"Congratulations everyone!" masaya kong bati sa mga empleyado ko.
Mas malaki ang naging kita namin ngayong buwan kaysa ng mga nagdaang buwan. Hindi ko rin inaasahan na mas dadami pa ang mga kilalang mga personalidad na magiging client namin. At higit sa lahat, nakuha namin ang High Magazine para maging kliyente namin which is good dahil kilala iyong international magazine.
"Thank you, Sir Blake. Mas huhusayin pa po namin para mas makilala na tayo internationally," saad ni Charles na isa sa mga photographer ko.
"Tama, para na rin mas mataas ang dagdag sa sahod natin." Mas lalo silang naghiyawan sa sinabi ni Olivia, staff ko.
Dahil sa masayang balitang natanggap ko ay napagpasyahan kong i-treat sila. Kumain kami sa isang korean restaurant tulad ng gusto nila. Bale nasa anim ang lahat ng staff ko sa studio dahil hindi naman ganon karami ang gawain pa.
"Sir Blake, matagal na po ba kayong mag-boyfriend ni Sir Garret?" Usisa ni Zhiana.
"Hindi ko siya boyfriend," sagot ko sabay taas ko sa kamay kong may singsing, "Asawa ko na siya,"
"Eh, hindi po ba nag-aasikaso po kayo para sa kasal ninyo?" Nalilitong tanong ni Yanna.
"Yes,but for our second wedding na ako ang nagpropose. 'Yung first wedding kasi namin sa kompanya niya lang naganap kaya gusto kong ulitin na gaganapin sa isang magandang venue," paliwanag ko sa kanila.
"Sana all, Sir," komento ni Marky na sinundan ng panunukso nila dito.
I'm happy to see my staff happy and comfortable with me. Masarap magtrabaho kung kasundo ko ang mga staff ko. Naiimagine ko nga noon na kapag nagtrabaho ako ay magiging masungit ako sa pakikitungo nila pero hindi naman pala. Ang layo ng inaakala ko sa nangyayari ngayon.
Matapos naming magsaya, nagpaalam na kami sa isa't-isa. Ako naman ay uuwi sa bahay para may kuhanin at doon na rin mag-dinner dahil may iba pang aasikasuhin daw si Esquival kaya nagsuggest siya na sumabay na ako ng dinner sa mga magulang ko.
Hindi pa ako nangangalahati sa daay ay nakatanggap ako ng video call mula kay Ezra na kaagad ko namang sinagot.
"Ay, busy ka ba?" bungad ni Ezra sa akin.
"Huwag na Ezra. Ako na ang bahala," rinig ko si Eiji.
"Si Blake ang pinakamagandang suggestion na ibinigay ko," si Claude naman ang nagsalita at inagaw kay Ezra ang cellphone. "Blake,may ipapagawa kami sa'yo," sabi nito na may nakakalokong ngiti.
Napataas ako ng kilay dahil may nararamdaman akong hindi maganda. "Ano 'yon?"
Muli akong tumingin sa salamin at napahawak na lang sa noo ko kasabay ang sunod-sunod na pagkakawala ko ng malalim na paghinga. Hindi ko alam kung paano na naman ako tumungtong sa ganitong sitwasyon.
"Iba talaga ang alindog mo," paninimula ni Claude habang tawang-tawa sa sitwasyon ko ngayon.
Napalingon ako kay Eiji na halata sa mukha niya ang paghingi ng paumanhin. "Huwag na lang kaya," pagdadalawang isip nito.
Kanina pa niya ito sinasabi habang inaayusan ako pero hindi ko lang pinapansin. Halata sa mukha naman niya na labag sa loob ang pinapagawa niya sa akin pero kita ko rin na naiinip na siya sa gusto niyang gawin.
"Ngayon na nakabihis na ako saka mo lang 'yan sasabihin? Eh, kung ipukpok ko kaya sa bunbunan mo 'tong suot kong sandals?" saad ko sa sinabi niya.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Ezra at Claude na halatang pinipigil lang rin ni Eiji ang matawa. "Laging mainit ang ulo mo sa tuwing nagsusuot ka ng dress. Cool lang," pananalita ni Ezra at muling inayos ang suot kong wig.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...