"Do whatever you want. Kasing tapang mo ang 'yong ina, parehong-pareho kayo. Pareho kayong uto-uto."
Humalakhak din ako at saka pinanlisikan siya ng mata.
"This time, sisigaraduhin kong mamatay ka." Sambit ko bago umalis do'n.
Wala akong pakeelam kung anong mangyari sa'kin. Ang importante ang kaligtasan ng bawat estudyante rito sa Academy.
Nasalubong ko si Heroun at hinila ako palayo do'n.
Dinala niya 'ko sa likod ng Academy. Kung saan nagsisilbing tambakan ng mga sirang gamit.
"Pinuntahan mo siya? Bakit mo ginawa 'yon?!" Galit nitong sabi sa'kin. Para siyang kumukulong mainit na tubig sa emosyong pinapakita niya ngayon sa'kin.
"Ayoko na may mapahamak pa ulit. Ano, Heroun? Hihintayin nalang ba natin na lahat sila magpakamatay na rin? Palagi nalang ba natin iisipin yung mga sarili natin ha? Paano naman yung sinumpaan nating tungkulin dito sa paaralang 'to at sa lahat ng mga estudyanteng nag-aaral dito? SSG Officers tayo at 'di lang tayo display rito." Lumuluhang sambit ko sakaniya.
Niyakap niya 'ko ng mahigpit at saka pinunasan ang mga luha ko.
"Alam ko, alam ko ang gusto mong gawin. Pero kasama mo 'ko, wag mo gawin ng mag-isa lang. 'Di ko kaya na mapahamak ka. Please, listen to me, sundin mo 'ko. Let me help you." Mahinahong sabi nito sa'kin.
Niyakap niya muli ako ng mahigpit at inayos niya ang buhok ko.
"Hanggat nabubuhay ako, hindi ko hahayaang mapahamak ka. Tandaan mo palaging meron kang ako. Hindi kita iiwan, wala akong planong pakawalan ka. Alam kong may gusto ka kay Stevaun. Gusto kong sabihin sa'yo na unti-unti na kitang nagugustuhan. At sisigaraduhin ko parin na sa huli, sa'kin parin ang bagsak mo." Mahangin nitong sabi sa'kin.
"Siraulo ka." Sumisinghot-singhot na sabi ko sakaniya.
"Smile na. Ayokong umiiyak ka." Nakangiting sabi nito sa'kin.
Ngumiti naman ako. Muli niyang inayos ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko.
"It's already, 4 pm. Ihahatid na kita, para makapag-pahinga ka na rin."
"A...A-yoko muna umuwi sa bahay. Dito muna ako sa dorm, matutulog. Gusto ko munang magpahinga ng maayos. Ang hirap ipaliwanag pero gusto ko munang mapag-isa."
Nawala ang ngiti niya sakaniyang mga labi at sumeryoso muli ang kaniyang ekspresyon.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Dito nalang din muna ako sa dorm ko, matutulog. Sasamahan kita, magka-tapat lang naman ang dorm nating dalawa. Halika na, ihahatid na kita."
Tumango naman ako.
Habang naglalakad kami sa hallway patungo sa dorm, hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang pakikitungo sa'kin ni Heroun. Dati naman ay wala siyang pakeelam sa'kin.
"Chantal, anong nangyari d'yan sa sugat mo? Bakit di mo pa ginagamot?!" Sermon sa'kin ni Gwen. Nakatingin lang siya sa sugat ko sa may braso. Nakuha ko 'to no'ng nagkaroon ng Activity dito sa Academy at kailangan do'n gumamit ng matutulis na bagay. Sa di inaasahan, aksidenteng nahiwa ako ng cutter na hawak ni Ariselle.
"Okay lang naman, maliit lang naman 'to. Gagaling din naman agad."
"Tss, pasaway!"

YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...