Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 36

11.4K 359 30
                                    

"May back up ka pala, 'di mo man lang sinama kanina sa usapan natin."

Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Ferrer sa aking likudan. Hindi ko naman alam na sumunod pala siya sa paglabas ko.

Lumapit sa amin ang tatlo kaya naman binati nila si Ferrer na ganon din naman ang ginawa niya. Una kaming nagpaalam sa kaniya na siyang pagsama niya dahil aalis din naman daw siya.

Sabay-sabay na kaming naglakad papalabas na hindi namin inaasahan ang makakasalubong namin na gulat ng makita kami na kasama ang isa sa mga taong inilalayo nila kay Esquival.

Nakakunot-noong nakatingin sa akin si Augustine ganon din si Gab na hindi natutuwa. "Mauna na ako sa inyo dahil mukhang mahaba pa ang pag-uusapan ninyo," tapik nito sa aking balikat na may ngiti sa labi na alam niya na ang mangyayari.

"Malalaman ito ni Esquival." Iyon lang ang sinabi ni Augustine na hindi na tumuloy sa loob.

Hindi ko na lang pinansin iyon at sumakay na rin sa kotseng dala namin. Napatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ko ang mga tanong na gusto kong banggitin kay Milliano sa oras na magkita kami.

Hindi na lang ang pag-kidnap sa akin ang gusto kong malaman pati na rin ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Esquival.

"Blake, we're here," salita ni Eiji ng makarating na kami sa condo.

"Maraming salamat sa pagtulong niyo sa akin. Alam ko na dapat hindi ko na kayo--"

"Hepp! Dapat lang na dinamay mo kami sa bagay na ito. Ano pa ang saysay ng pagkakaibigan natin kung hindi mo kami hihingan ng tulong? Huwag kang magdadalawang isip na humingi sa amin ng tulong dahil hindi kami magdadalawang isip na tutulungan ka," ngiting sabi ni Ezra na sinang-ayunan pa ng dalawa.

Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad na papasok ng building. Dumiretso ako kaagad sa unit namin na ramdam ko na may sasalubong sa akin na hindi kaaya-aya.

Pagpasok ko sa loob at pagtungtong ko sa sala, nakita ko ang mag-ama ngunit mas natuon ang pansin ko sa kabilang couch.

"Kuya Aseron, kailan ka pa dumating?" agad kong tanong.

Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap. "Kanina lang naman. Kinokontak kita pero mukhang patay ata ang cellphone mo kaya naman kay Tita Trixie ako tumawag. Ang asawa mo naman ang nagpatuloy muna dito," sagot niya sa akin.

"Blake, " napatingin ako kay Esquival na pababa ng hagdan na galing sa kwarto namin. "Hindi ko talaga mahanap ang susi ng unit mo dito para maayos niya na ang mga gamit niyang dala."

"Nasa bag ko dahil kasama 'yon ng susi ko sa locker ko sa school," banggit ko kaya naman tumaas siyang muli. "Kumain ka na?" baling ko naman kay Kuya.

Tumango naman si Kuya Aseron. "Oo kanina dahil nagpahanda si Garret ng hapunan. Ikaw ba? Ginabi ka naman ng uwi,"

"May inaasikaso lang ako," sagot ko.

Napatingin naman ako sa dalawang nasa harap namin na hindi umiimik. "Kilala mo na sila?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Napakilala na sa akin ni Garret kanina ng dumating sila. Halos magkasunuran lang kayo," ngiting baling ni Kuya Aseron sa dalawa.

Hindi na ako nagsalita pa. Nahanap rin naman ni Esquival ang susi kaya naman sinamahan na namin si Kuya Aseron na tumungo sa unit ko. Mabuti na lamang napalinis ko na ito ng sinabi ni Mommy na dadating si Kuya.

"Kung may kailangan ka sabihan mo lang kami," salita ni Esquival habang inilalapag ang isa sa maletang dala ni Kuya.

"Pasensya na sa abala at salamat sa pagpapatuloy sa akin kanina. "

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon