V

112 10 0
                                    

Tinapakan ko ng madiin ang kamay niya na kung saan ay nakakapit sa kurtina.

Tuluyan na nahulog do'n si Xianelle. Duguan rin siya at nakamulat pa ang mga mata nito.

"Wave. Wait for me, Babe." Humahalakhak na sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Xianelle. Naliligo na siya ngayon sa sarili niyang dugo.

Lumabas na 'ko sa silid na 'yon at saka sinuyod ang paligid para hanapin si Wave. Napahinto ako sa tapat ng isang classroom na kung saan ay para sa mga lower section 'di kalayuan sa classroom namin, nakita ko do'n si Wave. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at habang may kausap siya sa kaniyang telepono.

Dahan-dahan akong lumapit sakaniya. Inayos ko ang sarili ko at kinapa ko sa bulsa ko ang maliit na kutsilyo.

Tumuon ang atensyon niya sa'kin at nginitian ko naman siya.

"Nasagawa ng maayos ang mga plano mo. Maraming estudyante ang namatay, maraming estudyante ang nagpakain sa galit at poot nila. Ano na ang susunod mong plano?" Seryosong tanong ko sakaniya, kinapitan ko ang braso niya at minasa-masahe ito.

"Hindi pa namamatay si Chantal. Hindi pa 'ko gano'n kasaya dahil 'di ko pa nakikitang lumuluhod at nagmamakaawa sa'kin si Rias para sa gamot na hinahangad niya. Sina Heroun at Stevaun, hindi ko na sila kailangan hanapin pa. Hinahanap na sila ng mga tauhan ko." Kinuha niya ang isang panturok na may lamang kulay pulang likido.

Ngayon ko pa lamang nakita ito.

"At ito, ito ang magpapatahimik sakanila habang buhay." Nakangising sabi nito sa'kin habang pinaglalaruan 'yon sa mga kamay niya.

"Sir Wave, pinatawag ninyo raw ako."

Pamilyar ang boses na 'yon. Nilingon ko ang lalaking nagsasalitang 'yon.

'Kael'

"Dalhin mo ang isang 'yan kay Chantal. Iturok mo na sakaniya 'yan, gusto ko na tapusin ang paghihirap niya. Lumabas ka ng Academy ng walang nakakaalam patungkol sa nangyayari rito sa loob. Protektado tayo ng Gobyerno, alam kong walang ibang makakaalam ng mga nangyayari rito. Sa kabila no'n, pinagkakatiwala ko 'yan sa'yo at alam kong hindi mo 'ko bibiguin." Malamig na tonong sabi ni Wave sakaniya.

Tumango naman si Kael bilang pagtugon sa mga sinabi ni Wave. Kinuha niya na 'yon at saka umalis doon. Sinamantala ko ang pagkakataong kami nalang ni Wave ang nando'n.

"At ikaw, Mahal ko. Dito kalang sa tabi ko, malapit na tayong magtagumpay!" Nakangiting sabi nito sa'kin at saka hinawakan ang bewang ko, hinalikan niya 'ko ng mapusok at saka nagtungo ang mga halik niyang 'yon sa leeg ko. Unti-unti na rin pumunta ang mga kamay niya sa butones ng uniporme ko para buksan ito. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo na nasa bulsa ko at saka tinutok ito sa likod niya. Patuloy pa'rin siya sa paghalik sa leeg ko.

"Do you want to know what I love about you?" Bulong ko sakaniya.

"What?" Maikling tanong nito sa'kin.

Ngumiti ako at saka kinapitan ko ang kaniyang mukha. Tumuon ang atensyon niya sa'kin at hinalikan niya 'kong muli sa labi ko.

'Di na 'ko nagdalawang-isip pa na saksakin siya sa likod at dahilan para unti-unti siyang bumagsak sa sahig. May lason ang kutsilyong 'yon.

Tinignan ko siya ng seryoso. "Sa tingin mo ba? Minahal kitang talaga? Pagkatapos ko malaman ang totoo?!"

"Traydor ka, Yarem!" Seryosong sabi nito habang nagdudusa siya sa sakit na dahilan ng pagsaksak ko sakaniya.

"Binigyan mo 'ko ng dahilan para traydurin ka. Binigyan mo 'ko ng kasinungalingag dahilan para idamay ang nga inosenteng tao sa paghihiganti ko, ginamit mo lang ako, hindi mo naman talaga ako minahal di'ba? At kahit kailan hinding-hindi ko mamahalin ang isang mamamatay taong kagaya mo!" Lumuhod ako sa harapan niya at saka muli ko siyang sinaksak sa tuhod.

"Hayop ka, Yarem! Hayop ka!"

"Mas hayop ka, binaboy mo ang pagkatao ko!"

"Anong sinasabi mo?!" Nagulat siya sa sinabi kong 'yon.

"Alam ko na ang totoo. Ikaw, ikaw 'yung lalaking pumatay sa mga magulang ko at ikaw rin ang lalaking gumahasa sa'kin noon. Ngayon sabihin mo sa'kin na hindi ikaw 'yon, tanda ko ang tattoo na nandiyan sa wrist mo. Hindi ako tanga, Wave! Kaya kitang pabagsakin at patayin kung kailan ko gusto!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "B...B-abe, hindi ako 'yon! Sino ba ang nagsabi sa'yo niyan? Kasinungalingan lang 'yan, maniwala ka sa'kin." Mabilis niyang inagaw sa'kin ang maliit at matulis na kutsilyong hawak ko. Tinutok niya 'yon sa'kin at saka humalakhak.

"Ano? Papatayin mo rin ako? Sige lang, Wave. Magsama na tayo papunta sa impyerno." Walang takot na sabi ko sakaniya.

'Kailangan ko lakasan ang loob ko, alam kong babalik ka, Kael.'

Aktong saksakin niya na 'ko ng biglang lumabas sa bulsa ko ang isang pregnancy test. Tumuon ang atensyon niya do'n, agad ko 'yong kinuha.

"Ano 'yan? Bakit ka may ganiyan?" Walang ekspresyong tanong nito sa'kin. Napatingin ako rito.

"Wala ka na ro'n." Maikling sambit ko.

"Are you pregnant? Who's the father?" Inayos niya ang upo niya at saka tumingin muli sa'kin ng diretso.

Iniiwas ko na ang tingin ko sakaniya at saka tumayo. "Hindi na mahalaga kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay mawala ka na sa mundong 'to!"

"Kung ako man ang ama niyan, hayaan mo 'kong mabuhay na makasama ang aking anak."

Humalakhak ako at saka kinapitan ang mukha niya. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"I'm done with you, Wave." Pabulong na sambit ko sakaniya. Umagaw ng atensyon ko ang baril na nasa likod niya lang, dahan-dahan kong dinampot 'yun at saka kinasa.

Tumayo ako ng mabilis at saka itinutok ito sakaniya. "You deserve to die!"

"Yarem!" 'Yun na lamang ang tanging nasabi niya matapos kong kalabitin ang bala ng baril na hawak ko sakaniyang dibdib. Napahawak siya rito, nakatingin lang siya sa'kin at pinagmasdan ko siya na unti-unting nanghihina at habang naliligo siya sa sarili niyang dugo.

Nilapitan ko siya at saka hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa dibdib niya.

"I'm 3 months pregnant."

Nakatuon lang ang atensyon niya sa'kin. Muli kong kinasa ang baril at tinutok 'yon sa ulo niya.

"But, you're not the father."

Madali niyang inagaw sa'kin ang baril. Tinutok niya 'to sa'kin ng mapagtagumpayan niyang makuha 'yon.

"Who's the real father?!"

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now