Maaga akong nagising kahit napuyat ako kakahintay kay Esquival. Ginawa ko muna ang morning routine ko at agad na bumaba sa kusina pero nakita ko muna si Marga na natutulog sa may sofa pero hindi ko na nilapitan.
Naghanda na ako kaagad ng kakainin naming almusal ngayong araw. Dahil wala akong pasok, wala naman akong gagawin ngayon bukod sa kakausapin ko sila Claude. Si Esquival naman ay ngayon imi-meet ang napili nilang celebrity para sa endorsement. Hindi ko naman masasabi na masosolo ko ang araw ko ngayon dahil may nagbabantay sa akin.
Napangiti ako sa mga nakahain sa lamesa. "Galing mo talaga" puri ko sa sarili ko.
Syempre hindi ko p'wedeng kalimutan ang kaniyang kape kasi ilang sandali bababa na 'yon para kumain. Masigla akong nagtimpla ng kape at inilagay sa lamesa ng makita ko si Marga na kinakamay ang bacon na niluto ko.
"Sanay ka palang magluto. Akala ko puro kalokohan lang alam mo" saad nito.
Hindi naman ako masasanay kung hindi ako tinuruan ni tito Ren at ni Esquival.
"Iluwa mo 'yan. Hindi ka kasama dito" sabi ko kaagad pero mas lalong nang-asar pa at dumampot pa uli.
Lumapit ako sa kaniya para agawin ang kinuha niya pero iniiwas niya lang. Natigil lang kami ng may tumikhim kaya nakita ko si Esquival na nakasuot na ng suit.
"Aalis ka na?" tanong ko sa kaniya.
"Breakfast meeting ang una kong pupuntahan" sagot nito at napatingin sa lamesa. " Kayong dalawa na lang ang magsabay" malamig nitong sabi at naglakad na papalabas.
Nanlumo naman ako kaagad kasi nagluto ako sa para makasabay ko siya.
"Kainin mo na lahat 'yan" sagot ko at naglakad na paalis sa dining area. Bagsak-balikat akong tumaas sa kwarto ko.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko na maraming message na mula sa group chat naming apat.
"Need ng explanation for this?!" - Ezra
"You owe an explanation!" - Claude
"Imposible? Bakit?" - Eiji
Nagreply ako kung saan kami magkikita-kita para mapaliwanag ko na ang chinat ko sa kanila. Sinang-ayunan naman nilang tatlo kaya walang naging problema.
Itatabi ko na sana ang cellphone ko ng maka-receive ako ng text mula kaya Esquival.
"Come here" text niya kaya naman bumaba ako at nagtungo sa dining area. Nakita ko siya na nakaupo na sa lamesa at iniinom ang tinimpla kong kape kaya naman napangiti ako at marahan na lumapit.
"Akala ko may meeting kayo?" tanong ko at umupo sa gilidan niya.
"Na-cancel" tipid nitong sagot at sumubo na ng niluto kong fried rice.
Hindi na ako sumagot kaya nagsandok na rin ako ng sarili kong pagkain na may ngiti sa aking mga labi. Kahit labag sa loob ko, inaya ko na rin si Marga na kumain. Tumanggi siya pero ng si Esquival ang nag-aya ay pumayag siya kaagad kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Nga pala, makikipagkita ako kila Ezra" saad ko kaya naman nahinto si Esquival sa pagnguya at uminom ito ng tubig.
Ang kaninang kalmadong expression niya ay napalitan ng inis pero alam kong pinipigilan niya na ipakita ang inis sa narinig niya.
"Sasamahan ka ni Marga" salita niya.
"Okay" ngiti ko sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pagkain na kita ko ang pagtatakha sa mukha nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...