"Pagod na 'ko, Chantal. Iniwan na 'ko ni Dein. Wala na siya, iniwan na niya ako. Dahil sa inggit at selos ko sa'yo, yun ang naging kapalit. Hindi umepekto ang mga ginawa ko sa'yo. I'm physically and emotionally tired of everything. Please, let me go. Hayaan mo na 'ko." Humahagulgol na sabi nito sa'kin.
"Kaibigan kita. N...N-angako ka sa'kin na 'di mo 'ko iiwan. Pinangakuan mo 'ko at pinanghahawakan ko 'yon. Please, Gwen sorry for everything. I'm begging on you, please dito kalang, wag mo 'kong iwan." Humihikbing sabi ko sakaniya.
Tuluyan niyang binitawan ang kamay ko, ngunit kinapitan ko parin ito.
Binitawan niya ang kamay ni Stevaun. Kinuha niya sa bulsa niya ang isang maliit na cutter at hiniwaan niya ang kamay ko.
"Let me go!" Pasigaw na sabi nito sa'kin.
Kahit dumudugo na ang kamay ko at lumalalim na ang sugat na nagagawa niya sa kamay ko, hinding-hindi ko hahayaan na wala akong magawa ulit.
Wala akong pakeelam sa mga sinabi niya, siya mismo ang mahalaga sa'kin.
Hanggang sa tuluyan ko na siyang nabitawan.
Mabuti nalang at mabilis na kumilos sa Heroun, naglagay siya ng foam sa baba.
Ligtas na siya.
Tumakbo na 'ko para bumaba, makita at makausap si Gwen.
"Chantal." Seryosong pag-tawag ni Stevaun sa'kin.
Lumingon ako sakaniya.
Huminga siya ng malalim at kumuha ng panyo sa bulsa niya.Kinuha niya ang braso ko at nilapat sa sugat ko ang panyo.
"Gamutin na muna natin ang sugat mo. Ligtas na si Gwen, sarili mo na muna ang isipin mo. Halika na." Bakas sa mukha nito ang sinseridad at pagaalala sa'kin. Tumango naman ako at sumama sakaniya papunta sa Clinic.
Sa paglalakad namin, napaisip ako dahil 'di ko alam kung anong nangyayari. Naguguluhan na 'ko sa lahat. Bakit? Bakit ganito ang nangyayari?
Tulala lang ako at wala sa sarili. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihirapan ako, 'di ko na alam.
"Nurse Adeline, pwede po ba akong makahiram ng First Aid Kit?" Seryosong tanong ni Stevaun sakaniya.
Naupo na muna ako sa may kama.
"Sure. Anong nangyari d'yan? Mabuti at 'di gano'n kalalim. Maupo ka na muna, Chantal. Gusto mo ba na tawagan ko ang parents mo?"
"Wag na po. Ayokong magalala sila sa'kin. Okay lang ako, Nurse Adeline." Nakatungong sabi ko sakaniya.
Iniangat niya ang ulo ko. "Ayos kalang ba? Namumutla ka."
Ngumiti naman ako at tsaka tumango.
Kumuha ng upuan si Stevaun at umupo sa harapan ko. Kumuha siya ng betadine at bulak.
Kinuha niya ang kamay ko. Kumuha siya ng maligamgam na tubig at nilinis ang sugat ko gamit ang bimpong binasa niya mula do'n.
Tsaka niya nilinis gamit ang betadine at bulak. At tsaka niya nilapatan ng sterile badge. Ang Sterile Gauze ay isang medical tool na ginagamit para mapahinto ang bleeding, para mapanatiling malinis ang sugat at para magamot ang maliit o medyo malaki na hiwa, paso o ng kahit ano pang injuries. Pinoprotektahan nito ang sugat mula sa infection.
Kasali rin kasi si Stevaun sa School Emergency Response Team. Kaya 'di na nakakapagtaka na may kaalamanan siya patungkol sa pag lapat ng unang lunas.
"Kamusta pakiramdam mo, Chantal?"
"Okay na 'ko, salamat." Nakangiting sabi ko sakaniya.
"Sigurado ka?"
Tumango naman ako.
Pagkatapos niyang magamot ang sugat ko, agad na dumating si Heroun, Zaike, at Gwen.
Tumingin lang sa'kin si Gwen at naunang umiwas ng tingin. Lumapit naman sa'kin si Heroun at kinuha ang kamay ko kung saan nasugatan.
"Are you okay?" Walang ekspresyon nitong tanong sa'kin.
"Yes, okay na 'ko." Mapait akong ngumiti. Pinaupo nila sa pangalawang kama si Gwen.
"Baka kailangan mong dalhin sa hospital?"
"No need, Heroun. Maliit lang naman 'to at saka di naman gano'n kalalim."
Tumayo na 'ko at lumabas sa loob ng Clinic.
Hindi ko alam kung sinundan ako nina Heroun at Stevaun. Balak kong puntahan si Wave at kausapin siya ng maayos. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari.
Padabog kong binuksan ang pinto.
Nakatalikod siya at nakatingin mula sa labas ng bintana. Humarap siya sa'kin at saka ngumiti.
"Tell me, ikaw ba ang may kagagawan sa mga nangyayari?!" Pasigaw kong tanong sakaniya.
Ngumisi lang ito at naupo sa upuan niya.
"It's their choice. Nagpalamon sila sa galit at inggit na nararamdaman nila. Kasalanan na nila kung bakit di sila nanalo. Hinayaan ko silang gawin nila ang gusto nilang gawin, sila ang nagdesisyon, hindi ako."
"Tigilan mo na ang kahibangan mo! Ano ba ang kailangan mo? Bakit mo 'to ginagawa sa'min at bakit bumalik ka pa? Sigurado akong may tumulong sa'yo na makatakas. Tell me, sino ang tumulong sa'yo?!"
"They said, kapag gusto may paraan at pag ayaw may dahilan. May mga paraan ako, Chantal. Matalino akong tao at ginamit ko lang 'yon." Humahalakhak na sabi nito sa'kin.
"Sisigaraduhin kong babalik kang muli sa kulungan. Hinding-hindi ko hahayaan na magtagal ka pa rito."
![](https://img.wattpad.com/cover/241036538-288-k969808.jpg)
YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...