II

191 13 0
                                    

'The hell? Anong problema niya? Ito ang kauna-unahang beses na naging ganto ang pakikitungo niya sa'kin. Nahipan yata siya ng hangin.'

"May something ba sainyo, Mr. President?" Nakangiting tanong ni Ariselle.

"Wala, nagseselos lang ako." He said directly and smirk on me.

'Tang...'

"Okay, let's proceed to our plan. Ngayong Friday gaganapin ang English Essay Contest. Anong gusto ninyong theme? And as far as I know, the president of the English Club ang mag-aasikaso nun."

"Yes, tama ka ako nga ang mag-aasikaso nun. Pero kailangan namin ng tulong ninyo dahil di namin kaya na kami lang ang mag-desisyon. SSG Officers kayo, meaning kayo ang nasa mataas na pwesto. Kaya we want your permission para sa gagawin naming Contest."

"Essay about their nightmares? Para maiba naman." Suhetsyon ko sakanila.

Napatango-tango naman ang ibang officers sa suhetsyon kong 'yon.

"Maganda ang suhetsyon mo, Ms. Falcon." Stevaun said with his calm and smooth voice.

Napangiti naman ako.

"Gusto ko rin yung suhetsyon ni Chantal." Sambit ni Luna.

"Fine. Kung 'yon ang gusto ng lahat, make sure na magiging maayos ang contest na 'yan."

Ngumisi naman si Stevaun at tumango.

"I know my responsibilities, Heroun."

Tumayo na si Stevaun at umalis na doon.

"That idiot." Inis na bulong ni Heroun.

Patago naman akong tumawa sa reaksyon niyang 'yon.

"Why are you laughing at me?" Masungit na tanong ni Heroun sa'kin. Di ko alam na nakatingin pala siya sa'kin. Tinikom ko ang labi ko at tsaka umiling.

'Bat pag sa lalaking 'to, duwag ako? Nakakaasar, makakabawi din ako sa'yo!'

Natapos yung meeting, inunahan kong lumabas si Heroun. Alam kong iinisin na naman niya 'ko. Ayokong masira yung araw ko dahil lang sakaniya. Nakakabwisit siya, nakakainis!

Bumalik kami sa classroom at naabutan namin si Professor Hajimo, siya ang adviser ng SSG Officers at siya rin ang Science Teacher namin.

"Kamusta ang meeting ninyo? Naging maayos naman ba ang lahat?" He said without any reaction on his face.

"Yup. It's already done, you don't need to worry about that, Sir." Seryosong sabi ni Heroun na kakarating lang din.

"That's good. Okay, let's proceed to our lesson."

Muling pumukaw sa atensyon ko ang Academy na nasa labas ng bintana.

Bat parang may mali? 'Di ko maintindihan ang kutob ko. Malakas ang tibok ng puso ko.
May kutob akong may masamang mangyayari na hindi ko mabatid kung ano 'to.

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang bell at ang salitang, "Class dismissed."

Napalingon ako sa kinauupuan ni Eliza. Nahulog ang ballpen niya, yumuko siya para kunin 'yon at nagtama ang mga mata namin.
Namamaga ang mga mata niya. Mukhang kakagaling niya lang sa pagluha. Siya ang naunang umiwas ng tingin.

At natapos niya na ayusin ang mga gamit niya, mabilis siyang kumilos at umalis kaagad sa classroom.

May kakaiba siyang ikinikilos.
Alam kong hindi siya gano'n. Dati siyang active sa klase, nitong mga nakaraang araw hindi na.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now