II

1.1K 40 0
                                    

Nagulat ako nang mahulog ang isang flower vase na nakapatong sa study table na pinagtataguan ko. Napahalukipkip ako nang unti-unting nilapitan ni Mr. Gueverro ang nahulog na flower vase. Habang papapalapit siya nang papalapit ay hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Yumuko siya at dahan-dahang lumuhod sa mismong harapan ng study table.

Dahan-dahan din siyang kumuha ng isa sa mga bubog na nagmula sa flower vase. Dito siya sa mismong harapan ng study table nakaluhod. Diretso siyang tumingin sa pinagtataguan ko. Hindi ako makagalaw nang maayos sa sobrang kaba. Tila sasabog ang puso ko. Makikita niya kaya ako? Natatakpan ako ng isa sa mga tela na nakita ko lang din dito sa ilalim.

"Mr. Gueverro! Pinapatawag po kayo ni Mr. Silvestria sa kaniyang opisina." Hindi pa rin siya lumilingon sa kinaroroonan ng nagsalita. Nakatingin pa rin siya rito. "Ganoon ba? Sige," maikling sabi nito at saka ngumisi.

Dahan-dahan siyang tumayo at umalis doon.

Posible na naramdaman niya ako. Hindi p'wedeng hindi. Kailangan ko nang mag-ingat. Maaring alam na niya ngayon ang ginagawa ko. Nang ilapat ko ang aking kamay sa sahig ay may nakita akong isang badge ng school namin. Ngunit makaluma ang disenyo nito. Mukhang matagal na itong nandito dahil sa kapal ng alikabok na nakabalot sa badge. "Kaninong badge ito?" Mahinang tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang badge sa aking kamay.

"Sharina, I know you're there. Lumabas ka na riyan, wala na sila." Narinig kong sambit ni Wave. Dahan-dahan akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Anong ginagawa mo rito? Anong naisip mo at nagpaiwan ka rito kanina?" seryosong tanong nito.

"May gusto lang akong alamin, Wave. Hindi tama ang mga nangyayari. May mali rito."

At sisikapin kong alamin 'yon.

Hinding-hindi ako titigil. Hinding-hindi.

"Ano naman ang nais mong alamin? Sa tingin mo ba, gano'n mo lang kadali na malalaman ang lahat? Kung kakailanganin mo ng tulong ko, sabihan mo lang ako. Handa akong tulungan ka."

"No, need. Kaya ko itong gawin nang mag-isa."

Shan's P.O.V

"Anong nangyari kanina sa room ni Rhianna? Bakit ang daming pulis na dumating?"  tanong sa akin ni Rias. Bakas ang kuryosidad sa kaniyang mukha.

"Nagbigti si Rhianna. Hindi pa nila alam kung anong dahilan. Hindi 'yon suicide. Murder 'yon."

"H...h-a? Anong sinasabi mo, Shan?"

"Like what he said, don't trust anyone. Hindi siya dapat pagkatiwalaan. He proved that to us. Alam kong siya ang may posibilidad na gumawa nito. He's controlling us. Pinaglalaruan niya rin tayo." Bakas sa mukha ni Rias ang pagtatakha sa mga sinasabi ko. Hindi niya ako maintindihan. Posible rin na hindi niya ito alam.

"S...S-han, saan ka pupunta? Kaunting oras na lang, papasok na tayo."

"Absent muna ako ng isang subject. May gagawin lang ako. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Palagi ka ring tumabi kay Sharina. 'Wag na 'wag kang lalayo sa kaniya."

"P...p-ero, Shan!" Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi. Ang tanging alam ko lang ngayon, gusto kong alamin ang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang nangyayari lahat. Hanggang sa nakita ko si Mr. Silvestria na naglalakad papunta sa isang lugar kung saan hindi p'wedeng puntahan ng mga estudyante.

"Noong huling may nagtangka na pumasok diyan, bigla na lang nawala," sambit ni Phyrhos.

Tumingin lang ako sa kaniya.

Ngumisi naman siya sa'kin. "We don't really know who he is, Shan."

Sinundan ko si Mr. Silvestria nang masiguro kong nakapasok na siya sa loob. Pagkapasok ko roon ay sobrang dilim at kaunti lang ang ilaw. Pumasok pa siya ulit sa isang silid kung saan kulay pula ang ilaw na nakapaligid doon. Nagtago ako sa gilid na lugar kung saan madilim. May nakalagay na malaking pin board na nakasabit sa pader. Sa pin boar ay mayroong mga picture ng babae, nandoon din ang personal information nila.

---

Name: Rias Silvestria | SSG President
Weight: 35 kg | Height: 5'3 cm
Status: Single

: APPROVE!

---

Anong ibig sabihin ng mga 'yon? Anong binabalak niya?

"Hello, Mr. Gueverro. Kailangan ko ang pamangkin ko para sa isasagawa kong experiment. I know that you will not dissapoint me, Mr. Gueverro," seryosong sabi niya mula sa kabilang linya. Dahan-dahan na siyang umalis mula roon. Tiningnan ko namang muli ang mga picture at personal information na nakalagay sa pin board. Nandoon din ang picture at personal information ni Rhianna. Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyari kay Rhianna?

Hindi ko hahayaang pati si Rias at Sharina ay mawala sa akin. Nawala na sa'kin ang babaeng kapatid ko noon, hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ang mga taong pinapahalagahan ko ngayon.

Pagkadating ko sa classroom, tapos na ang first subject namin. Hinanap ko kaagad sina Sharina at Rias. Nakatingin lang sila sa'kin, nagmadali akong puntahan sila mula sa kanilang kinauupuan at hinila sila palabas ng classroom. "Shan, ano bang meron?" Nakataas na kilay na tanong ni Sharina sa'kin.

"Mag-ingat kayong dalawa kay Mr. Gueverro. Ganoon ka rin sa uncle mo, Rias. Narinig ko kanina na pag-e-eksperimentuhan niya kayong dalawa. Maaring hindi suicide ang nangyari kay Rhianna. Basta, makinig na lang kayo sa'kin," seryosong sabi ko sa kanila. Sakto naman na time na ni Mr. Guverro at siya ang Science teacher namin. Pumasok na kaming muli sa loob ng classroom. May mga kasama siyang dalawang lalaki. "Okay, class, please sit down. Close the door and the windows."

"S...S-ir?"

"Now!" Nagmadali kaming tumayo at sinara ang mga bintana. Ganoon din ang pinto. Maya-maya pa ay may lumabas na usok mula sa magkabilang dulo ng classroom. Nagtakip ng ilong sina Mr. Gueverro, ganoon din ang dalawang lalaking kasama nito.

Unti-unting nagbagsakan sa sahig ang mga kaklase ko at ganoon. din ako.

"S...S-han..." Huling rinig kong sambit ni Rias.

At doon na rin ako nawalan ng malay.

Alejandro Silvestria's POV:

"Hello, Mr. Gueverro. Kailangan ko ang pamangkin ko para sa isasagawa kong experiment," nakangising sabi ko mula sa kabilang linya.

"Huwag ka mag-alala, Mr. Silvestria. Ako na ang bahala sakanila," he assured me.

Napatango ako. "Bago 'yon, gusto kong unahin mo si Ms. Sharina Bautista. She is the SSG Secretary, alam kong madali siyang susunod sa 'yo. Don't disappoint me, Mr. Gueverro." Ibinaba ko ang tawag. Pumunta kaagad ako sa office para pirmahan ang ilang files na nandoon. Hanggang sa may nakita akong nahulog na papel na siyang naglalaman ng litrato ng aking asawa.

"Zereny, magkakasama tayong muli. Malapit na. Hintayin mo ako, ha?" nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang litrato. Hinagkan ko ang litrato nito bago ito itabi.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now