Pentax Aze Permejo-Esquival
Parehong nakangiti ang mag-asawa sa mga nadadanan nilang mga bata. May mga naglalaro, mga gumagapang at iba ay nasa higaan pa lamang. Mga bata na walang muwang sa sitwasyon na kanilang pinagdadaanan.
"Sila po ang mga batang nakukuha po namin na nilalagay dyan sa Angel's box." Kwento ng nangangasiwa sa bahay-ampunan na kanilang binisita.
Pangatlong bahay-ampunan na itong pinuntahan nila. Nagdesisyon muna ang mag-asawa na mag-ampon bago ang surrogacy procedure. Kaya ngayon abala silang bumibisita sa mga bahay-ampunan upang maghanap ng batang ituturing nilang anak at bibigyan ng pagmamahal na pinagkait ng kanilang mga magulang.
"Sa totoo lang po mas madami po ngayon ang inaabandunang mga bata kaysa sa mga nagdaang mga taon. Hindi naman po namin maitigil ang nasimulan po naming proyekto dahil hindi po namin kaya na kung sakaling mawala ang Angel's box project ay baka kung saan dalhin ang mga batang ito."
Ramdam sa boses ng tagapangasiwa habang ito ay nagkukuwento kaya naman may awa at lungkot ang dalawa. Hindi nila deserve na mabuhay na wala silang kalalakihan na magulang at pagmamahal na mula sa kadugo nila. Wala namang masama sa sitwasyon nila ngayon ngunit mas deserve nila may masayang pamilyang mamumulatan.
"Tutulong po kami sa abot ng makakaya po namin," salita ni Garret na ramdam ang pagkasinsero sa pangatlong pagkakataon dahil pangatlong bahay-ampunan na ito.
Hindi madali sa dalawa, lalo na kay Blake, na kumuha o magturo na lang ng batang makakasama nila sa buhay. May kung ano sa kalooban niya na dapat ang bata pumili sa kanila ngunit napanghihinaan siya ng loob dahil wala pang muwang ang mga sanggol at batang nandito.
"What do you think?" mahinang tanong ni Garret.
Isang matamlay na ngiti ang ginawad sa kaniya ng asawa na alam niya na ang ibig sabihin "It's okay. We do have a lot of time," ngiti niya kay Blake para palakasin ang loob.
Naglakad na sila upang makaalis dahil may iba pa silang pupuntuhan ngunit napahinto sa paglalakad ang dalawa ng may bolang tumama sa paa ni Garret. Sinundan nila ng tingin kung saan nanggaling ang bola kaya nakita nila ang isang bata na nakangiting nakaupo. Hinahampas ang sahig habang nakatingin sa bolang nasa harapan ni Garret.
"Sampung buwan na po siya at isa po siya sa narescue po ng angel's box namin," salita ng nakasunod sa kanilang tagapangasiwa.
Yumuko naman si Blake upang kuhanin ng bola ngunit bago pa siya makatayo ay gumapang ang bata papunta sa kaniya kaya hinintay niya ito. Pagkalapit sa kaniya ay umupo ito habang pinapalakpak ang mga kamay.
"Dada..dada...dada.." paulit-ulit niyang banggit habang nakangiti sa kanilang mag-asawa na parang hinihintay na kuhanin namin siya.
Biglang nakaramdam ng kakaibang emosyon si Blake. Mabilis itong kinarga ang bata at niyakap ito ng mahigpit kasabay ang pagharap niya kay Garret.
"Daddy Garret," pakilala niya sa asawang nasa harap niya.
Yashica Reeze Permejo-Esquival | Ilford Blaze Permejo- Esquival
"Face on the wall!" Rinig ang isang boses ng bata na mababanaagan ang awtoridad kaya naman walang nagawa ang dalawang bata kung hindi sundin ang Kuya nila.
Sa kaniya kasi binilin ng Daddy Blake niya ang mga kapatid. Naglalaro lang silang dalawa habang siya ay nagbabasa ngunit paglingat lang niya upang kumuha ng libro ay nakita niya na itong nagkakalmutan at nagsasabunutan.
"What's happening here?" Bumukas ang pinto kung saan sila naglalaro na pumasok ang kanilang Daddy Garret na kagagaling lang sa trabaho.
Akmang aalis sa pwesto ang dalawa ng magsalita mula ang kanilang Kuya Pentax. "It's not yet time. Two minutes left," paalala niya bago bumaling sa ama na natatawa sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...