III

702 38 1
                                        

Mr. Silvestria, nagawa ko na ang plano ko. Magtiwala ka lang, wala silang takas mula sa atin," seryosong sabi ni Mr. Gueverro sa akin.

"That's good, let's wait and see who are stubborn in your advisory class."

"After 5 minutes, magkakaroon na rin naman sila ng malay. By the way, bakit nagbago ang isip mong ipakuha si Ms. Baustista at Ms. Silvestria?"

"Gusto kong mahulog sila sa mga sarili nilang patibong. Hayaan natin na alamin nila ang gusto nilang alamin. Hindi rin naman sila magtatagumpay," seryosong sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Kita roon ang kabilang building kung nasaan ang classroom ng section 1.

"Mr. Silvestria, about the police investigation. Hindi sila nakukumbinse na suicide ang nangyari. May kinalaman ka ba doon?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Kinalaban niya ako. Masama akong kalaban. I know everything here in my academy. Hinding-hindi ako papayag na kalabanin ako ng estudyante na nanggaling sa lower section." Humalakhak ako.

Marami pa akong binabalak.Hindi lang doon dapat matapos ang lahat.

Someone's P.O.V

Dahil sa kawalan ng ideya ng mga kaklase ko kung anong nangyari sa kanilang lahat, nagising sila na iilan sa mga babae nilang kaklase ay wala na roon. Ngunit sinadyang iwanan sina Sharina at Rias. Nagkaroon ng malay si Shan, sumunod ako. Kagaya ng plano ni Mr. Silvestria, masusunod nga kaya ito? Mahuhulog nga ba ang section 1 sa sarili nilang mga patibong? Binalaan na sila noong una pa lang ni Mr. Gueverro.

Ang isa sa pinaka-importanteng rule na dapat tandaan nilang lahat. Sino nga ba ang sisira ng tiwala? Sino nga ba sa kanila ang gagawa ng hindi katanggap-tanggap na dahilan?

---

Taong dalawang-libo't isa, napag-alaman naming mag-asawa na mayroon akong malubhang karamdaman. Kung kailan nakapagpatayo na kami ng sarili naming paaralan. Isa ito sa matinding pagsubok na naranasan ko sa buhay. Babalik ako, sa takdang panahon.

- Zereny

---

"Rias? Wake up!" paggising ni Shan sa kaniya. Namumutla ito at nanginginig ang buong katawan. Hindi alam ni Shan kung anong nangyayari kay Rias kaya't dinala niyang muli ang dalaga sa clinic. Tunay ngang masarap sa higher section sa academy na 'yon. May sariling palapag ng mga kwarto, sariling palikuran, sariling clinic at mas marami at mas masasarap ang kanilang kinakain kumpara sa ibang mga estudyante roon.

"H...h-indi ko maintindihan. Bakit may mga bumabalik na alaala sa'kin? Bakit hindi ko alam na nangyari ang mga 'yon? H...h-indi ko kilala ang buong pagkatao ko." Rinig kong sambit ni Rias habang nakahawak sa kaniyang ulo dahil sa sakit na nararamdaman niya mula rito.

'Kung naaalala mo lang sana ako.'

Hindi niya alam kung ano 'yong mga alaalang nagbabalik sa kaniya, kung bakit ito konektado sa kaniya. Bukod doon, tungkol sa mga nangyari sa kaniya noong nakaraang araw, nagising siya mula sa isang panaginip na akala niya ay totoong nangyari.

Pinaglalaruan niya kayo.

Maiintindihan mo rin lahat, Rias. At sigurado ako roon.

'Nandito lang ako, love.'

Rias' P.O.V

"You're a liar! I know you, Rias! Inaahas mo sa'kin ang uncle mo. How dare you for doing that to me! Ang bata-bata mo pa, malandi ka na! Pareho kayong dalawa ng 'yong ina!" nanggigil na sabi nito sa akin habang mahigpit niyang hawak ang kanang braso ko.

"T...T-ita..." Sapilitan niyang inilubog ang ulo ko sa isang drum na puno ng tubig. Naalala kong naka-school uniform pa alo noon at ayon sa naalala ko, dito mismo sa paaralang ito nangyari iyon. Tinadyakan niya ko habang nilulunod ako. Hindi pa siya nakuntento, hinampas niya ako ng kahoy sa ulo dahilan ng pagkawala ng aking malay.

1990? Labinlimang taong gulang pa lamang ako noon, ayon sa pagkakatanda ko. 'Yon ang senaryong lagi kong naaalala. Pero bakit? 2003 ngayong taong kasalukuyan. Labingwalong taong gulang na ako. Sa loob ng labintatlong taon, bakit ngayon ko lang naalala ang lahat ng ito?

Isa 'yon sa mga naalala kong nangyari mula sa panaginip ko.

 Sumisikip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko.

"Aalamin natin kung sino ka talaga, Rias. Kung ano ang mga nangyari sa mga naalala mo ngayon. 'Wag ka mag-alala, kasama mo ako," seryosong sabi ni Shan habang hawak ang kamay ko.

Hindi ako titigil na alamin ang katotohanan.

"Shan, kailangan kong makausap si Daddy."

"R...R-ias." Tumingin siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Simula noong nasa hospital ka, binabantayan ka ni Tito William. Si Tita Zenery ang nagsilbing pangalawang ina sa'yo. Ang totoo mong ina, namatay siya dahil sa isang aksidente. Si Tito William, noong mga panahong pabalik na siya sa hospital, may mga taong nagtangka sa buhay niya. Pinaulanan siya ng bala habang nagmamaneho siya papunta sa hospital. Nabangga ang minamaneho niyang kotse at doon na idineklara ng mga pulis na binawian na ng buhay si Tito William. Si Tita Zenery ang asawa ng uncle mo na si Mr. Alejandro Silvestria. Kaya, Rias, 13 years ka na ring nag-iilusyon na buhay pa si Tito William."

Bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Napahawak ako sa puso ko, ramdam ko ang bilis ng tibok nito. "H...h-indi, hindi totoo 'yan! Nakausap ko si Daddy, hinatid niya pa ako rito no'ng unang pasukan!"

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now