"Wei Hou, siya pala ang sinasabi ng Tito Ren mo noon na ipinakilala mo sa parents mo" bungad ni Esquival ng makapasok kami sa unit.
Akala ko nakalimutan niya na kaya hindi niya nabanggit habang nasa byahe kami.
"Oo. Hindi ko naman aakalain na makikita ko siya kanina at may kinalaman ang pamilya niya sa'yo" saad ko.
Agad akong humiga sa sofa at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Naka-received ako ng message mula kay Ezra.
'Blake, I need your help'
Napaupo ako sa kama at agad na nagreply. 'Why? At kailan ka pa nakauwi ng Pilipinas?'
Naseen niya agad at nagtatype na.
"Bakit nakakunot ang noo mo? " napatingin ako kay Esquival na nagtatanggal na ng suit.
"Wala naman. Bukas maaga akong aalis dahil kailangan ko pang daanan si Tiffany sa bahay tapos sa Lunes na ako uuwi" pagpapaalam ko sa kaniya.
Tumabi naman siya sa akin at niyakap ako. "I will miss you."
Tinulak ko naman siya. "Hindi ka ba nagsasawa na palagi na tayong magkasama buong maghapon."
"Bakit naman ako magsasawa sa mukha ng asawa ko?" sabay kindat nito sa akin.
"Dami mong alam" sagot ko na lang at tinuon ang tingin sa cellphone ko. Hinalikan naman niya ako sa ulunan. "Magluluto na ako. Ayaw ko pa namang nagugutom ang asawa ko."
"Kaya magluto ka na" sagot ko sa kaniya.
Nagtungo na siya sa kusina at ako naman ay inabala ang sarili sa cellphone ko.
'Kahapon pa ako nakauwi pero may inasikaso muna ako kaya hindi ko kaagad sinabi sa inyo.'
'Sino nagsundo sa'yo, Ezra?' chat rin ni Eiji na mukhang hindi alam na nakauwi na ang kapatid niya.
'Kayo ko ang sarili ko pero sa pagkakataong ito, kailangan ko ng tulong niyo.'
'Mukhang may ganap ngayon. Teka guys! Magback read ako para makarelate naman' nagchat na rin si Claude.
'Ano bang nangyari?'
'I can't explain dito sa chat kaya available ba kayo tomorrow?'
'After lunch lang ako pwede'
'Ako mga two pm pa dahil need kong ihatid pauwi si Tiffany bukas'
'Ako available kahit anong oras.'
'Walang nagtatanong Claude'
'Bagay talaga pangalan mo sa'yo, Eiji. E for Epal!'
'Tumigil nga kayong dalawa. Kailangan ko kayo bukas. Para sure na puwede ang lahat, four pm sharp! Ang location, itetext ko sa inyo kung saan.'
'Okay'
'Asahan mo boss Ezra.'
'Sige.'
Ano kaya problema ni Ezra at biglaan ang pag-aaya niya.
"Baby, can you get my phone sa suit ko?" rinig kong sigaw ni Esquival.
Humiga naman ako sa sofa at nagtakip ng unan. Kunyari hindi ko narinig ang sigaw niya. Tinatamad kasi akong tumayo.
'Baby! Please, can you get my phone?'
BINABASA MO ANG
Captured by the Mafia Boss
ActionC O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession, especially by force Blake Villarubia-Permejo is a twenty-year-old boy who is an immature, spoiled...