Isang araw palang kami dito ay inip na inip na ako. Inaaya naman ako ng mga pinsan ko pero wala akong gana na sumama sa kanila. Pati nga pagbangon ay kinatatamaran ko na rin.
"Kuya Blake, kakain na daw ng tanghalian" aya sa akin ni Tiffany.
Tumayo naman ako at matamlay na bumaba patungo sa outdoor dinning area. Nakita ko kaagad sila na nandoon na at masayang nagkekwentuhan.
"Blake, dapat sumama ka sa amin sa may sapa." bungad agad sa akin ni Greg.
Nginitian ko lang siya at nagsandok na ng kanin saka tahimik na kumain. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. Mas gumugulo sa isip ko kung ano na ang ginagawa ni Esquival. Alam kong hinahanap niya na ako lalo pa't hindi ko sinasagot ang tawag niya. Hindi naman siguro siya mapapahamak habang hinahanap niya ako.
Pero paano kung gumawa si Mommy ng paraan para hindi na kami magkita kahit kailan. Ibig sabihin, maghihiwalay na kaming dalawa. Hindi ko na siya makikita at makakausap.
"Blake..."
Natigil lang ako sa mga iniisip ko ng tawagin ako ni Tito Draxen na may pag-aalala sa mukha. "Gusto mo bang sumama sa akin sa pastulan ng mga kabayo. May ipapakita akong bagong kabayo na siguradong magugustuhan mo" alok nito.
"Sa susunod na lang siguro Tito" sagot at nagpatuloy sa pagkain.
Matapos kong maubos ang nasa plato ko ay agad na rin akong nagpaalam para tumaas muli. Hindi muna ako humiga kaya dito muna ako dumiretso sa bintana. Pinagmasdan ko lang ang mga nakapaligid sa hacienda na puro damo o kaya puno. Masarap sanang magrelax sa ganitong lugar kung walang iniisip na problema kaso baliktad iyon sa sitwasyon kong ito.
Gusto ko na siyang makita at nag-aalala na ako kung ano na ang nangyayari sa kaniya lalo pa't pakiramdam ko ay alam niya na.
"Apo" napalingon ako kay Lola-Mama na pumasok sa kuwarto ko. Lumapit ito sa akin. "Magkaaway kayo ng Mommy mo?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil ayaw kong magsalita na kahit ano na may kinalaman sa pinag-aawayan namin ni Mommy dahil iyon ang bilin niya.
"Hayaan mo lang ang Mommy mo. Ibigay mo muna ang gusto niya at kapag nakikita ka niyang nahihirapan, susuko rin 'yon. Hindi ka rin niya matitiis" ngiting sabi ni Lola-Mama na ikinatango ka lang.
Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa ibang bagay na may kinalaman sa hacienda. Kung ano-ano ang mga ipinagdiriwang nila dito at mga nakasanayan ng mga taong bayan. 'Yung iba naman narinig ko na pero merong may mga bago.
"Kapag maayos na ang pakiramdam mo, subukan mong pumunta sa bayan. Marami kang mabibiling mga pasalubong sa mga kaibigan mo. Saka magkakaroon ng pagtitipon ang mga taga-dito para ipagdiwang ang pasasalamat sa masaganang ani ngayong taon kaya huwag mong palagpasin iyon."
"Sige po, Lola-Mama" sang-ayon ko sa kaniya.
Bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko. "Malaki na ang apo ko. Parang dati, ayaw mo pang magpababa sa akin kapag karga-karga kita o kaya naman ayaw mong humiwalay sa Lolo-Papa mo kapag nagsama kayo."
"Hindi niyo na nga po ako kayang kargahin" pagbibiro ko sa kaniya. "Saka naalala ko po noon kaya hindi ako bumibitaw sa inyo dahil sabi po ninyo ibibili ninyo ako --- "
"KUYAAA!" napatigil ako sa malakas na sigaw ni Tiffany. Pagkita ko kay Tiffany ay akala mo tumakbo ng pagkalayo-layo dahil sa hingal at may hawak pa siyang kutsara.
"Anong meron Tiffany? May nangyari bang masama?" nag-aalalang tanong ni Lola-Mama.
Umiling naman si Tiffany. "Kuya nasa baba ang asawa mo!"
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...