VIII

265 21 0
                                    

Kapansin-pansin na mula sa mataas na seksyon lamang ang lahat ng nabiktima.

Totoong nawala si Ayemmie, totoong ginahasa siya, totoo ang nakita ni Rias at ramdam niya 'yon sa sarili niya. Hindi p'wedeng ilusyon lang 'yon. Sobrang imposible. Hindi niya pinaalam sa mga pulis na binuksan niya ang mga folder na nandoon. Nilisan niya ang lugar at muling nagtungo sa kanilang dating classroom. May mga locker sa likod nito na kaharap lamang ng blackboard sa harapan.

Naka-lock ang iba rito at ang iba naman ay hindi. May kutob siyang may malalaman siya rito. Kahit na bawal makialam sa mga bagay-bagay, gusto niyang malaman lahat at bumalik ang memorya niya. Dahil din sa epekto ng gamot na inimbento ni Alejandro, may pinsala rin sa kanilang mga memorya ang gamot na hindi kinaya ng kanilang utak. Ganoon din sa kanilang mga aksyon, tila ba ang tingin sa kanila ng ibang mga normal na estudyante doon ay nababaliw at nawawala sila palagi sa kanilang mga sarili.

May nakita siyang flash drive, kinuha niya 'yon at ang laptop na nasa kabilang taas lamang ng locker. Naupo siya at agad na sinaksak sa laptop ang flash drive. Iniisip ng dalaga kung ano ang laman ng flash drive na 'yon, baka iyon na ang maging susi sa ibang mga kasagutan na hinahanap niya. Nang bumukas ang laptop, nagsimula na nitong basahin ang nilalaman ng flashdrive, agad na nagtungo si Rias sa gallery nito. Isang video lamang ang laman.

Hindi siya nagdalawang-isip na panoorin 'yon.

"The Academy of De Silvestria. The founder of the academy is Mr. Alejandro Silvestria. He is the genius scientist that proved to us, that he knows everything. He successfully completed the experiment of Parapilaros medicine, a medicine for the students at the higher section. He invented it because he wants every student from that higher section to be healthy. And at the year 2003, naging laman ng usap-usapan ang academy na 'yon. Dahil may isang estudyante ang nakasaksi sa mga studyante mula sa higher section na nagkakagulo, nagkakasakitan, at lahat daw ng mga estudyanteng 'yon ay nawawala sa kanilang mga sarili. Kinuhaan ng estudyanteng ito ng mga litrato at video na siyang ipinadala niya sa medya. Hindi akalain ng mga tao na gagamitin ni Mr. Alejandro Silvestria ang kaniyang katalinuhan upang maisakatuparan ang lahat ng masasamang pilano niya. Nasaksihan din ng estudyanteng ito kung paano gawin ni Mr. Alejandro ang gamot na ibinibigay sa lahat ng estudyanteng nasa higher section. Nakita niyang sinasangkapan ito ng mataas na lebel ng droga. Dahilan para mawala sa katinuan ang mga estudyante at gumawa ng sari-sarili nilang ilusyon."

Nang mapansin ni Rias ang flashdrive na may nakasulat sa harapan dito na pangalang, 'Ayemmie'. Hinala niyang kay Ayemmie ang flashdrive. Hinala rin niyang nalaman ni Alejandro na may alam si Ayemmie sa mga nangyayari. Kaya't noong inalala niya ang senaryong nangyari, ganoon na lamang ang galit ni Alejandro rito. Kinuha niya ang isang zip lock bag sa kaniyang sling bag at nilagay ang flashdrive doon. Plano niyang ibigay ito sa mga pulis.

Unti-unti na niyang nabubuo ang lahat.

Ilalagay na niya sana ang zip lock bag sa sling bag niya nang makita niya sa loob nito ang badge niya bilang isang SSG President. Pinagmasdan niya lang ito nang may halong lungkot ang nararamdaman.

'Malapit ko na matapos ang lahat. Kagaya ng mga ipinangako ko bilang SSG President, gagawin ko ang lahat para sainyo.'

"Rias!"

"Wave?"

"I know na hawak mo na ang flashdrive ngayon, give that to me," mahinahong sabi nito sa dalaga.

"Bakit ko naman ito ibibigay sa'yo?" seryosong sabi ni Rias at tumayo siya mula sa pagkakaupo. Ramdam ni Rias na may masamang binabalak ang binata sa kaniya.

"Ibigay mo na lang sa'kin!" Bakas dito ang kulog at kidlat na nararamdaman ni Wave habang pinipilit niyang ibigay ni Rias ang flashdrive sa kaniya. Hindi nagpatinag si Rias kay Wave. Pumunta siya sa may bintana.

"Ano ba ang plano mo, Wave? Nababaliw ka na ba?"

"Mr. Alejandro Silvestria, he is my father. Oo, kasabwat niya ko sa lahat ng ito. Ibigay mo sa akin ang flashdrive kung gusto mo pang makaalis dito. Hanggang sa huli, wala dapat makaalam ng mga sikreto ng academy na ito. Hinding-hindi ako papayag na ikaw lang ang magiging dahilan para sirain ang lahat!"

"Kung ganoon, paanong naging anak ka niya?" nalilitong tanong ni Rias sa kaniya habang unti-unti niyang inaalis ang sling bag sa kaniyang katawan at balak niyang ihagis ito sa labas ng bintana. Inilagay niya muna ito sa kaniyang likuran.

"Tinago nila akong dalawa, mula sa inyong lahat. Para hindi ako madamay, para ako ang tumulong kay Dad na planuhin ang lahat. I want my mom back, nanalaytay parin sa'yo ang dugo niya. Kaya't hindi ko kayang saktan ka."

"Nalinlang mo 'ko. Sinungaling ka pala, akala namin ay mapagkakatiwalaan ka. Nagkamali kami, mabuti na lang at hindi ako ganoon nagtiwala sa'yo. Hinding-hindi ko ibibigay ang flashdrive. Kahit anong gawin mo, malalaman ng lahat ang katotohanan!"

Nakita naman ni Wave na aktong ihuhulog na ni Rias ang sling bag. Mabilis siyang lumapit kay Rias at pipigilan na niya sana ngunit huli na ang lahat.

Humalakhak si Rias nang malakas.
"Ngayon, sabihin mo sa'kin. Kakampi ka ba o kaaway?" nanlilisik na mga matang tanong ni Rias kay Wave. Hindi siya makapaniwala sa ikinikilos ngayon ng dalaga.

Hindi niya ito magawang saktan.

"Kaaway," mahinahong sabi nito at nagmadaling puntahan kung saan inihulog ni Rias ang sling bag.
Pinanood lang siya ni Rias hanggang sa makarating siya roon. Binuksan ni Wave ang sling bag at walang laman ang zip lock bag na kahit na ano.

"Bakit nawala? Nasan na 'yon?"

"Sa tingin mo ba, hindi ko aalisin ang flashdrive mula do'n? Nagkakamali ka. Hindi ako tanga para iwan lang 'yon, d'yan." Pinakita ni Rias ang flashdrive kay Wave na hawak niya ito. Tumakbo nang mabilis si Rias paalis doon. Alam niyang hindi siya titigilan ng binata. Alam niyang hindi ito papayag na hindi nakukuha sa kaniya ang pinaka-matibay na ebidensya. Nagtago siya sa kabilang classroom. Alam niyang nakita siya ni Wave.

"Gusto mo bang magaya kay Ayemmie? Dahil sa pangingialam niya, nilibing siya nang buhay!"

Nakita ni Rias ang isang baseball bat at balak niya itong ihampas sa binata. Lumabas siya sa isang study table na pinagtataguan niya at doon ay hinampas sa likod ang binata. Bumagsak si Wave mula sa pagkakatayo niya kanina.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now