"Mahal, may gusto akong sabihin sa'yo. Isang beses, 'di ako uminom ng gamot na 'yon, nakita ko ang epekto. Lahat kayo ay nawawala sa sarili, saksi ang ibang guro doon, ngunit hindi nila kayo pinapansin. Palagi kang nawawalan ng malay pagkatapos mong mawala sa sarili. Kaya't akala mo ay binabangungot ka at nasa ilalim ka ng hipnotismo. Dinadala ka palagi ni Shan sa clinic. Palagi kitang binabantayan sa lahat ng ginagawa mo. Ngunit ang 'di ko maintindihan, akala ko, nasa ilalim din ng epekto ng gamot sina Shan at Sharina. Ibig ba sabihin ay kasabwat sila ni Mr. Alejandro Silvestria?"
"Oo, mahal. Humingi ng tawad sa'kin si Shannun kanina. Pero ayaw ko na muna sang pag-usapan natin 'yon. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko 'yon." Huminga nang malalim ang binata at saka tumango.
'Sa ngayon, kung mapatunayan nga na katawan ni Ayemmie ang nahukay ng mga pulis mula doon, sisigaraduhin kong mabibigyan din siya ng hustisya at maayos na libing.'
MAKALIPAS ang ilang linggo. Tuluyan nang nakalabas sa hospital si Phyrhos. Humilom na rin ang kaniyang mga sugat. Napagpasyahan ni Rias na doon na lamang sa mansion nila si Phyrhos. Nangungulila siya sa pagmamahal ng kasintahan dahil sa matagal na panahong hindi niya ito nakasama. At upang maalagaan niya rin ito nang maayos. Lumabas ang resulta ng autopsy at nakumpirma na katawan nga 'yon ng kaniyang pinsan. Naipaalam niya na rin ito sa ama at ina ni Ayemmie na nasa ibang bansa naman noong mga panahong 'yon.
Napagdesisyunan din ng mga magulang ni Ayemmie na ipa-cremate na lang ito at ipadala sa kanila sa ibang bansa. Si Rias din ang nag-asikaso ng libing ni Alejandro bilang hiling ni Wave sa kaniya. Kagaya ng pagkapanalo ng unang kaso laban kay Mr. Gueverro, nakulong din si Wave Silvestria dahil sa pagkakasalang pagpatay at panggagahasa mismo sa iilang babae na napag-eksperimentuhan ng kaniyang ama.
Namuhay nang normal sina Rias at Phyrhos, bumalik sila sa pag-aaral pagkatapos niyon. Sina Shannun at Sharina, wala na silang naging balita pa sa dalawang 'yon. Ang alam lang nila, tumestigo ito ngunit pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo na ang magkasintahan.
DALAWANG-TAON ang nakalipas, pareho silang nakapagtapos sa kursong Criminal Justice Gusto nila na parehong maging attorney upang makapagbigay ng nararapat na hustisya para sa mga taong nakakaranas ng pang-aabuso. Nagdesisyon din silang magpakasal. Ang Academy of De Silvestria naman ay habang buhay nang nakasarado.
Nasa kalagitnaan ng pagresolba ng kaso si Rias tungkol sa isang batang biktima ng panggagasa ng kaniyang sariling tiyuhin. "Your honor, kahit na sabihin nating nagtiwala ang batang ito sa kaniyang tiyuhin, hindi pa rin sapat na dahilan para halayin niya ang bata. Sampung-taong gulang lamang ito, walang kaalam-alam sa mga marahas na bagay. Don't trust anyone. Anyone can be your enemy. Kaya, your honor dapat lamang na sistensyahan ninyo ng panghabang buhay na pagkakakulong ang lalaking ito. Sa pagsira niya sa puri ng bata pati na rin sa tiwala nito."
Nakatingin lamang si Phyrhos sa kaniya at ngumiti. "Good Job, mahal!" masayang bati ni Phyrhos sa kaniya matapos ang pagdinig.
"Salamat, mahal. May sasabihin ako sa'yo!" Binigay ni Rias ang isang pregnancy test, at dalawang linya ito.
"Magkaka-anak na tayo?" laking gulat ni Phyrhos. Tumango naman si Rias at napayakap sa kaniya si Phyrhos sa sobrang tuwa.
Ipinangako ng dalaga sakanyang sarili na hangga't nabubuhay siya, lahat ng mga naabuso, nahihirapan at nabibiktima ay magkakaroon ng nararapat na hustisya.
One thing she learned from that hell:
"DON'T TRUST ANYONE, ANYONE CAN BE YOUR ENEMY."
Mga hindi mo inaasahang tao ang siya pa lang may tinatagong inggit, selos, at galit na handang sirain ang buhay mo, makuha niya lang kung anong gusto niya sa 'yo. Huwag kang magpalinlang sa mga taong nagbabait-baitan lang. Don't trust easily, even if that person is a blood relative, they can ruin your life. Sometimes they only wear mask to hide their true nature.
Your SSG President, Rias Silvestria is now signing off.

YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...