IV

479 32 0
                                    

"Rias, kamusta kayo? Okay naman ba kayo?" nag-aalalang tanong nito.

"Ano pong sinasabi ninyo, Mr. Silvestria? Nagising lang kaming lahat na walang matandaan bago kami nakatulog sa classroom," seryosong sabi ni Sharina sa kaniya.

"Yes, nabalitaan ko nga 'yon sa adviser ninyo. Okay lang ba kayo? Wala bang naging problema? Ligtas ba ang lahat?"

Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaalam kung ano nga ba talaga ang totoong emosyon ang meron siya. Ngumisi ako at saka tumingin sa kaniya nang diretso. "Sino ka bang talaga, Mr. Alejandro Silvestria?" Tumingin lang siya sa akin at saka ngumiti. Hindi ko hahayaang hindi ko malaman lahat. Aalamin ko ang lahat, lahat ng katanungan na nasa isip ko. At kung anong meron sa academy na ito.

"I think you should go to your room and rest. Masyado ka yatang na-stress, Rias," suhestiyon niya.

"Stop acting like you care about us. Unti-unti kitang kikilalanin, 'wag kang magtago sa likod ng maskara na suot mo," seryosong sabi ko sa kaniya at saka umalis na roon.

Ngayon, galit, sakit at lungkot ang nararamdaman ko. Wala akong pakialam. Kahit kadugo pa kita.

"Good evening, everyone. This is Arianne Smith, from HG Philippines News. Napapabalitaang sunod-sunod ang pagkawala ng ilang babaeng estudyante sa Academy of De Silvestria. Sinasabing umabot na sa bente na mga dalagita ang nawawala ngayon. Ayon sa mga magulang, isa lamang itong usap-usapan at wala silang balak alisin ang kanilang mga anak sa nasabing paaralan. Biro pa ng isang netizen, ay baka mayroong hipnotismong nangyayari sa Academy of De Silvestria."

Hypnotized.

Posible nga kaya? Posibleng nalalason nila ang isip ng mga estudyante pati na rin ng mga magulang. Kaya hindi sila nababahala sa kalagayan ng kanilang mga anak dito sa academy. Nagvibrate ang phone ko, si Shannun. Agad ko iyong sinagot. "Hello, Rias?" bungad niya.

"Shan, napatawag ka?"

"Kamusta ka? Okay ka na ba?" tanog niya. Bakas ang concern sa kaniyang tono.

"Yes."

"That's good. Nag-alala ako sa'yo, hindi ko alam kung maayos ka. 'Wag kang lalabas ng kwarto nang hindi mo ako kasama, ha? Call or text me kung lalabas ka. I don't want to lose you, Rias."

"Sure, thank you. Sige na, magpahinga ka na. Good night, have a sweet dream."

"Good night, sweet dreams," he answered back.

After that day, nagbago na ang pagtingin ko sa paaralang ito. Dapat mas maging maingat ako sa mga susunod na gagawin ko.

---

March 10, 2003 | Rias' Birthday | 5:42 pm

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Make a wish muna, Rias!" masayang pagkanta sa akin ni Sharina. Yumuko ako at nagsimulang humiling.

'I will end this hell, soon.'

At saka ko hinipan ang mga kandila.

Sobrang saya ng araw na 'yon, nandoon ang mga kaklase ko, halos kumpleto sila maliban lang kay Rhianna. Dalawang buwan na siyang wala, hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya. Bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

Doon silang lahat natulog sa kwarto ko. Magtatapon lang sana ako ng basura ng nakarinig ako ng ingay mula sa room 8. Isinandal ko ang ulo ko sa pinto at saka pinakinggan kung anong nangyayari sa loob.

"The experiment, Mr. Silvestria. Hindi nag-success na isalin ang dugo ni Ms. Zereny sa dugo ng batang babaeng estudyanteng ito. Negative pa rin ang kinalabasan." Sumilip ako butas ng pinto. Nakita ko ang isang babae na walang malay, nakagapos at may takip ang kaniyang bibig. Lumuhod si Mr. Silvestria sa harap nito. "You will not remember anything about this. Have a sweet dream, sweetie. You'll be okay soon."

Nawalan ng malay ang babae.

'Hypnotized.'

Napa-hawak ako sa ulo ko nang maalala ang salitang 'yon.

"Rias? Do you hear me? Rias, come on, wake up!" Naririnig kong sambit ni Shan habang tinatapik ang pisngi ko. Nanlalabo ang paningin ko at hinang-hina ang aking katawan. Hindi ko maimulat nang maayos ang mga mata ko dahil sa ilaw na nagmumula sa taas at gitnang bahagi ng silid na ito.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko.

---

March 10, 1990 | Rias' Birthday | 3:00 AM

"Sharina! Sharina, nasaan ka ba?"

Nawawala si Sharina. Kasama lang namin siya kanina sa loob habang nagkakasiyahan kami. Dahan-dahan akong umalis mula sa tabi ni Shan at pinuntahan ang room 8. Sumilip ako sa butas at nakita ko si Sharina na sinasalinan ng dugo. "Ms. Sharina, the SSG Secretary. Ipanalangin mong hindi mag-success ang eksperimentong ito sa 'yo."

Sumigaw si Sharina habang pilit na kumakawala.

Hindi. Hindi niya maaring saktan si Sharina. Agad kong binuksan ang pinto dahilan para sa akin mapunta ang kanilang atensyon.

"Ms. Rias, anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong sa akin ni Mr. Alejandro.

"Pakawalan mo si Sharina," seryosong sabi ko sa kaniya.

"And then?"

"Ako na lang! Tama na ang kahibangan mo, Mr. Alejandro Silvestria!" pasigaw na sabi ko sa kaniya at saka itinumba ang mga gamit na nandoon.

"Ano bang gusto mo? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Talagang nasisiraan ka?" seryosong sabi niya sa akin.

"Kung meron mang nasisiraan dito, ikaw 'yon! Naalala ko na ang lahat. Hinding-hindi mo na magagawang panaginip ulit ito. Kumpleto na ang mga alaala ko, hinding-hindi ako papayag na hindi ito matapos ngayon!"

Humalakhak lang siya nang malakas at saka sinampal ako. "Idiot! Dapat namatay ka na lang din katulad ng mga magulang mo! Sa tingin mo ba ay hahayaan kong sirain mo ang lahat ng pinaghirapan ko? You can't do anything about it, Rias. Huwag mo na lang sayangin ang lakas mo." He smirked. "Your life will be a nightmare forever, at kahit anong gawin mo, hinding-hindi ka makakaalis dito," humahalakhak na sabi nito sa'kin.

"Tama na!" pasigaw na sabi ko at saka napakapit sa ulo ko.

'Rias, nandito kami! Please, wake up!' Tinig na hindi ko alam kung saan galing.

"Sige, igapos niyo na 'yan!" utos ni Alejandro sa mga scientist na nandoon. Iginapos nila ako at hinayaan kong gawin nila sa akin iyon. "Matapang ka, hindi ba? Tingnan natin kung hanggang saan iyang tapang mo."

"Let's make a deal, Mr. Alejandro Silvestria kung talagang hindi ka duwag," I dared him. "Kapag matagumpay ang eksperimento na ito, hahayaan mong mamuhay nang normal ang mga estudyante na nag-aaral dito. Don't be too stupid, Tito."

Huminga siya nang malalim. "Okay, fine. Pero kapag hindi naging matagumpay ang eksperimentong ito, makakalimutan mong lahat na nalaman mo ang sikreto ng academy na 'to."

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now