Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ17

15.6K 522 91
                                    

"Bye, baby" yakap niya sa akin sabay halik na rin.  "Habang wala ako, ikaw muna ang magluto para sa sarili mo. Alam mo na naman magluto ng pagkain kaya iwasan mo na ang pagkain sa labas or mga online delivery food. Sa allowance mo naman, may pera ka pa naman kaya sa tingin ko magkakasya 'yan for a week na mawawala ako" paninimula niyang magpaalala sa akin.

"Teka akala ko ba ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko, bakit ngayon parang tinitipid mo ako sa pera" sabi ko sa kaniya.

"Baby, hindi pagtitipid ang tawag doon kundi ay paggastos nang tama. You should know how to stop wasting your money" sagot nito sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ito. "If you want, p'wede ka namang umuwi muna sa bahay ninyo habang wala ako" pag-aalala niyang banggit.

Iniikutan ko siya ng mata saka binawi ang kamay ko. "Hindi ako bata na parang hindi mabubuhay habang wala ka o may kalokohang gagawin" sagot ko.


"Alam ko na mabubuhay ka kahit wala ako pero hindi ako sigurado sa wala kang gagawing kalokohan. I know you, Blake " aniya sabay pisil sa ilong ko.

"Sabihin mo 'yan sa sarili mo" simangot ko sa kaniya.

"One week lang ako kaya huwag mo akong masyadong mamimiss. Baka bigla ka na lang magpunta sa Japan dahil gusto mo akong makita kaagad. Pigilan mo ang sarili mo."

Tiningnan ko siya ng seryoso na ikinatawa niya lang. "Bumaba ka na nga bago pasabugin ng ama mo 'tong kotseng sinasakyan natin. Inip na inip na ang mukha."

Muli siyang humalik bago bumaba. Sinundan ko siya ng tingin patungo sa ama niya na agad tumingin sa gawi ko. Kita ko ang maliit na ngiti sa gilid ng labi niya na may masamang plano talaga.

Hindi ko na lang iyon pinansin at pinaandar ng muli ang kotse pabalik sa unit namin dahil ngayong araw ay naka-absent ako sa trabaho. Bukas naman ay may pasok kaya sa Lunes sa isang department ako mapupunta habang wala sila Esquival sa kompanya.

Pagbalik ko sa unit namin, napansin ko kaagad na nakabukas ang pintuan kaya mabilis akong pumasok pero tahimik akong naglakad. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero wala namang ibang tao.

Bumalik ako sa pintuan at nilock ito. Nakalimutan kaya ni Esquival na i-lock ang pinto?

Hinubad ko na ang sapatos ko at gumamit ng tsinelas para sa loob. Diretso ako sa sala para buksan ang tv ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa itaas kaya pagtingala ko ay halos lumuwa ang mata ko.

"M-mommy" nanlambot ang tuhod ko ng makita ko siya.

Kalmado itong tumingin sa akin at naglakad pababa ng hagdan at sa ipinapakita niya palang na emosyon ay kinakabahan na ako. Ngayon ko pa lang nakikita ang ganitong reaksyon sa kaniya. Tila blangko ang kaniyang mukha kaya hindi ko mawari kung galit ba siya, dismayado, o basta! Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko.

"Eto pala ang pinagkakaabalahan mo?" bungad nito sa akin ng makalapit.

Kalmado ang boses niya at tila inaasahan niya ang mga nakikita niya ngayon.

"Totoo nga ang nakuha kong impormasyon na ikinasal ka nga kay Esquival at nakatira kayo sa iisang bahay" dagdag pa niya habang inililibot ang tingin sa paligid ko.

"I can explain, Mom" sagot ko kaagad.


Huminto ito ng tingin sa akin. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. "Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Blake. At huwag ka na ring magbalak na magsalita pa at magtanong dahil..." mas lalo siyang lumapit sa akin at tila inaayos ang suot kong shirt. "...dahil baka may hindi ako magandang masabi at magawa kay Esquival. And you know me Blake na kaya kong gawin ang hindi mo aakalaing magagawa ko"

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon