Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 42

15.1K 427 89
                                    

WARNING!

Some parts of this chapter are for mature audiences over 18 or above that age. The stories featured here will contain sexual content and vulgar languages. DO NOT READ THESE STORIES IF YOU ARE OFFENDED BY ANY OF THIS. Reader discretion is advised.



Napadukdok na lang ako sa lamesa habang gulong-gulo na ang isip ko. Nagpakawala rin ako ng malalim na paghinga at inalala ang nangyari.

"Mukhang malaking problema 'yan?" komento ni Claude.

Kasama ko ngayon si Eiji at Claude dito sa isang cafe shop. Nag-uusap lang tungkol sa mga bagay-bagay matapos ang isang buwan after ng graduation namin.

"Oo," sagot ko saka umayos ng upo.

Paano ko ba sasabihin na after naming mag-sex ni Esquival nang birthday ko ay hindi na naulit. I mean nag-aalala ako na baka hindi niya nagustuhan ang ginawa namin. May mali ba akong ginawa?

"Mind to share?" tanong ni Eiji.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kasi masyadong personal naman saka wala naman silang experience sa ganitong bagay. Anong maipapayo nila sa akin?

"Tungkol ba 'yan sa asawa mo? Ginawa ninyo na ba? Masarap?" usisa ni Claude na may nakakalokong ngiti.

Napabuntong hininga naman ako saka tumango. "Noong birthday ko pero hindi na naulit," reklamo ko sa kanila na ikinatawa naman nila. Sinamaan ko lang sila ng tingin para malaman nila na hindi ako nakikipagbiruan.

Tumigil naman silang dalawa. "Sinubukan mo na ikaw ang mag-first move?" tanong ni Eiji.

Umiling ako. Nahihiya akong mag-first move kasi baka isipin niya masyado akong sabik sa kaniya. Pero..pero, I want to do it again!

"Mahina ka palang nilalang, e. Mag-first move ka muna bago ka magreklamo. Kilala mo naman asawa mo na hindi ka nun pinipilit sa isang bagay na ayaw mo gawin," si Claude naman ang nagsalita.

"Mas matutuwa pa 'yon kung gagawin mo 'yung mga unexpected things na akala niya hindi mo magagawa," dagdag pa ni Eiji na sinang-ayunan naman ni Claude.

Pinaningkitan ko sila ng tingin. "May experience ba kayong dalawa sa lalaki?" walang pasubali kong tanong na kaagad kinabulunan ng dalawa.

Nagkatinginan naman silang dalawa bago tumawa ng malakas. "I want to hear your experience," pursigido kong sabi.



Pabalik na ako sa studio ko para maicheck muna ang lahat bago sila magsara. Binati naman nila ako ng makita ako. Kakaunti na lang ang tao kumpara kanina lalo na sa may photoself studio. Naging patok iyon sa mga customer ko lalo na sa mga teenagers and couples.

"Sir Blake, nagpapalipat po ng schedule si Ms. Karylle ng photoshoot po nila dahil nagkaroon sila ng emergency," saad ni Zhiana, ang manager ko.

"May available pa bang schedule if we need to rescheduled them?" I asked.

"Yes po cher. Next Friday po we have available time on the afternoon po pero may photoshoot po kayo with Mr. Dela Cruz. Kayo po kasi ang nirerequest nila for photographer bale buong maghapon kayo. Okay po ba iyon sa inyo?"

Umiling naman ako. "No, I can't make it on Friday afternoon. Can you ask them if they are okay on Saturday? I'll open my time for them if they agree,"

Sarado ang studio every weekend pero malaking kliyente si Ms. Karylle. Kung magugustuhan niya ang trabaho posible na makahakot pa ako ng mas malalaking customer.

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon