Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 4

25.8K 904 203
                                    

     I couldn't believe I'd found myself in this situation. Everything was happening so quickly. Mamamatay ba ang isang 'yon, at minamadali lahat?


"Blake, naghihintay na si Boss," paalala ni Marga nang pumasok siya sa kuwarto kung saan ako inaayusan.


Puwede pa ba akong umatras?


"Maghintay siya," inis kong sagot.


Inaasahan kong aalis na siya, pero pumasok siya at isinara ang pinto. Sumandal siya sa pader habang ang mga kamay niya ay nakahalukipkip na sinasabayan pa niya ng pagngisi. 


Even without looking at her, I could see her reflection in the mirror in front of me. I closed my eyes, taking a deep breath to keep myself from reacting.


"Congratulations," salita nito na nababanaagan ang pagkasarkastiko sa tono. "I can already see the trouble you're going to bring to boss."


Hindi ako makapaniwala mula sa narinig ko sa kaniya. "Ako?" turo ko sa sarili ko na humarap na. 


Ako nga dapat ang magsabi ng ganiyan dahil nakikita ko na ang problema ko kasama ang gagong 'yon. If it weren't for Eiji, I would never go through with this.


" Oo, ikaw," sagot niiya, na mas lumawak ang ngiti sa labi. "Sa tingin ko gusto mo ang nangyayari."


"With the way I look right now, do you think I'd want to marry your boss? Matutuwa pa ako kung magkakaroon ng lindol para matigil lang ang kasal na 'to," tutol ko sa sinabi niya.


Yes, today was the day—the wedding he demanded as his price yesterday. He wanted to marry me right away. But why?


No one in my family knew I was getting married today. It would be a disgrace. I didn't know anything about this man, and yet, here I was, forced into a wedding. Was this some kind of game to him?


This wasn't my dream wedding. Ang pangarap ko ay makasal ako sa taong mahal ko, hindi lang sa taong mahal ako. I  wanted it to be mutual. Pero eto ako ngayon, ikakasal sa loob ng company office niya, ni wala ring nakakaalam na employees niya.


"Well, wala ka na namang magagawa," tugon niya, bago lumabas.


Sa inis ko, pinulot ko ang vase sa may coffee table at ibinalibag sa pintuang isinara niya. Muli akong humarap sa salamin at inayos ang white suit na suot ko na sukat sa aking katawan.


After a few moments, I finally left the room and headed to Esquival's private office, where his group was gathered. Ang magiging witness ko sa kasal na ito ay si Secretary Min, at ang kaniya naman ay mga grupo niya na katulad niyang gago.


Walang anumang koloreta ang paligid na parang regular na araw lang sa opisina niya. Ang patunay lang na may ikakasal ngayon ay ang officiant, na makikita na hindi taga-Pilipinas. Sa tabi niya ay si Esquival, nakatitig sa akin, akala mo naman ay tatakasan ko. Labag sa loob kong lumapit sa kaniya. 

Captured by the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon