II

127 10 0
                                        

Nakatingin lang lahat ng estudyante at ibang mga magulang na nando'n sa'min. Habang nagtatago sila.

'Walang tama si Daddy."

"M...M-ommy!" Napatakbo ako ng mabilis ng makita kong dahan-dahan na bumagsak si Mommy sa sahig. Sinapo ko ang ulo niya at inihiga ko sa hita ko.

Bakas sa mukha ni Daddy ang pagkagulat sa nangyari. Napatingin siya kay Ms. Zyrina at saka nakipag-agawan siyang muli rito.

"Mom?! Please wake up, Mom!" Lumuluhang sabi ko.

Minulat niya ang mga mata niya, hinaplos niya ang mukha ko.

"A...A-nak, Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo. S...S-orry, anak patawarin mo 'ko."

"Mom, dadalhin ka namin sa hospital. Kumapit kalang, please. Please for me? Mom?"

"Tita, dadalhin ka namin sa hospital." Seryosong sabi ni Stevaun at saka niya binuhat si Mommy.

Muli kaming nakarinig ng pagputok at saka ako napatingin kay Daddy.

"Daddy!" Agad ko siyan nilapitan, napahawak siya sa tagiliran niya. Umaagos na ang dugo niya mula rito.

Humalakhak lang si Ms. Zyrina.

"Sa tingin ninyo ba? Hahayaan kong maging masaya kayong lahat?!" Sunod-sunod siyang nagpaputok sa kung saan-saan. Nagsisigawan lang ang mga estudyanteng nando'n.

"Daddy, dadalhin ka namin sa hospital. Promise me, lalaban ka. Lalaban kayo ni Mom, para sa'kin."

"W...W-ag ka umiyak, anak. Malalaman niyang mahina ka. A...A-yos lang ako, umalis na kayo rito."

"Hindi, hindi kita iiwan rito. Daddy, please wag mo naman kaming iwan." Inihiga ni Stevaun si Mom sa tabi ni Daddy.

"Stevaun, dadalhin natin sila sa hospital! Dalhin mo si Mom sa sasakyan, bilisan mo!" Utos ko sakaniya ngunit tila ba ay 'di niya ko narinig.

"Mom? Mom?!" Ginalaw ko ang kamay niya, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"H...H-eroun, ingatan mo si Chantal. Alam kong 'di mo siya papabayaan." Nahihirapang sabi ni Mommy sakaniya.

"H...H-indi, lumaban ka Mom! Lumaban kayo, please, please for me!" Nanghihinang sabi ko sakanila.

"K...K-aya mo pa ba, Love?" Tanong ni Daddy kay Mommy.

"Just hold my hand, L...L-ove." Nakangiting sabi ni Mommy.

"I love you, Baby. Mom is always here for you, no matter what. Promise me, Heroun. You will protect my daughter." Pilit na inayos ni Mommy ang boses niya. Alam kong naghihina na siya dahil sa dugong umaagos mula sa tyan niya.

"I'll promise, Mrs. Rias Silvestria Falcon."

"Ma, wag mo naman ako iwan." Pagmamakaawa ko sakaniya.

"Pinipilit ko, anak. H...H-indi ko na talaga, kaya. Kampante na 'ko ngayon, nangako ka na, Heroun." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Love, fight for us. Please?" Pagmamakaawa rin ni Daddy sakaniya.

"I love you, I l...l-ove you both." Naramdaman kong bigla nalang bumagsak sa sahig ang mga kamay ni Mommy mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Napaluha nalang ako sa nangyaring 'yon. Iniwan na 'ko ni Mommy, si Daddy nalang ang meron ako.

Tumayo ako at saka pilit na inalalayan si Daddy na tumayo.

"C'mon, Daddy. Dadalhin kita sa hospital, 'di ako papayag na mawala ka rin sa'kin." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"A...A-nak, hayaan mo na 'ko sumunod sa Mommy mo." Pakiusap nito sa'kin.

"Iiwan mo rin ako? Paano ako, paano ako, Daddy?!" Muling bumagsak ang mga luha ko.

"Chantal, madami na ang dugong nawala kay Tito Phyrhos. Hindi niya na kaya tumayo o kumilos pa. Wala na siyang lakas." Seryosong sabi ni Heroun sa'kin.

Tinuon ko ang atensyon ko kay Daddy. Hinawakan niya ang kwintas na niregalo nila sa'kin.

"You know what is the meaning of that pendant?"

"Key. The key symbolizes new hope and new opening challenges in your life. you will not be able to open the new one if you do not face that first challenge. You will be able to open up new challenges in your life once you have completed the previous challenges. The key that opens you to a new beginning, a new chapter in your life. And this time, your mother and I are just up to here. Always remember that one of your secrets to overcoming the trials of your life is to trust yourself and not other people." Ngumiti lang siya sa'kin na para bang walang iniindang sakit.

"Baby, we love you so much. Always remember that. Don't be afraid to trust yourself and to face challenges in your life  without us. Alam namin ng Mommy mo na dadating kami sa p...p-untong 'to."

"Shhhh daddy, I love you too. Magpahinga ka na po. Samahan mo na si Mommy, alam kong hinihintay ka na niya." Pilit kong pinigilan ang mga luha ko dahil ayokong makita niya 'kong napanghihinaan. Dahan-dahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata habang hawak-hawak niya ang kamay ko ng mahigpit at ang kabilang kamay naman niya ay nasa kamay ni Mommy.

At saka ko unti-unti kong naramdaman ang pagluwag ng kapit niya sa mga kamay ko.

Huminga ako ng malalim at saka tumayo. Nakatingin lang sa'kin si Ms. Zyrina at saka siya humalakhak ng malakas. Nakita ko na maraming estudyante at mga magulang ang nadamay, hindi lang ako ang namatayan kundi sila rin.

"Ano pa ba ang gusto mo?" Seryosong tanong ko sakaniya.

"Gusto kong makita kayong nahihirapan. Ang swerte ko ngayong araw na 'to dahil napatay ko ang isa sa mga taong kinamumuhian ko."

Nginitian ko siya ng mapait. "Nagpabulag ka sa galit at poot mo, kaya ka nagkaganiyan. Paano nalang 'yung anak mo? Paano kung patayin kita ngayon para malaman ng anak mo kung gaano kasakit mawalan ng magulang? Should I try?"

"Chantal." Pagtawag ni Heroun sa pangalan ko. Alam kong alam niya na puno na 'ko ngayon.

"Bakit? Sa tingin mo ba mapapatay mo 'ko?" Natatawang sabi nito sa'kin.

Nagsimula na 'kong makipag-agawan ng baril sakaniya. Tinadyakan ko siya sa hita dahilan para matumba siya, tinadyakan ko rin ng madiin ang kaniyang dibdib. Nagtagumpay akong makuha 'yon mula sakaniya.
Tinutok ko 'to sakaniya at saka kinasa.

"If you are a demon, I am more demonic than you."

Bakas sa mukha nito ang galit dahil napag-tagumpayan kong makuha ang baril mula sakaniya.

"I am happy to leave this school when you are dead. If you killed my parents quickly, I will make you feel the pain before you die and I think that is a good idea." Pagpapatuloy ko.

"Walanghiya ka! Katulad ka ng 'yong ina, pareho kayong matapang ha?!" Tumayo siya at saka ako hinarap.

Inihagis ko kay Heroun ang baril. Nasalo niya naman ito. Ngumisi lang siya sa'kin at sigurado akong alam niya na ang binabalak ko.

"Let's play a game." Nakangiting sabi ko sakaniya.

"What game? Laro ng mga talunan?!"

"No. Laro ng mga taong mahina kagaya mo."

Mas lalo pang kumunot ang noo nito. Ramdam ako ang nagbabagang awra niya sa'kin.

Kinuha ko ang panturok sa bulsa ng palda ko gano'n din ang nasa maliit na bote na naglalaman ng asul na likido.

"Sa kauna-unahan palang, ito na ang laro ninyong dalawa ni Wave di'ba? Ngayon, lalaruin natin 'to. Death or Nightmare, naalala mo pa ba? Naalala mo pa ba ang pagtataksil mo sa tunay mong asawa? Gano'n din sa pag-abandona mo sa sarili mong anak."

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now