Three days before the wedding
"Hindi ka aalis!"Madiin ang tatlong salita na lumabas sa aking bibig para pigilan si Esquival na lumabas ng aming bahay. Kita ko rin ang paghawak nito sa kaniyang noo na tila namomroblema dahil sa pagpigil ko sa kaniya.
"Baby, ilang araw ka ng ganyan. You don't even allow me to have my meeting outside the company. Ano bang nangyayari sa'yo?" nagtatakha na siya sa inaasta ko.
Napahinga ako ng malalim. "Hindi ka pa rin lalabas. Halika na dito, matulog na tayong dalawa." Tinapik ko ang espasyo sa tabi ko.
Nakatayo lamang ito na hinihintay kong bawiin ang sinasabi ko ngunit muli ko lang tinapik ang tabi ko. Bumuntong hininga naman siya at muling tinawagan ang kaniyang alipores.
"I can't go. You will take the deal for tonight and give me details after." Kausap nito sa kabilang linya kaya naman nakangiti akong nakatingin sa kaniya. "Happy?" Kausap na nito sa akin ng ibinaba na ang tawag.
"Yes," sagot ko na siya namang pagtabi niya sa akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit ngunit kasabay nito ang paghalik niya sa leeg ko.
Hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Maya-maya ay pumaibabaw na ito sa akin at lumuhod na nasa pigatan ako ng mga hita niya. Kita ko ang malawak niyang ngiti habang hinuhubad ang kaniyang damit.
Sinipa ko siya sa kaniyang tyan dahilan para mapasalampak siya sa kama. Ako naman ay umupo saka humalukipkip. "You promised that we would never do it until we got our honeymoon." Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Baby, I never promise that! Ikaw lang nagsabi n'yan pero hindi ako sumang-ayon," sagot niya na gumagapang palapit sa akin kaya naman kinuha ko ang unan sa tabi ko at hinarang ko sa harap ko.
"Para namang ikakamatay mo ang isang linggo. Lubayan mo ako!" Mabilis kong binalot ang sarili ko ng kumot at tumagilid ng higa.
Halos inaraw-araw na naming ginawa iyon simula ng nag-first move ako sa kaniya. Hindi na nauubusan ng lakas si Esquival sa kama gabi-gabi kaya naman bigla kong naisip na hindi muna namin gawin iyon ng isang linggo hanggang sa kasal namin. May honeymoon rin kasi kami kaya naman gusto ko may excitement kami pareho kapag dumating ang araw na 'yon. Pero sa mukha ni Esquival, lagi naman siyang excited kapag gagawin na namin iyon.
Naramdaman ko naman bigla ang paghiga niya sa gilid ko. Nakatalikod kasi ako ng gawi sa kaniya kaya hindi ko siya nakikita. Ngunit ramdam ko ang pagyakap niya sa bewang ko kaya naman humarap na ako sa kaniya.
"Galit ka? Nitong mga nagdaang araw lagi na lang kitang pinaghihigpitan at hindi na tayo nagse-sex? Tumingin ako sa kaniya.
Ngumiti naman ito sa akin kasabay ang pagpisil niya sa ilong ko. "Bakit naman ako magagalit sa napakagwapo kong asawa? Saka let me correct you again. It's not sex, it's making love."
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...