VII

128 11 0
                                    

"Yarem, ikaw mag tinutukoy niya di'ba?"

Hindi ko sinagot ang tanong niyang 'yon. Ang tanging nararamdaman ko lang no'ng araw na 'yon ay poot at galit.

'Walanghiya ka, Wave.'

"And also I killed her parents. Masaya akong napaglalaruan ko siya." Pagpapatuloy ni Wave. Lumapit sakaniya si Xianelle at saka sila naghalikan ng mapusok.

'Tama nga ang narinig kong usapan nila sa Comfort Room.'

"Eliza, keep that as our secret."

"Sure, Yarem. I'll promise that I'll never exposed this footage. I already delete it in the computer of the CCTV Room. Alam ko ang lahat at sana this time, naliwanagan ka na."

Ngumiti naman ako sakaniya. "It's all clear now. Hindi na 'ko mahihirapan gumanti sa taong bumaboy sa'kin at pumatay sa mga magulang ko."

After that day, do'n na 'ko gumawa ng mga planong ako lang ang nakakaalam. 'Yung tinurok kay Chantal, hindi 'yun ang totoong lason. Pampatulog lamang 'yon. Ang buong akala ko talaga ay nagtaksil si Stevaun, ngunit nagkamali ako. Sinabi ko rin sakaniya na sabihing nasa kritikal na kalagayan si Chantal para walang makahalata na kahit na sino.

"Stevaun, wait. Ito ang iturok mo kay Chantal, pampatulog lang 'yan."

"Thank you, Yarem."

"Ang buong akala ko ay---"

"Nagtaksil ako sa SSG Officers? Kay Chantal?"

'Di na 'ko nagsalita pa."Hinding-hindi ko gagawin 'yun sa babaeng mahal ko."

'Yun lang ang tanging sinabi niya bago pa siya umalis sa Laboratory Room.

Akala ni Wave na kakampi niya si Stevaun, ngunit nagkakamali siya, alam namin lahat ang plano ni Wave. Nilinlang lang din 'to ni Stevaun. At ang totoong lason, tinapon ko 'yon. Ang lason na ginamit ko para sa kutsilyo na pinansaksak ko kay Wave, ako mismo ang gumawa no'n.

And lastly, he's the real father of my child.

"Are you sure about this, Yarem?" Seryosong tanong sa'kin ni Kael at saka inabot ang pregnancy test.

"Gusto kong malaman kung buntis nga ba ako. At kung totoo man, hinding-hindi ko hahayaan na malaman ni Wave na siya ang ama nito."

"Okay, that's your decision. Tulungan mo ang sarili mo, cause no one will help you. Tinulungan lang kita rito, pero wag ka umasa na tutulungan kita sa mahirap na sitwasyon. I don't love you, anymore."

Bumagsak ang mga luha ko ng marinig ko ang mga salitang 'yon sakaniya.

Napatingin ako sa salamin na nasa likod ko at saka pinagmasdan ang repleksyon ko.

"Wala naman akong inaasahan sa'yo, Kael."

Alam ko nung mga oras na 'yon ang naging kasalanan ko para magalit siya ng gano'n sa'kin. Nakipaghiwalay ako sakaniya dahil inamin kong niloko ko siya.

He's my boyfriend already before we transferred here.

I know him, hindi niya 'ko papabayaan.

At hindi niya 'ko binigo nung binalikan niya 'ko para iligtas mula kay Wave. Hindi ko inaasahan na talagang babalik siya. At babalikan niya 'ko.

"About what happened to Xianelle, kinampihan ka ng korte, Yarem. Hindi ka nila sinampahan ng kaso dahil mas mabigat ang kasalanan ni Xianelle sa batas." Seryosong sabi ni Stevaun.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now