IV

129 10 0
                                    

"Tumahimik na kayo!" Naiiritang sabi nito sa'min.

Inihagis ni Heroun sakaniya ang baril.

Nasalo niya naman 'to at saka tinutok sa'min.

Hindi ko maintindihan. Kung kakampi nila si Mrs. Zyrina, hahayaan niya 'tong mabuhay.

"Who killed Mrs. Zyrina?" Seryosong tanong nito.

"Kung gano'n, hindi siya..." Pabulong na sabi ko.

"Halika na, Chantal. Hindi natin dapat pinagaaksayahan ng oras ang mga walang kwentang bagay katulad nito. Kailangan kong harapin si Thrextan para hindi ka niya idamay rito." Aktong kukunin niya na ang braso ko ng biglang hilahin ako ni Heroun papunta sakaniya. Napakapit ako sa balikat niya at napayakap ako sa dibdib niya.

"Who told you that she will be with you again?" Malamig na tonong sambit ni Heroun sakaniya.

Napailing naman si Leeshun at saka tinignan ng seryoso si Heroun. Ngumisi ito sakaniya at saka hinila ako papunta sakaniya.

"And who told you that you have permission to touch her?" Pabalik na tanong nito kay Heroun.

"As far as I know you are her ex boyfriend. You have no rights to touch her. Besides, she doesn't need your nonsense explanations, why you chose to leave her then. I hope you know that you have nothing good to do with Chantal. You put her in a situation where she and her parents would be harmed. Am I right?"

Napabitaw naman sa braso ko si Leeshun. Agad na nilapitan niya si Heroun at saka kinwelyuhan. "Anong sinasabi mo?!" Ramdam kong nag-iinit siya kay Heroun dahil sa mga nito tungkol sakaniya. Kinapitan ko ang kamay ni Leeshun.

"Tama na! Tumigil na kayo!"

"Tinatakpan ninyo ng mga kasinungalingan ang totoong kwento at dahilan kung bakit nagyayari lahat 'to. Bakit ninyo nga ba maiisipan patayin si Mrs. Zyrina kung hindi ninyo kakampi si Yarem? Sa simula palang alam ko na kaaway pa'rin ang babaeng 'yon. She fake her pregnancy at alam din 'yun ni Kael. Kakampi ninyo sila di'ba? Lahat ng mga plano namin nalalaman ninyo dahil sakanila." Nakangising sabi ni Heroun sakaniya.

Binitawan siya ni Leeshun.

"I fake all the plans. I know that in the end, ganitong sitwasyon na ang mangyayari at hindi ako nagkamali ro'n." Pagpapatuloy nito.

"Shut up your mouth." Seryosong sambit ni Leeshun sakaniya.

Napakapit ako sa braso ni Heroun. Nakatitig lang si Leeshun sa'kin.

"I have a feelings for you, Heroun." Tinuon ko ang atensyon ko kay Heroun at saka direktang tinitigan siya sakaniyang mga mata.

Wala akong pakeelam sa reaksyon ng mukha ni Leeshun habang nakatingin siya sa'ming dalawa. Ang gusto kong malaman kung pa'no ang ikikilos niya ngayon pagtapos niyang marinig 'yon mula sa mga labi ko.

Napayuko si Leeshun at saka tumalikod.

"It's already 5 pm. Hanggang ngayon 'di pa'rin tayo nakakalabas sa impyernong'to." Mahinahong sabi nito habang nakatalikod sa'min.

"Hindi ko gagawin ang gusto ni Thrextan dahil mahal kita, Chantal. Hindi ko gustong madamay ka at ang mga magulang mo sa imperynong 'to. Hindi ko alam na mangyayari lahat 'to. Kung alam ko lang sana..."

"Sana napigilan kitang mahalin mo 'ko."

Nanlumo ako sa mga sinabi niyang 'yun.

"Sana maayos ka ngayon at malayang nakakapamuhay sa labas ng impyernong 'to. Aminado akong may mga naging pagkakamali rin ako sa'yo. Pero kahit kailan, hindi ko pinagpalit ang pagmamahal ko para lang sa sinasabi ni Heroun na ginusto kita na mapahamak at ginusto kong dumating sa puntong 'to." Humarap siya sa'min at saka mapait na ngumiti. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka dahan-dahang lumuhod sa harapan ko. Nakatuon ang mga mata niya sa promise ring na binigay niya sa'kin.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now