Para kaming nasa guidance office habang kaharap namin ang pinakamasungit na guidance councilor ng school namin noon na kinakatakutan namin dahil baka isumbong kami sa parents namin sa mga ginawa naming kalokohan.
Nakapagpalit na ako ng damit dahil nagpadala si Esquival kay Silver ng damit na pamalit ko. Kasunod nito ang tatlong ugok na iiwan ako sa ere. Kasalukuyang nakaupo kami sa mahabang couch...bale ang pwesto namin, Eiji, Ezra, Ako tapos si Claude.. tapos kaharap namin si Esquival na nakaupo sa single couch at nasa kabilang couch naman ay si Sir Yuji at Marga. Si Silver naman at Jax ay nakaupo arm rest ng couch nila Sir Yuji.
"Ikaw na mag-explain, Ezra" salita na ni Claude.
Pinanlakihan niya ng mata si Claude pero wala na siyang nagawa kaya nagsimula na siyang magkwento ng nangyari. Wala siyang pinalagpas na detalye.
"Nasa plano niyo na akitin ni Blake si Florido" nakakunot noong tanong ni Esquival.
Tumango naman si Ezra kaya kita ko ang paghigop ni Esquival sa hawak niyang sigarilyo at pagbuga ng usok ito. Kita ang Stress ang mukha nito.
"Uy bakit hindi ka magsalita, asawa mo naman 'yan" bulong sa akin ni Claude.
"De ikaw magsalita. Ako na nga napahamak dahil sa inyo" paninisi ko.
"Wow, ha? Pumayag ka sa gusto ni Ezra. Saka hindi namin tinuro sa'yo ang gagawin mo. May pa-call me mine ka pa at pa-i want to play with you ka pa kay Mr. Florido. Ikaw ang nagkusang magsabi non saka nung hinalikan ka ni Mr. Florido sa pisngi, wala kaming kinalaman non. Labas kami sa usapan don"
Napatitig lang ako kay Claude dahil sa mga sinabi niya. 'Yung sistensya lang kanina, ngayon ay ramdam ko na ang hatol ni kamatayan.
" Opps! " napatakip ng bibig si Claude na ngayon lang narealize ang mga sinabi niya.
Sinakal ko na kaagad si Claude. " Tatanggalin ko ang dila mo. Ilabas mo 'yan! " inawat na ako nina Ezra at Eiji.
Isang malakas na kalabog ang narinig namin. Pagtingin namin sa harap ay basag na ang glass table na nasa pagitan namin. Umupo kami nang maayos.
"Jax, ikaw na ang bahala sa lahat ng transactions ni Florido" salita ni Esquival.
"Okay, boss"
"A.g, sa mga naging babae niya"
"Copy, boss."
"Ikaw naman Marga sa paglagay sa mga news articles about his mistresses and illegal transactions using their company's fund. Ag and Jax will give the info."
"Yes, boss"
"And Yuji, ihatid mo na sila sa kani-kanilang bahay." bigla naming tayo. "Except you, Blake" sabay upo.
"Sabi mo hindi ka naman sinasaktan ng asawa mo kaya iiwanan ka na namin. Yari kami kay Kuya Kaede kapag nalaman niya 'to" hirit ni Eiji na ikinagulat ko. Akala ko malaki galit nito kay Esquival at siya ang magiging kakampi ko.
Naiwan kaming dalawa dito. Nakatitig uli siya sa akin kaya nilalamon na ako ng konsensya ko. Talagang mali ako kung iisipin ko na may asawa na ako.
Lumapit siya sa akin at itinayo niya ako. "Saan ka niya hinalikan?" mahinahon ang tanong niya.
Marahan kong tinuro ang kamay ko at pisngi ko. Nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko at pisngi ko.
"Saan ka niya hinawakan?" tanong pa niya uli.
Tinuro ko ang bewang ko. Kaya bigla niyang tinaas ang damit ko pero agad kong ibinaba. Tiningnan niya ako.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...