"You're a traitor! Never hurt Rias if you don't want me to stab you with this knife I'm holding. You're smart, but you have no conscience. I can fight you, Shan. I will make sure that you won't wake up. If you hurt her, I will kill you!" gigil kong pagbabanta habang nakatutok ang kutsilyong kinuha ko sa bulsa ko. Binitawan ko siya nang maramdaman ko ang takot na bumalot sa katawan niya. Kapag napagtagumpayan ni Rias na wasakin ang sistema ng paaralang ito, maglalaho na rin ako.
Sinumpa ako ni Zereny noon, na hindi ko alam na magkakatotoo.
"Hindi mo maaagaw sa akin ang katawan na magiging laman ng dugo ko, Phyrhos. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Sinusumpa kita! Sa oras na magtagumpay sa kasalukuyan si Rias, mawawala ka. Mawawala ka sa mga alaala niya at wala nang makakaalala pa sa'yong muli. Maglalaho ka at makakalimutan ka ng lahat! Makukulong ang kaluluwa mo rito sa impyernong kinamumuhian mo!" humahalakhak na sabi nito sa akin.
"Handa kong gawin ang lahat, para sa kaniya."
Kahit ikamatay ko pa.
Ngayon, natapos na ang lahat. Bumalik na sa normal ang lahat. Masaya akong natapos na ang lahat at sigurado akong nasa mabuting kalagayan na ngayon si Rias. Hiling kong maging masaya siya, kahit wala na ako sa tabi niya.
'Happy Fourth Anniversary, love.'
Even if this lifetime is not the time for the two of us. Don't worry, because in our next life, I will still choose you even a few more times, until destiny agrees with us.
'See you again, my love, Rias.'
Third Person's P.O.V
Makalipas ang isang linggo na pagpapagaling ni Rias sa hospital, agad siyang pumunta sa korte upang makuha ang hustisyang hinahangad niya. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi maging maayos ang lahat.
"Napaniwala ang media na hipnotismo ang nangyari. Ngunit hindi. Dahil magaling mag-eksperimento si Alejandro Silvestria, gumawa siya ng gamot na anf sinong makainom nito ay maaaring magkaroon ng mga ilusyon na hindi totoo. Napaniwala silang lahat na hipnotismo ang nangyayari. Ngunit paanong mangyayari 'yon, kung isa siyang scientist? Hindi ba't, hindi dapat pinaniniwalaan ng mga scientist ang mga bagay na hindi alam ng siyensya? Matalinong scientist si Alejandro, ginawa niya ang lahat para paniwalaan siya ng mga tao at lituhin niya ang mga ito," madiing sabi ni Mr. Acer Gueverro habang kaharap si Rias at ang mga abogadong nandoon.
Pumatak na lamang ang mga luha ni Rias habang nanginginig ang buong katawan niya. Ni hindi niya alam kung totoo ba si Phyrhos, na siyang kaniyang kasintahan. Alam niya sa kaniyang sarili na kapani-paniwala ang lahat. Kaya't gano'n na lamang siya katakot nang malaman ang mga totoong nangyari.
"Gumawa rin siya ng gamot para makalimutan ng mga estudyante ang nangyayari sakanila. Araw-araw, pagsapit ng umaga, pinamimigay 'yon, inihahatid mismo sa kanilang sari-sariling silid at bawat tauhan ng paraalang 'yon ay may susi ng bawat silid sa paaralan kaya't madali nilang napapasok ang mga kwarto. At pinaniniwala ang lahat ng estudyante na bitamina 'yon. Kaya ang masasabi ko, ang mga imahinasyon ni Rias ay hindi totoo. Maliban na lamang sa kaniyang kasintahan na si Phyrhos na siyang nakakulong ngayon sa tagong lugar sa paaralang 'yon."
"Sa tingin mo, Mr. Gueverro. Ginagawa niyang baliw ang mga estudyanteng nag-aaral doon? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Mataas na tonong sambit ng isa sa alagad ng batas at napatayo ito upang lapitan si Mr. Gueverro.
"Ganoon na nga! Gusto niyang magkagulo ang mga estudyante. May sangkap na droga ang bawat gamot na ginagawa niya. Sinisira niya ang katalinuhan ng mga estudyanteng nasa mataas na seksyon dahil ang mga estudyanteng nandoon ay masyadong nagtiwala at nagpauto sa kanilang mga grado! Mga kawawang uto-uto!" humahalakhak na sabi nito at dinuraan niya ito.
"Your honor, dapat ay dalhin sa mental ang lalaking ito. Baliw nga talaga siya, iyon ang isang totoo sa imahinasyon ni Ms. Rias Silvestria. Totoong baliw ka!" Aktong susuntukin na niya ito nang pigilan sila ng mga pulis na nandoon.
"Order the court! Matibay ang mga ebidensyang nakalap ng mga pulis. Nagkaroon na ng desisyon ang korte. Pinapatawan ng panghabang buhay na pagkakakulong si Mr. Acer Gueverro."
Nang makita ni Rias na tinugon ng korte ang hustisyang matagal na niyang inaasam, napalitan ng pagkagalak ang nararamdaman ng kaniyang puso. Unti-unting naghihilom ang lahat ng sakit na naranasan niya roon.
Ang lahat ng nangyari ay napagplanuhan ng maayos
ni Mr. Alejandro Silvestria. Napaniwala niyang sa likod no'n ay hipnotismo. Ngunit hindi. Isang gamot na nagpatunay na talagang gusto lamang paglaruan ni Mr. Silvestria ang mga estudyanteng nandoon. Dahil sa napatunayan din na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot, ito rin ay isa sa dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon. Lahat ng estudyante ay dinala sa isang pribadong hospital upang suriin at bigyan ng lunas.Habang si Rias, alam niyang sa sarili niya ngayon na nagawa niya ang tungkulin niya bilang isang SSG President ng paraalang 'yon.
Nang matapos ang pagdinig sa korte, pinuntahan ni Rias si Mr. Gueverro para tanungin kung nasaan si Phyrhos na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ng kahit na sino. "Ikaw mismo ang nagkulong sa kaniya, Rias. Alalahanin mong mabuti!" Nakangising sabi nito at tuluyan na siyang dinala ng mga pulis sa kulungan.
'Kung ako nga ang nagkulong sa kaniya, saan? Saan ko siya ikinulong?' Hindi hinayaan ni Rias na matapos ang araw na 'yon na hindi niya nahahanap si Phyrhos.
Muli siyang bumalik sa Academy.
'Gusto kong matapos na ang lahat ngayon. Hindi ako papayag na matulog akong may mabigat na nararamdaman. Hahanapin ko si Phyrhos, aayusin ko ang lahat.'
Pagkadating nila roon. Bumungad sa kaniya ang isang paaralan na sumira sa buhay ng maraming estudyante. Impyerno. Nag-iinit ang kaniyang pakiramdam sa tuwing nakikita niya ang paaralang ito. Naalala niya lahat ng kademonyohang nangyari. Kumukulo ang kaniyang dugo, muling bumabalik ang matinding galit niya sa kadugo na si Alejandro.
"Hintayin mo na lang ako rito, Manong." Walang emosyong sabi ng dalaga rito. Tumango naman sa kaniya si Manong.
Nagtungo siya sa isang tagong lugar sa likod na parte ng academy. Naalala niyang minsan na silang nagtungo din doon ni Phyrhos. May isang malaking puno roon at sa likod nito ay isang lumang pinto na natatakpan ng mga halaman. Pinuntahan niya ito at sinubukan itong buksan ngunit siya ay nabigo.
"Rias."
Napatingin siya mula sa kaniyang likuran. Isang pamilyar na boses na hinding-hindi niya malilimutan.
YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...