"One, two. One, two. One, two, three, four .."
Napahinto ako sa pagsuntok.
"Bend your knees a little bit. Then your going to move your side hips a little bit forward."
Napatango ako sa sinabi niya at muling inulit ang ginagawa ko. Matapos ito, nagkaroon muna kami ng break.
"Si Esquival?" tanong ko kay Yuji.
"He's doing something very important. Let's stop at this part so we can continue it for the next day," bilin ni Yuji habang tinatanggal ang gloves niya.
Napatango naman ako at bumaba na sa ring. Uminom kaagad ako ng tubig na nasa gilid ng ring at napaupo sa isang upuan.
Parang walang nangyari noong isang araw. Hindi ako kinulit ni Esquival sa nanganap at hindi na nagtanong pa. Mukhang hindi niya ito binanggit sa magulang ko dahil wala silang tinanong sa akin kaya naman malaking ginhawa iyon para sa akin.
Ngunit sa dalawang araw na lumipas, kapansin-pansin na parating wala si Esquival ngunit naiiwan minsan si Yuji na kasama ko. Katulad kanina sa opisina, umalis si Esquival pero hindi niya kasamang lumabas si Yuji. Alam ko naman ang dahilan kaya hindi na ako nagrereklamo pa.
"Tomorrow morning you can take a rest," lapit sa akin ni Sir Yuji at inabot niya ang susi ng kotse ko. "You may leave now."
Nagtataka akong kinuha ang susi sa kaniya. "Alam ito ng boss mo?"
"Siya ang nag-utos sa akin. May kailangan din akong asikasuhin kaya hindi na kita masasamahan. Gusto mo bang may magbantay sa'yo? I will ask Marga ."
Mabilis akong humindi. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya kaya umalis na siya. Ako naman bumalik sa loob ng mansion para maligo dahil sa pawis ng katawan ko bago magpasyang umuwi.
Habang nakahiga ako dito sa couch sa sala ng unit namin. Bigla kong naalala ang birthday ni Esquival. Ano pala ang ireregalo ko sa kaniya?
"Tiffany" Tumawag ako sa kaniya.
"Miss mo ako?"
"Wala akong maisip na ireregalo kay Esquival."
"Bakit ako papoproblemahin mo dyan? Ibalot mo na lang sarili mo, palibhasa ikaw lang gusto non"
"Tsk! " yun lang nasagot ko.
"Wala ka bang alam na gusto niya? Yung mga gamit na madalas niyang ginagamit. Kulang ang araw niya kung hindi niya ginagawa o ginagamit ang bagay na 'yon."
Mang-asar. Doon siya mahusay sa araw-araw na ginagawa niya.
"Jusme naman Kuya Blake. Napakawala mong kwentang asawa. Talagang hihiwalayan kita kung ganyan ka."
"Nag-iisip ako." sagot ko. "Alam ko na! Si Sec. Min madalas ang kasama ni Esquival kaya mas alam niya kung ano ang paki-pakinabang na ireregalo ko sa kaniya."
"Iyon naman pala. Sige na, busy pa ako. Bye." Hindi na ako hinintay na mag-bye dahil in-end niya kaagad ang call.
Tumingin ako sa orasan. Alas-kwatro na pero kung mabilis akong kikilos, maaabutan ko pa siya. Wala naman si Esquival doon kaya hindi niya malalaman.
Nagsuot na lang ako ng hoodie, pants saka rubber shoes. Mabilis akong nakarating sa kompanya. Mabuti na lang dala ko ang ID ko kaya pinapasok ako pero binilin ko huwag ipaalam na nagpunta ako.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...