" Three cups of rice ilagay mo sa kaldero. Then hugasan mo ng dalawang beses. Then 4 cups of water ang ilagay mo para sa ganyang bigas. Then punasan mo muna bago mo ilagay dito. Ibaba mo ang button na 'to at hintayin mo lang na maluto. Then may sinaing ka na. "
Step by step na paliwanag ni Tito Ren sa akin kung paano magsaing. Pagkatapos kasi ng klase dito ako kaagad dumiretso sa kaniya para magpaturo ng ilang gawaing bahay.
" Ano ba next sa listahan mo? " tanong niya habang pinupunasan ang kamay niya. Pinakita ko sa kaniya ang listahan para sa gawaing kusina. " Blakie, kahit sino sanay magtimpla ng kape. Tao ka pa ba? "
Sumimangot naman ako sa pang-aasar pero bigla niyang pinisil ang pisngi ko. " Kapag nakita ng asawa mo ang ganitong side mo, siguradong hindi ka hihiwalayan no'n "
" Again? " napalingon kaming pareho sa kakadating lang na si Tito Cyrax. Agad siyang humalik kay Tito Ren at bumaling sa akin. " Kaninong mukha na naman ang babasagin ko? "
" No one! " agad kong sabi. " Tito Ren and I was joking about something word na hiwalayan. "
Pilit na tumawa naman si Tito Ren. " Yes, hubby. Alam mo naman 'tong baby natin immune na sa hiwalayan kaya hindi na masakit kapag may nakikipaghiwalay sa kaniya. 'Di ba Blake? "
" T-tama si Tito Ren. Bakit hindi ka muna po mag-stay dito, ipagtitimpla po kita ng kape? " alok ko.
" Tama Hubby! " tuwang sang-ayon ni Tito Ren.
" No need. May importante akong gagawin " tanggi ni Tito Cyrax at akmang aalis na ng magsalita si Tito Ren.
" Mag-i-stay ka dito o gusto mong tulungan kitang mapadali 'yang sinasabi mong importanteng gagawin mo at idamay ko na rin buhay mo " may diin ang bawat salita niya kaya natigilan si Tito Cyrax sa pag-aalis. Ang tono kasi ni Tito Ren ay nagbabanta.
" I can do that later. Bring your coffee now here " umupo siya sa bar stool.
Tinuruan ako ni Tito Ren sa pagtitimpla ng kape. " Mas gusto ng Tito mo na may creamer ang iniinom niya "
" Ayaw ni Esquival ng may creamer " saad ko. Napansin ko kasi kapag nagsasabay kami ng kain sa umaga, dark coffee ang iniinom niya kaya feeling ko hindi niya gusto ang creamer.
" Okay. Lagyan mo na ng asukal, depende sa panlasa niya kaya dapat alam mo ba kung gusto niya matamis, sakto lang o may kaunting paet " suhestyon ni Tito kaya tumango-tango ako.
Tinapos ko na ang tinimpla kong kape at inilapag na sa counter stool. Humigop kaagad si Tito Cyrax at hinihintay ko ang reaksyon.
" Masarap po ba tito? " excited na kinakabahan kong tanong.
" Yes, but I prefer my coffee with creamer. " sagot niya at humigop muli. Nag-apir naman kami ni Tito Ren. " Para saan ba 'tong pagtitimpla ng kape mo? Hindi ka naman pwedeng uminom ng kape "
" Wala lang po. Gusto ko lang matutunan " sagot ko sa kaniya.
Nagpatuloy kami ni Tito Ren sa mga ginagawa namin habang nanonood si Tito Cyrax. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya pero nginingitian ko lang siya kapag nahuhuli niya akong tumitingin sa kaniya.
" Are you sure na hindi ka na sasabay sa amin kumain ng hapunan? " tanong ni Tito Ren.
Tumango naman ako. " Kailangan ko pa po kasing dumaan sa condo bago umuwi ng bahay. Sa susunod na lang po " sagot ko sabay yakap at halik sa pisngi niya.
" Okay. Mag-ingat ka. Goodbye na kayo sa Kuya niyo " lingon naman ni Tito sa mga anak niya.
Niyakap naman ako ng mga bata at muli akong pinapabalik dito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...