VI

143 11 0
                                    


"Kung sino man siya, mabuti at 'di nasaktan si Chantal."

Bakas sa mukha ni Stevaun ang pagaalala niya sa'kin.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit nagawa sa'kin ni Gwen 'yon. Di ko alam na matagal na pala niya 'kong kinamumuhian.

Sa tuwing magkasama kaming dalawa, masaya naman kami pareho. 'Di ko inaasahan na ganito.

'Bakit, Gwen?'

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Kinuha ko ito agad na nasa tabi ko lang.

Text message galing kay Heroun.

Heroun
09**********

< Still awake?

> Yes. -me-

< Di ka makatulog?

> Oo. Ang hirap matulog haha. -me-

< Meet me here at the roof top. Nandito ako, I'll wait for you.

Tumayo ako agad at kumuha ng jacket sa closet.

'Anong ginagawa niya ng ganitong oras sa roof top?'

Napahinga nalang ako ng malalim bago lumabas ng dorm.

Sa bawat pag-akyat ko sa hagdan, ay siyang bilis ng pag-tibok ng puso ko. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin ng maayos si Heroun, pagkatapos ng mga sinabi niya sa'kin kanina.

Nakita ko siyang nakaupo sa sahig nito habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kalangitan.

Tumabi ako sakaniya at napalingon siya sa'kin.

"You're here. Thank you for coming." Nakangiting sabi nito sa'kin at muli niyang ibinaling ang tingin sa buwat at mga bituin.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"This is my comfort zone."

Nawala ang ngiti sakaniyang mga labi.

"May problema ba?" Seryosong tanong ko sakaniya.

Ibinaling niya ang tingin niya sa'kin.

"2003." Maikling sabi nito sa'kin.

"2003?"

"You know what happened in the Academy Of De Silvestria, class of 2003."

Napalunok ako ng marinig 'yon.

Hindi ko alam kung bakit at paano niya nalaman 'yon.

"My Dad, he's a demon. I couldn't believe he did that to my mom."

"H...H-indi ko maintindihan, Heroun. Anong sinasabi mo?"

"My Dad rap---"

Cellphone Ringing...

"Excuse me, Chantal." Seryosong sabi nito at tumayo para sagutin ang tawag 'di ko naman alam kung sino.

Nakatatak pa'rin sa'king isipan kung ano ang ninais na sabihin ni Heroun sa'kin kanina. Nakakatindig-balahibo, pakiramdam ko ay hindi magandang pangyayari 'yon sakaniyang buhay.

Binaling ko ang tingin ko sa mga bituin at sa dilaw na buwan.

Kagaya ng mga bituin, kumikinang at kay sarap pagmasdan. Ngunit pag isa lang ito, hindi mo mapapansin ang kinang na nanggagaling mula rito. Kailangan marami ang mga bituin upang mamangha ka at mapansin mo kung gaano 'to kaganda.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now