VII

293 28 7
                                    

"Shannun? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat ay nasa hospital ka?"

"Tumakas ako. Gusto kong humingi ng tawad sa'yo sa kabila ng ginawa naming pagtataksil ni Sharina sa'yo. 'Yong mga nangyari na kasama mo kami, totoo ang lahat 'yon. Noong lumipat ka sa university, pinagplanuhan namin na magpanggap na hindi ka namin naalala. Totoong pinagtaksilan at niloko ka namin nang harapan," seyosong sabi nito, diresto lang itong nakatingin sa mga mata ni Rias.

"H...h-indi maaaring nung lumipat ako sa university may epekto pa ang gamot. Illusyon ko lang din 'yon, 'di ba?" Inaasahan ni Rias na sasang-ayon si Shannun sa kaniyang mga sinabi. Ngunit napaluhod na lamang si Shannun sa harap niya. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa, hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa mga nagawa ng mga ito sa kaniya.

Ayaw niyang magsalita, dahil alam niyang sa pagkakataong 'yon, maaari niyang masaktan ang damdamin nito. Alam niya sa sarili niyang maaring galit at pagkamuhi ang maramdaman niya sa binata. "Katulad ka rin pala nila. Wala kang ipinagkaiba sa kanila. Nahulog ang loob ko sa'yo. Sinamantala mo ang nararamdaman ko para sa'yo. Nagpakatanga ako, naniwala akong totoo ang hipnotismo na nangyari sa inyo. Ngunit hindi, pinili ninyo akong lokohin. Pinili ninyo kong pagkaisahan!" Alam niya sa sarili niyang nasasaktan siya. Ngunit pilit niyang tinago ito. Nagawa niya na lamang ngitian ang binata.

Inisip na lamang niya na biktima lang din si Shannun at Sharina.

"Can you do me a favor, Shan?" Walang siglang sabi niya sa binata. Iniangat naman ni Shannun ang kaniyang ulo, tiningnan si Rias na parang nagmamakaawa na huwag sanang ituloy ng dalaga ang naiisip nito. Dahil takot siya sa kung ano ang sasabihin ng dalaga sa kaniya. "Umalis ka sa harapan ko. Kalimutan mong nakilala mo ako. 'Yon ang laro ninyo, 'di ba? Isipin mong nakikipaglaro lang din ako sa inyo ngayon. Hintayin mong maging naayos ang lahat, saka ko ibibigay sa inyo ang kapatawaran na hinihingi mo."

Tumayo si Shannun mula sa pagkakaluhod. Nakatingin lamang siya sa dalaga habang dahan-dahang nililisan ang lugar na 'yon. Nang makaalis si Shannun ay siyang pagpatak ng mga luha ni Rias. Galing 'yon sa sakit na nararamdaman niya.

Muli siyang humarap sa pinto at nag-isip ng paraan kung paano 'yon mabubuksan. May natapakan siyang isang matigas at matambok na bagay na mula sa damuhan lamang na kanyang naramdaman. Dahan-dahan siyang yumuko at lumuhod para tingnan kung ano 'yon.

'Susi.'

Maaring 'yon na ang susing hinahanap niya para mabuksan ang pinto. Agad niya 'yong sinubukan. Kaba at takot ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong mayroon doon sa loob. Tanging lakas ng loob na lamang ang dahilan niya para ipagpatuloy ito. Narinig niya ang unti-unting pagbukas ng pinto. Nanginginig ang mga kamay niya at bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Bumungad sa kaniya ang isang binata na nakagapos at nakaupo lamang sa isang upuan. May takip ang bibig at nakayuko ito na tila ba ay natutulog lang.

Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito. Nang iangat niya ang ulo nito, napahalukipkip siya ng masilayan niya ang mukha nito at nakumpirma niya na 'yon nga ang kaniyang kasintahan na si Phyrhos. "P...P-hyrhos, gumising ka!" nanghihinang sabi niya habang tinatapik ang mukha nito at sinusubukang gisingin. Agad niyang pinakawalan mula sa pagkakagapos si Phyrhos at inalis ang takip nito sa bibig. Nakita niya rin na maraming sugat at pasa si Phyrhos. Tanging awa ang naramdaman niya sa binata. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang sinapit nito.

Inalalayan niya na makatayo ang walang malay na binata na makalabas doon. Dumating naman ang ilang pulis para tulungan siyang alalayan ang binata. Agad namang dinala ng mga pulis si Phyrhos sa ambulansya upang malapatan ng lunas. Bakas sa mukha ni Rias ang takot at konsensya sa nakita niyang nangyari sa binata sa silid na 'yon.

"Ma'am, hindi po ba kayo sasama?" tanong sa kaniya ng pulis.

"H...h-indi na. Susunod na lang ako. Sino nga pala ang nagpadala sa inyo rito?"

"Hindi niya po binanggit ang kanyang pangalan, Ma'am. Pinaalam niya lang na kailangan ninyo ng tulong, kaya po pumunta kami kaagad dito."

"Ganoon ba? Sige, salamat," malamig na tonong sabi ni Rias dito.

Pinagmasdan lang ni Rias ang ambulansya habang papalayo sa lugar na 'yon. Samantalang ang mga pulis, bumalik sa loob ng academy para muling magsagawa ng pag-iimbestiga. Napatingin si Rias  sa lupa kung saan pinagparadahan kanina ng ambulansya. May nahulog na singsing doon.

"Posibleng ito 'yung promise ring na binigay niya sa'kin. 'Yong kwintas na suot ko ngayon, ito nga kaya 'yung binigay niya sa'kin noon?" tanong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang singsing, yumuko siya at lumuhod para pulutin ito mula sa lupa. Muli siyang bumalik sa loob ng academy para puntahan ang dating counselling room kung saan minsang namamalagi si Alejandro.

Gusto niyang malaman ang lahat. Kagaya ng sabi ng dalaga sa kaniyang sarili, hindi matatapos ang araw na ito ng hindi ito naaayos.

Binalikan niya ang silid kung saan niya natagpuan si Phyrhos. Sa isang study table, may nakita siyang mga folder doon at agad niya itong nilapitan. Pinili niya ang nasa unahan na kulay pulang folder at binuksan ito.

---
Name: Phyrhos Falcon
Section: 1/8
Age: 19 years old
Achievements: Honor student, active student and SSG Vice President 2002-2003
---
Tanging iyon lang ang nakita niyang laman ng folder. Binuksan niya pa ang isang nasa ilalim naman nito.
---
Name: Rhianna De Vega
Section: 1/8
Age: 17 years old
Achievements: Honor student, active Student, Badminton player and SSG Treasurer 2002-2003
---

Isang folder na lang ang natitira. Binuksan niya ito. Kagaya ng mga naunang laman ng folder na nabuksan niya, tumambad din dito ang impormasyon ng kaniyang pinsan na si Ayemmie. Ang dating SSG President na hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan.
---
Name: Ayemmie Silvestria
Student: 1/8
Age: 18 years old
Achievements: Honor student, active student, journalist and SSG President 2001-2002
---

'Ayemmie, anong nangyari sa'yo? Nasaan ka?'

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now