At hindi rin ako papayag na basta lang makuha ni Heroun 'yon. Alam kong makakalaban niya muna si Wave bago niya makuha 'yon.
Nagising ako ng may naramdaman akong naglalakad papalapit sa'kin.
Kasama ni Stevaun si Heroun.
"Stevaun, tulungan mo 'ko. Patayin mo siya!" Utos ko sakaniya.
Nakatingin lang siya sa'kin at tila ba ay hindi ako narinig.
"Sasamahan kita, kung saan mo makikita ang gamot, Heroun." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa'kin.
Nagpumiglas ako. "Walanghiya ka, Stevaun. Taksil ka! Sisigaraduhin kong malalaman lahat ni Wave ang kataksilan mo at maalis ka sa higher section!"
Umupo siya sa gilid ko at hinawi ang buhok na nasa mukha ko.
Tinanggal niya ang badge niya at saka inihagis sa labas ng bintana.
"Wala akong pakeelam, itatama ko ang mga maling nagawa ko. Hindi ako kagaya ninyo, wag ninyo 'ko itulad sainyo."
Tumayo na siya agad at sumulyap muna sa'kin bago sila umalis.
'Kailangan kong makaalis dito. Hindi ako papayag na masira lahat ng plano ko.'
Natigilan ako sa pagpu-pumiglas ng may bumukas ng pinto.
"W...W-ave, tulungan mo 'ko!"
"Sino ang nagkulong sa'yo rito?" Bakas sa mukha niya ang galit, kumuyom ang kamao nito. Dumating din naman kasunod niya ang mga tauhan niyang estudyante, agad nila akong pinakawalan mula sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Inalalayan naman ako ni Wave na tumayo.
"Si Stevaun at Heroun, balak nila kuhain ang gamot!"
"A..A-no?!" Agad itong kumilos papalabas ng silid na 'yon at saka sumunod din sakaniya ang mga tauhan niya.
Ngayon, kailangan kong puntahan si Xianelle. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari, ngayon. Hindi ako papayag na makatakas ang babaeng 'yon.
Sa paglabas ko sa pinto, nakita ko ang maraming estudyante na nakahandusay sa sahig.
Duguan silang lahat.
Agad akong nagtungo sa classroom namin at naabutan ko si Xianelle do'n na nakaupo lang sa may bintana. Lumingon ito sa'kin at saka tinuon ang pansin sa hawak kong baseball bat.
"Papatayin mo 'ko?"
"Di ba obvious? Alam mo, Xianelle. Hindi ako tanga, alam kong kampi ka kay Chantal. At kalaban ka namin, hinding-hindi ako papayag na makalabas ka pa rito ng buhay."
Huminga siya ng malalim at saka inilapag ang mga paa niyasa sahig. Tumayo siya at saka ngumiti sa'kin.
"Yarem, Yarem, Yarem." Pinaikot-ikot niya ang buhok niya sa kaniyang mga daliri.
"I already know who you are. Simula palang ng klase, alam kong may binabalak ka na. Pasalamat ka at hinayaan kitang makaabot pa sa puntong 'to. Nanahimik ako at 'di kita pinakeelamanan. Dahil alam kong sa huli, ikaw pa'rin ang luluhod sa harapan ko at magmamakaawa na wag kita patayin."
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Hindi siya 'yon, hindi siya ang Xianelle na nakilala ko.
"Are you surprised? I'm not weak like you, Yarem. Sadyang mapaglaro lang ako." Humahalakhak na sabi nito sa'kin at saka kinuha ang baril mula sa bulsa niya.
"How dare you, Xianelle! Hinding-hindi kita uurungan. As far as I know, mas malakas at mas makapangyarihan pa'rin ako kesa sa'yo."
"Let's see, Yarem."
Nagulat siya ng biglang bumukas ang projector na siyang nakikita ang repleksyon sa blackboard.
Tumambad dito ang video kung saan nasa cr si Xianelle at nando'n din sina Gwen at Eliza.
No'ng mga oras na 'yon, nagpaalam si Xianelle na pupunta sa comfort room kasabay nina Gwen at Eliza na nauna sakaniya. Nagpaalam din ako sa professor namin dahil may kutob akong may hindi mangyayaring maganda.
Nang makita ko sila na naguusap sa Comfort Room, mabilis akong pumasok sa loob dahilan para di nila ako mapansin. Pumasok ako sa ikatlong cubicle at doo'y pinakinggan ang usapan nila.
'Di ko agad nakita si Xianelle, nauna pa 'kong pumunta sakaniya rito. Saan kaya siya nagtungo?
"Hi Gwen and Eliza." Boses ni Xianelle 'yon.
"X...X-ianelle? Anong hawak mo?!" Bakas sa boses ni Eliza ang takot. Sapagkat 'di ko makita kung ano ang hawak ni Xianelle, sa boses palang ni Eliza alam kong may binabalak sakanilang masama ang bruhang babaeng 'yon.
"Lock the door!" Utos ni Xianelle.
Narinig kong maraming yapak ang nandito sa loob ng Comfort Room. Hindi nagiisa si Xianelle, marami siyang kasama.
"Ano ba ang gagawin mo sa'min, Xianelle?!" Inis na tanong ni Gwen sakaniya.
"Let's play a game."
"Anong game?" Matapang na tanong ni Gwen.
May narinig akong audio na mukhang pinaparinig ni Xianelle sa kanila.
"A...Anak, tulungan mo 'ko!"
"M...M-a!" Lumuluhang sambit ni Eliza.
"Tumigil ka na, Xianelle! Nababaliw ka na ba ha? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sambit ni Gwen.
"Shhhh, 'di lang 'yan ang meron ako. Remember this, Gwen? This is your boyfriend right? He cheated on you, look!" Humahalakhak na sabi ni Xianelle sakaniya.
Sumilip ako sa maliit na butas ng pintuan at doo'y nakita ko na hawak ni Gwen ang cellphone habang may tinitignan na kung ano do'n. May kasama si Xianelle na mga lalaki at 'yung mga lalaking 'yon, mga tauhan ni Wave.
'Hindi kaya?'
"And look at your parents, Gwen. Wala na sila, I'm sure paguwi mo mamaya sa bahay ninyo, wala ka na aabutang mga magulang. So here, end your life too. Wala na natira sa'yo at sa'yo rin, Eliza. Kawawa naman kayo, pareho. Masyado kayong busy sa Brilliance Contest, 'di ninyo alam na wala na kayong uuwian pareho!" Humahalakhak na sambit muli nito.
"Hindi 'yan totoo! Walanghiya ka, Xianelle!"
Hinablot ni Gwen ang buhok ni Xianelle. Humahalakhak lang si Xianelle at walang ibang ginawa kundi hinayaan lang si Gwen.
"And how about your best friend, Gwen? Inagaw niya lahat sa'yo, lahat ng gusto mo nasa kaniya na. Meaning to say, lamang sa'yo si Chantal. Kaya nga palagi siyang honor student e, tapos ikaw? Top Student lang. Aware ka naman siguro na 'di ka na magtatagal sa Section 1, right? Kasi nga, mas lamang na sa'yo si Chantal!" Nakangising sabi ni Xianelle kay Gwen.
Tinigil na ni Gwen ang pag-hablot niya sa buhok ni Xianelle.
Maya-maya pa bumukas ang pinto at tumambad doon si Wave.
Nilapitan ni Wave si Xianelle at saka hinalikan ito sa labi.
'Sinasabi ko na nga ba. Siya ang kabit ni Wave.'
Napatingin ako sa CCTV Camera na nasa taas ng pintuan lang.

YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...