V

200 9 0
                                    

"Stevaun, ikaw na ang magdedesisyon kung maniniwala ka o hindi. Naibigay at naipakita na namin sayo lahat ng ebidensya." Nilapitan ko siya at saka ibinigay sakaniya ang panturok na hawak ko na may lamang lason.

Tinabihan ko si Heroun.

"Yarem, are you okay?" Nagaalalang tanong ko sakaniya. Nasa likod sila ni Kael at nakaupo.

"I'm fine. Hindi lang ako, makapaniwala sa mga nangyayari ngayon." Napahawak siya sa tyan niya.

"Don't worry, magiging maayos din ang lahat. I'll make sure na hindi ka madadamay rito pati ng anak mo."

Tumango naman siya.

Nakatingin lang ng seryoso sa'kin si Heroun.

"I'm okay." Mapait ko siyang nginitian.

Ngumiti siya sa'kin. "Liar."

Iniiwas ko na ang tingin ko sakaniya, hinihintay ko ang susunod na mangyayari kina Stevaun at Mrs. Zyrina.

Ibinaba ni Mrs. Zyrina ang baril na hawak niya ng unti-unti siyang nilalapitan ni Stevaun. Nakakatakot ang awra niyang 'yon.

Ngayon ko lang nakita 'yon sakaniya.

"A...A-nak, patawarin mo 'ko." Nanginginig na sabi ni Mrs. Zyrina sakaniya.

Ngunit hindi nagpatinag si Stevaun sakaniya.

"You killed my own father and you abandoned me. I'll never be happy as long as I know that you're my mother."

Napaluhod si Mrs. Zyrina. Bakas sakaniya ang pagsisisi at panghihina sa mga narinig niya na sinabi ni Stevaun sakaniya.

"And now you want me to forgive you? How? How can I forgive you? How, Mom?"

"Anak, pwede tayong magtulungan. Pabagsakin natin sila."

"You want me to be like you? Who the hell are you, Mrs. Zyrina?!" Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Zyrina sa tinugon nito sakaniya.

"Kung gano'n, kaya mo 'kong patayin?!"

Magkatapat na sila ngayon, lumuhod din si Stevaun sa harapan niya. "I'm not like you. Hindi ako mamamatay tao. I may not kill you with this poison, I'll kill you with my words."

"Sa tingin mo ba, naging mabuti kang ina? Isang malaking kalokohan kung paniniwalaan kong naging mabuti ka." Pagpapatuloy nito. Nilapag niya sa gitna nilang dalawa ni Mrs. Zyrina ang panturok na may lamang lason.

Muli niyang tinuon ang atensyon niya rito. Muling kumuyom ang mga kamao ni Mrs. Zyrina.

"Ikinakahiya kita."

Sinampal ng malakas ni Mrs. Zyrina si Stevaun.

"You don't have any permission to slap me."

"Hindi ko alam na ganiyan ka. Na mgiging ganiyan ka. Sana ay pinalaglag na lang kita!"

Mapait siyang nginitian ni Stevaun. "If I could bring back time, sana 'di nalang ikaw ang naging tunay kong ina. 'Di ko pipiliin na maging anak mo. Ayokong magkaroon ng ina na mamamatay tao." Mabilis na kinuha ni Mrs. Zyrina ang panturok. Kinuha niya ang braso ni Stevaun.

"Then kill me. That's your happiness right? You're happy to see others suffering from pain and sadness. I know that you'll be happy if you see me suffering from pain."

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now