I should have just stayed home with Esquival instead of coming here. Mapagtatyagaan ko pa ang mukha ng lalaki na 'yon kaysa sa mga nagpa-plastikang mga tao na nakapaligid sa akin.
Kasalukuyan akong nasa birthday party kasama ang parents ko. Debut kasi ng anak ni Mr. Ching, ang Chief Financial Officer ng kompanya namin. Si Daddy ang isa sa mga eighteen gifts.
"Kuya tikman mo 'to, ang sarap!" Napalingon ako kay Tiffany na may kinakain na kahit hindi pa nagsisimula ang party.
Tiffany Permejo is my youngest sister. She's twelve years old and in sixth grade. Kung ikukumpara siya sa ibang bata, matangkad siya para sa grade 6 . Kulot ang mahaba niyang buhok at may pagka-chubby siya. But most of all, she's the definition of pabebe.
"Kaya ka tumataba, kain ka nang kain," paninimula kong pang-aasar sa kaniya kaya sinimangutan niya ako.
"Kaya ka walang jowa dahil sa pag-uugali mo," hirit niya na may kasama pang pagmamaldita.
"Kaya bili ka nang bili ng damit kasi wala ng nagkakasya sa damit mo dahil sa sobrang taba mo. Puro matatamis kasi kinakain mo kaya ganiyan ang size mo," hindi ko papatalo sa kaniya.
For the record, hindi naman talaga siya mataba, sakto lang ang size niya. I just enjoy teasing her, especially since Mom and Dad are busy chatting with the debutant, leaving us at the table alone.
"At least etong kinakain ko may ka-sweetan. E, ikaw, wala. Hindi ka na magkakajowa dahil wala ka man lang lambing sa katawan. No one will ever want to date you."
Her comment made me laugh. If only she knew I was already married. But of course, I couldn't say that out loud, so I just took a sip of water to keep my mouth busy.
The party hadn't officially started yet, we were still early for the party's official call time. Si Mom at Dad ay hindi sila nala-late kapag may ganitong event dahil ayaw nilang nagmumukhang pa-importante.
"Woah! Gwapo naman n'on," biglaang komento ni Tiffany. Napatingin ako sa kaniya na nanlalaki ang mata habang kagat-kagat pa ang tinidor, na nakatitig sa tinutukoy niya.
Sinundan ko ang tinitingnan niya, at ng makita ko ang tinutukoy niya ay parang gustong lumabas ng puso ko sa kaba.
It was Esquival. He looked sharp in his tailored suit, his usual confident demeanor drawing attention as he entered with his group.
What the hell is he doing here?!
"Kuya Blake, mukha kang tanga," pansin ni Tiffany, nagtatakha ang mukhang nakatingin sa akin.
Nagkukunyari akong kinakamot ko ang gilid ng noo ko upang maitago ko ang mukha ko. Wala akong plano na makita nila ako dito.
"Tumahimik ka nga diyan at kumain ka lang," saad ko habang binabantaan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...