"Shhh, dito lang ako. D...D-ito lang ako." Nanghihinang sabi ko.
"Chantal, limang minuto nalang." Lumuluhang sabi ni Yarem sa'kin.
"Ang swerte ko at nakilala ko ang isa sa pinakamagaling na Presidente ng Supreme Student Government. Binabati kita, Mr. Heroun Silvestria. You do your best, ang galing-galing mo. Sobrang napahanga mo 'ko." Masayang sabi ko sakaniya.
"Paano mo? Paano mo nalaman?"
"Shhhh..."
Bago mangyari ang lahat. Si Yarem, naikwento niya sa'kin ang nasaksihan niya no'ng gabing magkasama kaming dalawa ni Heroun sa roof top.
"Y...Y-arem? Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko sakaniya. Yun 'yung oras na naihatid na 'ko ni Heroun.
"Hinintay ko talaga na maihatid ka ni Heroun dito sa kwarto mo. May gusto akong sabihin sa'yo tungkol kay Heroun. Kanina, balak ko sanang ibigay sa'yo ang flashdrive na para sa presentation natin bukas sa klase. Pinuntahan kita rito, ngunit walang tao kaya umalis ako. Hinanap kita sa kahit na saan dito ngunit wala ka. Kaya naisipan ko na puntahan ang roof top. Bago palang ako makaakyat do'n. Nasa may pintuan ng roof top si Heroun, di'ba? Narinig kong may kausap siya sa cellphone. Boses 'yon ni Sir Wave. Galit na galit si Heroun at narinig kong sabi niya kay Sir Wave 'Sana di nalang kita naging ama.' Anak ni Sir Wave si Heroun, Chantal." Hinawakan ni Yarem ang mga kamay ko.
Nanghina ako sa narinig kong 'yon. Kaya pala, kaya pala malaki ang galit ni Heroun sakaniya.
"Posibleng isa sa mga nakaligtas na ginahasa ni Sir Wave na estudyanteng babae taong 2003, ang ina ni Heroun. Narito lahat ng ebidensya, na-hack ko ang laptop ni Heroun." Ibinigay niya sa'kin ang brown envelope. Nando'n ang iilang litrato na magkausap sila Sir Wave at ang lumang newspaper na taong 2003 pa. Hindi nagpahayag ng panayam ang kaniyang ina tungkol sa nangyari noon. Dala ng takot at pangamba.
"K...K-aya pala. Kaya pala, gusto niya 'kong protektahan." Nanginginig na sambit ko.
Nung gabing 'yon, nakatulog ako ng maayos ngunit wala sa sarili.
Nagaalala ako para kay Heroun, biktima rin siya ng lalaking 'yon.
"Thank you for everything, Heroun. You protect me."
"Hindi."
Napatingin ako sakaniya.
"Hindi ako, Silvestria. Tinawag kong ama si Wave, hindi siya totoong anak ni Mr. Alejandro Silvestria. Inamin niya sa'kin 'yon, dahil kinuha ko ang tiwala niya. Kasabwat siya at dinugtungan niya ng kasinungalingan ang lahat. Cuevo ang apelyido ko at 'yun ang totoo."
Napangiti ako ng marinig ang mga salitang 'yon.
"I...I love you, I love you so much."
Tuluyan na 'kong bumagsak sa sahig.
"Chantal!" Pagtawag ni Heroun sa pangalan ko. Sapo-sapo niya ang ulo ko at hawak ang kanang kamay ko.
"Pakisabi kay Mom and Dad, I love them so much. Masaya akong maging Silvestria, masaya akong naging mga m...m-agulang ko sila."
"Chantal, hindi ka duwag di'ba? Huwag mo along biguin, lumaban ka!"
"H...H-eroun, thank you."
Third Person's P.O.V
Mabilisang siyang dinala sa hospital. Sa kabila no'n nilalabanan pa'rin ni Rias ang panghihina, na nasa kritikal Ang kalagayan ngayon.
Labis ang sakit na nararamdaman ngayon ni Heroun. Labis din ang galit at poot, hindi ipinaalam ni Chantal ang mangyayari sakaniya.
Sa huling sampung minuto ng kaniyang buhay, naging matapang siya at nilabanan ang bangungot na naranasan niya sa paaralang 'yon. Matapos ang araw na nangyari 'yon, alam ni Heroun sakaniyang sarili na hinding-hindi siya titigil para maipaghiganti si Chantal.
"Hindi, hindi ako papayag na hindi maipaghiganti ang aking anak. Hindi ako papayag!" Humahagulgol na sabi ni Rias habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na nahihirapan at pilit na nilalabanan ang kaniyang kalagayan.
Masakit sa saloobin ni Rias na gano'n ang sinapit ng kaniyang anak at lalo pa at nagiisang anak lang nilang dalawa ni Phyrhos si Chantal.
"Inaakusahan sa salang pagpatay si Mrs. Rias Silvestria Falcon kay Mr. Wave Cuevo. Ang kaniyang kaparusahan ay pang habang buhay na pagkakakulong."
'Ginawa ko 'yon para sa'yo, Anak.' Sambit nito sakaniyang isipan habang lumuluhang nakatingin kay Phyrhos.
Kung dati siya ang nagtatanggol sa mga taong hindi nabigyan ng sapat na hustisya. Para sakaniya, sapat na 'yung ginawa niya na buhay din ang hiningi niyang kapalit para maipaghiganti ang kaniyang anak na di Chantal.
Nilapitan ni Phyrhos ang kaniyang asawa at saka pinunasan nito ang mga luha sa mga mata ni Rias.
"I'm always here. I love you, Love." Nakangiting sabi nito kay Rias at niyakap ito ng mahigpit.
Ngayon, tapos na ang bangungot at impyerno na lahat sila ay naranasan ito.
"Alam ko ang gamot do'n, ngunit bakit ko sasabihin?!" Humahalakhak na sabi nito kay Heroun.
"Sino ka ba talaga, Yarem?!"
Humalakhak lang 'to sakaniya at saka ngumisi.
"Alamin mo."
Academy Of Silvestrial is now signing off.
Always remember the first rule, "DON'T TRUST ANYONE, ANYONE CAN BE YOUR ENEMY."
YOU ARE READING
Hell Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThe school that full of secrets, full of lies, full of anger and hatred. Secrets that need to be known, lies that should not be believed. Don't throw yourself into the trap you made. Acceptance or revenge? Many lives will be lost. And many lives mus...