ng ipapaliwanag niya.

"Bale si Augustine ay parte ng Scarlet noon pa?" Si Claude na ang nagtanong.

Umiling si Eiji. "Hindi, pero dahil sa utos na rin ng ama nila ay napilitin si Augustine na patakbuhin ang Scarlet. Sina Tita Trixie, Celeste at si Bellia ay naging capos ng Scarlet. Nakatatandang kapatid ni Augustine si Don Milliano. May unang anak siya noon na si Gab bago pa maging sila ni Bellia na..." huminga muna ng malalim si Eiji.

"..na pinagsamantalahan noon ni Don Milliano na ang bunga ay si Garret. Ipinalabas na lang nina Bellia at Augustine na anak nilang dalawa dahil sa oras na malaman na nagbunga ang kahayupang ginawa ni Don Milliano ay makakasigurado si Bellia na kukuhanin niya ang bata.Sa panahon na nangyari 'yon, hindi pa parte ng Scarlet si Tita Trixie kaya nakakasiguro ako na hindi niya alam ang totoong relasyon ni Don Milliano at Garret,"

Alam ba ni Esquival  ang tunay niyang pagkatao? Ano ang mararamdaman niya kung sakaling malaman niya ito? At base sa kuwentong sinasabi niya sa akin, bata pa lamang siya nagdesisyon na siyang mamuhay mag-isa dahil mas inintindi niya ang iisipin ng mga nakapalibot sa kaniya.

"Ngunit nang dumating ang araw na naging bahagi si Tita Trixie, isa siya sa pinag-iingatan ni Don Milliano dahil sa pinapakitang galing nito sa pakikipaglaban na 'di kinalaunan naman nahulog ang loob nito sa Mommy mo. Sa kasamaang palad, nalaman niyang buntis ito kay Tito Bryan dahilan para pilitin niyang umalis sa Scarlet na siya namang sinang-ayunan ni Don Milliano."

Ininom ko ang tubig na nasa harap ko at madiing hinawakan ito.

"At nang araw na isinauli ka sa pamilya mo mula sa pagdakip sa'yo ay araw din kung kailan umalis si Don Milliano sa grupo ng Scarlet dahil plinano niya ng turuan si Garret na pumasok sa mundong ginagalawan niya na walang nagawa si Augustine at Bellia dahil alam niya simula palang nang una na anak niya na si Garret. He planned everything from the start, manipulating everyone for his plan to get what he wants," dagdag pa ni Eiji.

"Gusto niya akong gamitin para mapasakanya rin ang Stone dahil alam niyang kaya niyang pasunurin si Esquival dahil sa akin?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa kamay kong nakahawak ng madiin sa baso.

"Malaki ang posibilidad ng sinabi mo dahil bukod sa grupo niya ngayon at ang hawak niyang Scarlet, ay maaaring pang maidagdag ang Stone. O, maaaring may mas malalim pa na dahilan na hindi niya pinapaalam,"

Huminga ako ng malalim sa aking mga nalaman. Kailangan kong iproseso ang lahat lalo na ang tunay na pagkatao ni Esquival. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang tunay niyang ama ang mastermind sa pagdakip sa akin noon. Higit sa lahat, naging bunga siya sa hindi kanais-nais na pangyayari. Sumisikip ang dibdib ko na isipin ang maaring maging reaksyon niya tungkol dito.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon