IX

281 24 4
                                    

"Saan ninyo siya, nilibing?" Bakas sa mukha ni Rias ang kaniyang nararamdaman. Naging madilim kagaya ng kalangitan ang kanyang awra. Ngayon, galit na ang kaniyang nararamdaman.

"B...b-akit ko naman sasabihin sa'yo?" nahihirapang sabi ng binata sakanya.

"Kapag hindi mo sinabi sa'kin, hindi ka makakalabas dito nang buhay. Kaya kitang patayin, kung gugustuhin ko. Wala akong pakialam kung makulong ako habang buhay."

"Madumi, makalat, mabaho at higit sa lahat tubo," humahalakhak na sabi nito sa dalaga.

Nagtaka si Rias sa mga sinabi nito.

Unti-unting binuo ni Rias ang mga sinabi ni Wave sa kaniya. May naiisip na siya, ngunit h'wag naman sana. Mabilis na nilisan ni Rias ang lugar na 'yon para sabihin 'yon sa mga pulis. Agad silang nagtungo sa isang poso negro na nasa likod ng palikuran ng mga babae. Nangangamoy bulok at sobrang baho doon. Humanap ang mga pulis ng panghukay upang makita kung anong mayroon sa tapat ng ilalim ng lupa nito. Habang hinuhukay 'yon ng mga pulis, tumunog ang cellphone ni Rias, kinuha niya ito mula sa kaniyang bulsa.

"Hello?"

"Ms. Silvestria, nagising na po si Mr. Falcon."

"S...s-ige papunta na 'ko." Pinaubaya niya na sa mga pulis ang flashdrive pati na din ang paghuhukay doon.
Nagmadali si Rias na pumunta sa parking lot.

"Anak, okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Manong Rey sa kaniya.

"Gising na raw po si Phyrhos."

"Kung ganoon, sige, halika na. Puntahan na natin siya sa hospital."

Nagmadali silang pumasok sa loob ng kotse. Tulad ng radyo, pag malakas na tumutunog ramdam sa puso ang matinding nginig nito. Ganoon din ang kaniyang nararamdaman. Habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan, kinuha niya ang singsing sa bulsa niya at isinuot ito.

'Patawarin mo 'ko, Phyrhos.'

Tanging 'yon lang ang nasabi niya sa kaniyang sarili habang hinihintay na makarating sila kaagad sa hospital. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. Nalilito siya, maraming gumugulo sa kaniyang isip ngayon kaya't gano'n na lamang kabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi mapakali ang kaniyang kamay, ganoon din ang mga paa niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nagkita na silang muli ni Phyrhos. Nakokosensya siya sa mga nangyari.

"Ma'am, nandito na po tayo. Mukhang may gumugulo sa isipan ninyo. Kanina pa po kayo tulala."

"P...p-asensya na, Manong. Marami lang akong iniisip, sa tingin ko, parang hindi na lang muna ako papasok sa loob ng hospital."

"Bakit naman po, ma'am?"

"Hindi ko kayang makita ang taong ako mismo ang naging dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa hospital. Nakokonsensya at natatakot ako, Manong."

Hinawakan ni Manong ang mga kamay ko at ngumiti siya kay Rias. "Iha, wala kang kasalanan sa mga nangyari. Sadyang nakatadhanang mangyari 'yon. Wala kang kasalanan, hindi mo ginusto na mangyari lahat 'yon. Kaya halika na, bumaba ka na d'yan. Lakasan mo ang loob mo, hindi ikaw ang may kasalanan sa mga nangyari."

Hindi namalayan ng dalaga na tumulo na pala ang mga luha niya. Ramdam niya ang init ng butil ng kaniyang luha sa bawat pagpatak nito sa kaniyang braso. Pinunasan niya ang kanyang luha at ngumiti.

"Salamat po, Manong." Bumaba na siya at nang maramdaman ang patak ng ulan ay nagmadali siyang  naglakad papasok sa loob ng hospital. Habang naglalakad siya, inayos niya ang kaniyang suot kaya't hindi niya napansin ang lalaking nasa harapan niya.

"Aray!" daing ni Rias nang may makabangga siyang lalaki. Napahawak siya sa ulo niya at napaupo sa sahig.

"Sorry, mahal. Hindi ko sinasadya."

'Ang boses na 'yon.'

Iniangat ng dalaga ang kaniyang ulo at nasilayan ang mukha ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Makapal na kilay, singkit na mga mata, mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapulang labi pati na rin ang magulo nitong buhok. Nakangiti lamang ito sa kaniya. "P...P-hyrhos, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng dalaga at agad na tumayo para tignan kung nasaktan nga ang kasintahan.

"Ayos lang ako, 'wag kang mag-alala sa'kin. Ikaw, okay ka lang ba? Pasensya na, ha? Alam kong dadating ka kaya gusto ko sanang hintayin ka rito."

"Pero unang araw mo pa lang dito sa hospital, hindi pa magaling ang mga sugat at pasa mo. Kailangan mo pang magpahinga, kailangan mong magpalakas. Kanina kita kong hinang-hina ka at walang malay."

Nilakihan pa ni Phyrhos ang kanyang ngiti. "'Wag ka nang mag-alala sa'kin. Maayos naman ako, kaya ko ang sarili ko. Nabalitaan kong nakulong na si Mr. Gueverro. Tapos na ang lahat, mahal."

Umiwas naman ng tingin ang dalaga ng maalala niya ang tungkol sa kanuyang pinsan na si Ayemmie. Huminga nang malalim si Rias. "Halika na, bumalik na tayo sa kwarto mo."

Tumango naman si Phyrhos at inalalayan siya ni Rias pabalik sa kwarto nito. "Mahal, kamusta ka? Tagal na nating hindi nagkita. Halos dalawang linggo akong nakakulong doon. Masaya akong natagpuan mo ako." Masayang sambit nito sa dalaga. Wala sa sarili si Rias, hindi niya magawang kausapin si Phyrhos at hindi niya rin magawang tingnan nang diretso ang kasintahan.

Hanggang sa makarating sila sa kwarto ng binata. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at inalalayan itong makaupo sa kama. Bumalik siyang muli sa harapan ng pinto para isara ito. Naupo siya sa tabi ng kasintahan. "Patawarin mo 'ko, Phyrhos. Hindi ko alam kung anong dapat na gawin ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nakokonsensya ako sa mga nangyari, ako mismo ang nagkulong sa'yo doon. Bakit hindi ka nagagalit sa'kin? Bakit 'di ka nakakaramdam ng poot?"

"Kasi mahal kita. Mahal kita, alam mo 'yon. Hinding-hindi ko magagawang magalit sa'yo dahil mahal kita. Hindi mo kasalanan na nagawa mo ang bagay na 'yon, wala kang kasalanan sa nangyari. Nasa ilalim ka pa ng epekto ng gamot kaya mo nagawa 'yon. Kaya nagawa mo 'kong ikulong at saktan. Hindi 'yon dahilan para hindi mangibabaw ang pagmamahal ko sa'yo."

Nang marinig ni Rias ang mga 'yon, gumaan ang pakiramdam niya. Niyakap niya nang mahigpit si Phyrhos. Pumatak muli ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Salamat, Mahal, " lumuluhang sabi nito sa binata.

"Shhh, tahan na. Ang prinsesa ko, 'di dapat umiiyak. 'Wag ka na umiyak, nasasaktan ako 'pag umiiyak ka."

"Opo, mahal. Hindi na," may malambing na tonong sabi ni Rias sa kaniya upang mapanatag na ang kalooban ng kasintahan. Tumunog naman muli ang cellphone ni Rias, tumatawag sa kaniya ang isang pulis at agad niya itong sinagot. Pinunasan ni Phyrhos ang mga luha ni Rias at nginitian lamang muli ang dalaga.

"Ma'am, nakuha na po namin ang bangkay ng biktima. Hindi na po siya makilala dahil nabubulok na po talaga ang kaniyang katawan. Isasailalim po siya sa autopsy para makumpirma kung si Ms. Ayemmie Silvestria nga po ito."

"S...s-ige, balitaan niyo na lang ako. Salamat." Tumingin nang seryoso sa kaniya si Phyrhos na tila ba naghihintay sa kaniyang sasabihin kung anong meron.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now