Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 33

12.6K 430 74
                                    

Ibinaba ko ang cellphone ko matapos kong mabasa ang text mula kay Mommy.


"Ano sabi?" napatingin ako kay Esquival.


Humiga ako sa hita niya at binaling ang tingin sa tv. "Uuwi daw si Kuya Aseron. Pinapasuyo ni Mommy na paayos ko daw 'yung unit ko dito," sagot ko.

"Kuya Aseron?He is familiar," wika niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.


"Pinakapanganay sa aming magpipinsan. Nakita mo na siya noon sa probinsya."


"Hmm," iyon lang ang sinagot niya kaya napatingin ako sa kaniya na siya ring ikinatingin niya sa akin. "Why?" takhang tanong niya.

Umiling lang ako pero hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka iniyuko ko siya para mahalikan niya ako sa labi.

"I love you," salita ko at bumaling na lang uli sa pinapanood namin.


Hindi ko siya narinig na nagsalita pero naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko. "Baby..." tawag niya sa akin kaya naman natawa ako.

Dumiretso ako sa ng higa para makita ko ang mukha niya pero sinisiksik niya sa leeg ko. Pero kita ko naman ang namumula niyang tenga .


"Are you teasing me?" umayos ito ng upo saka naniningkit ang matang tumingin sa akin na pilit sineseryoso ang mukha.

Tumawa lang ako sa kaniya saka pinisil ko ang pisngi niya. Napatitig naman siya sa labi na marahang nilalapit ang labi niya kaya humawak ang isang kamay ko sa batok niya sabay pikit sa mata ko pero saktong may nagdoorbell kaya napadilat ako at napaupo.


"May bisita ka" tanong ko sa kaniya.

Kita ko naman ang bwisit sa mukha niya na totoo na. Pinigil kong tumawa dahil sa itsura niya na mukhang nabitin sa masamang plinaplano.

"Wala," sagot niya.

Muling tumunog ang doorbell kaya naman tumayo na ako upang tingnan muna sa monitor ang nasa labas. Nakita ko si Lia, ang biological mother ni Esquival sa labas.


Hindi ko siya pinagbuksan kasi bumalik muna ako sa sala. "Esquival nandyan Mommy Lia mo," sabi ko na ikinalingon niya na nagtatakha ang mukha na hindi niya alam na dadating.

Tumayo naman siya kaya sinundan ko ng lakad. Pinagbuksan niya ng pinto ngunit may isang bata ang agad na pumasok at yumakap sa hita ni Esquival kasunod lang si Lia.

"He really doesn't want to have a birthday party," problemadong bungad ng nanay niya.

Sandali itong lumingon sa akin at muling bumaling kay Esquival. "He wants to spend his birthday with you tomorrow."


Teka,hindi ako hangin.


"Kuya, I want you and Mommy Lia only to celebrate my party." salita ng bata na sa tingin ko ay five years old palang.


"You don't want to spend your birthday with your friends? My husband and I will also be invited." salita ni Esquival.


Tumingin naman ang bata sa akin nang masama. Magkasalubong ang kilay niya habang nakasimangot. Tumingin ako sa nanay niya ng marinig ko siyang nagpigil ng tawa.


"I hate you, too," ani ko sa bata saka sila nilayasan.


Kinuha ko ang cellphone para makataas na pero bago pa ako makatakas tinawag ako ni Esquival. Sinenyasan niya ako na mag-stay kaya wala akong choice kung hindi umupo. Kasunod kong umupo ang mag-inang dumating.


Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon