Pinagmamasdan ko si Esquival habang mahimbing siyang natutulog. Nakatagilid siya, nakaharap sa akin, marahil dahil sariwa pa ang sugat niya sa balikat.
My thoughts lingered on the incident that happened that day. I still didn't fully know Esquival—at least, not enough to judge the things he was capable of doing without hesitation. But what I couldn't understand was why he was so determined to protect me.
Balik-baliktarin ko man ang mga pangyayari, isang bagay ang hindi ko maalis sa isip ko. Nakilala niya ako bilang babae noong una. Pero bakit, nang malaman niyang lalaki ako, ipinilit pa rin niyang magkatuluyan kami?
Ano ba talaga ang dahilan niya para pilitin akong pakasalan? Totoo ba ang lahat ng sinasabi niya, o may mas malalim pa siyang dahilan?
I let out a deep sigh as the unanswered questions weighed heavily on my mind. Rather than dwell on them any longer, I got up from bed, deciding to get ahead of my alarm. A quick shower might help clear my thoughts.
Pagkatapos kong maligo, napansin kong wala na si Esquival sa higaan. Malamang nasa kusina na siya, naghahanda ng almusal. Ako naman, sinimulan ko nang ayusin ang bag ko para sa school. Habang inaayos ang mga gamit, tumambad sa akin ang flash drive na siyang naging dahilan ng pagkakakilala namin ni Esquival.
Dahil sa flash drive na ito, nagtagpo ang mga landas namin. Pero sa parehong dahilan, nagkagulo rin ang pamilya ni Eiji.
"I'm not stupid. I have my own plan. He can't just take what he wants. Nasa akin ang alas," muling bumalik sa akin ang sinabi ni Kuya Kaede noong gabing iyon.
Hindi ko maiwasang pagtagpi-tagpiin ang mga impormasyon. Malaki ang posibilidad na si Esquival ang tinutukoy ni Kuya Kaede bilang kalaban. Base na rin sa mga kwento ni Eiji, galit na galit ang Kuya niya noong mawala ang flash drive na ito.
What could it contain? Could it be something completely different from what we assumed?
"Blake."
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Esquival. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto. Suot pa rin niya ang kanyang pantulog, pero may apron siyang nakatali sa baywang. Napatingin siya sa hawak kong flash drive, kaya agad ko itong itinago sa loob ng bag.
"I'll take a shower first before we eat. I'll be driving you to school," he said while removing the apron.
"What's the occasion? Why are you driving me to school?" I asked, raising an eyebrow.
He smiled and walked over to me. "Bawal ba akong maghatid ng asawa?" may halong pang-aasar sa tono niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, pero tumawa lang siya, halatang natutuwa sa reaksyon ko.
Bigla na lang niya akong hinalikan sa noo. "Gusto lang kitang ihatid. Hintayin mo na lang ako sa baba, or better yet, want to shower again? We can do it together," he added with a sly grin.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...