Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 34

13.5K 422 135
                                    

Esquival's

Nandito kami ngayon sa harap ng isang public school. Hindi kalayuan sa main gate ng paaralan, makikita namin ang isang lalaki na nakatayo malapit dito.

Nilingon ko si Blake dahil pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ng mga palad niya na nanginginig rin.

"Kukuhanin natin siya ngayong araw para malaman na natin kung sino ang nasa likod ng pag-kidnap sa'yo," salita ko kaya napalingon ito sa akin.


Kita ko ang takot sa mga mata niya. Tila ang daming tumatakbo sa isip niya na hindi ko naman alam kung ano ang mga ito.

"Boss,we're just waiting for your signal," salita ni Uji na siyang nagdadrive sa kotse kung nasaan kami.


"Just give me a signal so we can start our plan." Baling ko naman kay Blake.


Marahan siyang tumango at muling tumingin sa lalaking kinakatakutan niya. Kung titingnan ko ang itsura ng lalaki, disente siyang tingnan. Hindi mo aakalain na kaya niyang gawin ang mga bagay na 'yon sa isang bata lalo pa't may anak rin siya sa mga panahon na 'yon.

May ilang nakuhang impormasyon si Jax tungkol sa kaniya. Victor Cortez, 45 years old na may dalawang anak. Isang 15 at 7 tapos buntis pa ang kaniyang asawa. May maliit silang negosyo na sari-sari store na malapit sa tinitirhan nilang squatter area. Masasabi kong hindi siya mayaman dahil sa estado ng buhay nila.


"May bata siyang kinuha," napalingon ako sa gawi ni Victor na may hawak siyang bata. "Tulungan niyo ang bata. Baka may gawin siyang masama doon. Yuji sabihan mo si Marga--"


"Baby, anak niya 'yan."

Natigil si Blake sa kaniyang sinasabi at nakatitig lang sa mag-ama. Kita ko mas lalong naguluhan siya sa kaniyang nakikita.


"Bakit siya may anak?" tanong niya. "Siguradong pinapahirapan niya ang mga anak niya. Nakakasigurado ako na ginagawa niya sa mga anak niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan matulungan natin ang mga bata."


Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang impormasyong nalaman ko na ang kinamumuhian niyang tao--ang taong nagpakahirap sa kaniya ay isang mabuting ama sa paningin ng lahat.


May galit ako sa puso ko. Kaya kong patayin ang taong iyon ngunit kailangan ko pa rin ang pagsang-ayon ni Blake sa gagawin niya sa lalaki.


"Sino ang lumapit sa kaniya Esquival?"



"Asawa niya na walong buwan ng buntis," sagot ko.


Natahimik ang paligid. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin kumukurap ang mata niyang nakatingin sa masayang pamilya na naglalakad paalis sa lugar kung saan sila naghihintay.


"Umuwi na tayo,"



"Baby,"




"Umuwi na tayo," pag-uulit niya.


Sinenyasan ko si Yuji na huwag ituloy ang balak at sundin ang pinapagawa ni Blake. Inihatid niya kami sa condo kaya diretso na kami ni Blake sa lift. Tahimik lang siya habang naglalakad kahit makarating kami sa loob ng unit namin.


"Baby," tawag ko sa kaniya kasi iba ang nakuha kong reaksyon mula sa kaniya.


Akala sa oras na makita niya ang lalaking nagpahirap sa kaniya labing tatlong taon na ang nakakalipas ay babalik ang galit niya dito. Mas gugustuhin niyang makuha ang lalaking ito at pahirapan. Gawin ang mga bagay na ginawa niya sa kaniya.


Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon