III

111 11 0
                                    

Agad kong kinuhanan ng asul na likido ang panturok sa pamamagitan ng pagturok sa unahan nito kung saan ang bukas na kuhaan sa ibabaw ng maliit na boteng pinaglalagyan nito.

Bakas ang gulat nina Kael at Yarem sa mga sinabi ko.

"Sino nga ba ang tunay na asawa ni Mrs. Zayrina Valencia!?"

Kumuyom ang mga kamao niya.

"Ano ba ang balak mo, Chantal? Tumigil ka na dahil alam mo naman sa sarili mong 'di ka mananalo ka sa'kin. Sa tingin mo ba lahat kayo ay totoong nakatapos na? Ang totoo ay 'di pa. Laro lang ang lahat, lahat ng 'to ay peke. Hinding-hindi kayo makakapagtapos lahat, dahil sisigaraduhin ko na wala ni isa sainyo ang makakaligtas sa impyernong 'to!"

Nagsara naman ang lahat ng gate. Automatic ito at kontrolado ito ng mga school admins. Nasa kanila ang controller nito.

Matataas ang mga gate na 'yon at may kuryenteng bumabalot do'n ngayon.

"Mas mautak pa'rin ako sa'yo." Sumeryoso ang mukha niya at mukhang binabasa niya ang susunod na hakbang ko. Naupo lang siya sa upuan at saka nagde-kwatro. Nagkibit balikat siya at tinuon ang atensyon sa'kin.

Tumabi naman sa'kin si Heroun, habang sina Kael, Yarem, at Stevaun ay naghihintay lang ng utos mula sa'kin at gano'n na rin kay Heroun. May hawak na flashdrive si Heroun at pinaglaruan niya lang 'yon habang nakasuot sa hintuturong daliri niya ang keychain lanyard nito.

"As far as I know, Mrs. Zyrina Valencia. Matagal ka na natanggal bilang isang guro sa paaralang 'to. Meaning to say, hindi ka legal na guro rito dahil wala ka na ngayong lisensyang hawak. Hindi ka na lisensyadong manunuro sa paaralang 'to dahil matagal mo na rin tinakasan ang kasalanan mo sa batas. You killed your husband because he caught you and Wave that night."

"I have videos here as a evidence that you and Wave planning to killed your legal husband."

"H...H-indi, hindi maari!" Nanginginig na sambit ni Mrs. Zyrina.

Kinuha ni Stevaun ang flashdrive na hawak ni Heroun at saka 'yon sinaksak sa projector. Agad niyang hinanap sa files ang video na tinutukoy ni Heroun at saka niya 'to pinindot para mapanood ng lahat.

"Ako ang bahala sa'yo, tutulungan kitang patayin mo si Mr. Hajimo Valencia. Basta sasama ka sa'kin at magiging akin ka lang, Zyrina."

Naupo naman sa mga hita ni Wave si Mrs. Zyrina at saka hinalikan sa labi si Wave.

"Sure, I'm only yours."

At 'yung mga sumunod na nangyari ay naka-blurred na dahil masyado na 'yong sensitibo pa.

"May tinatago ka palang kalandian." Sambit ni Yarem sakaniya.

"Ako pa'rin ang nauna sa'yo! Inagaw mo lamg siya sa'kin kaya wala kang karapatan magreklamo!"

"I don't care, sino ba ang nagtanong?! I'm so disappointed to you. Alam namin ang mga plano mo, Mrs. Zyrina Valencia. We are the SSG Officers, no one can destroy us."

Pinindot naman ni Stevaun sa laptop ang 'play' ng makita niya ang isa pang video.

Doon ay may CCTV Footage na kuha sa may Counselling Room.

Nakaupo mag-isa si Mr. Hajimo at habang nagaayos ng mga files niya ng biglang may pumasok na tatlong lalaking naka-mask at agad na tinakpan ng panyo ang kaniyang ilong. Sigurado akong may pampatulog 'yon.

Pinagtulungan nilang alalayan na makatayo si Mr. Hajimo.

Cellphone Ringing....

"Hello, Mr. Wave? Okay na po, nakuha na namin siya. Dadalhin na namin siya d'yan sainyo." Sabi ng isang tauhan niya.

Hanggang sa tuluyan na nilang nadala sa kabilang room si Mr. Hajimo. Agad nila 'tong tinali sa isang upuan. Tinali ang buong katawan niya at saka siya unti-unting tinurukan ni Mrs. Zyrina. Sigurado naman ako na 'yun ang asul na likidong ginawa ni Wave na binabalak niya dati na iturok sa'kin.

"Ngayon mo sabihin sa'min na hindi mo pinatay ang sarili mong asawa." Nakangising sambit ni Heroun.

"Pinagkatiwalaan kita, Heroun! Akala ko ay binura mo ang mga footage na 'yan. Nakipagtulungan ka sa'min tapos ay pagtataksilan mo pala kami ng 'yong ama!"

"I'm just playing. Anong masama ro'n?" Humahalakhak na sabi ni Heroun sakaniya.

"Isa sa SSG Officers ang tunay mong anak, di'ba? Hindi niya alam na ikaw ang totoo niyang ina. Paano kaya pag nalaman niya? Sigurado akong kakamuhian ka niya ng sobra." Walang ekspresyong sambit ko sakaniya.

"Kung gano'n sino ang tinutukoy mo, Chantal?" Sambit ni Yarem.

"Can I kill her?" Seryosong sabi ni Kael sa'kin.

"Shhhh, no. Ibigay mo na ang pagkakataong 'yon kay Stevaun." Nakangiting sabi ko.

Napatingin naman sa'kin si Stevaun na noo'y inaayos ang flashdrive at ang mga video sa laptop.

"Anong sinasabi mo, Chantal?" 

"22 years na ng iwanan ka ng 'yong ina sa isang lugar kung saan walang tao, walang mga sasakyan. Natagpuan ka ni Mommy do'n na umiiyak at hinahanap ang 'yong ina. Dinala ka niya sa police station na malapit do'n, sigurado akon 'di mo na 'yon naalala ngayon. Tapos no'n sa loob ng 24 hours, walang kumuha sa'yo. Sinabi lahat sa'kin ni Mommy 'yon. You only remember your name pero ang pangalan ng mga magulang mo ay 'di mo na matandaan dahil sa tagal na ng nangyari 'yon. Iniwan ka ni Mrs. Zyrina no'ng mga panahon na pumasok siya sa Acacemy Of Silvestrial Cuevo at doon nga may namagitan sakanilang dalawa ni Wave. May nangyari sakanila kaya nagsilang siya ulit ng isang sanggol na anak nilang dalawa ni Wave. Nung nalaman ni Wave 'yon, ayaw niya panagutan ang batang sinilang mo, tama ba 'ko, Mrs. Zryina?"

"Hindi totoo 'yan! Mga sinungaling, gumagawa kayo ng kwento na hindi naman totoo!" Pagtanggi ni Mrs. Zyrina sa mga sinabi ko.

Kinuha ko ang upuan na nasa tabi niya at saka naupo sa harapan niya.

"Buksan mo ang documents na nandiyan sa flashdrive. Hanapin mo ang katunayan na anak ka ni Mrs. Zyrina Valencia."

"DNA Test, positive. Naalala mo na bago makapasok sa paaralang 'to, lahat kami ay kinuhanan ninyo ng dugo para sa DNA Test at ang dugong 'yon ay gagamitin ninyo naman sa isang eksperimento. Lahat ng result nun ay sa'min binigay ni Wave. Akala niya na hindi namin malalaman ang lahat."

"Heroun." Sambit ni Eliza habang hawak niya at tinitignan ang dalawang papel na kinuha niya sa white envelope.

Lumingon naman sakaniya si Heroun.

"Bakit match ng DNA Test sina Ms. Zyrina at Stevaun?"

Ibinigay niya naman ang dalawang papel na 'yon kay Heroun. 

"Kung gano'n tama 'yung sinabi ni Tita Rias."

"Ano na balak ninyo ngayon?" Seryosong tanong ni Kael.

"Aalamin natin kung ano ang totoo. Sigurado akong pagtataksilan din tayo ni Ms. Zyrina." Seryosong sabi ko sakanila.

Simula nung araw na 'yon nagtulungan kaming tatlo para malaman ang katotohanan. Sinikreto namin ang mga nalalaman namin sa ibang SSG Officers.

"Kaya nga pati si Eliza, naisipan ninyong patayin at lasunin ang utak niya, dahil nalaman mong may alam siya. Sinabi mo 'yon kay Wave, di'ba?! Nanahimik kami sa mga nalalaman namin dahil nung simula palang, alam namin na nakikipaglaro ka na sa'min. Angel face but literally a demon." Nakangising sabi ko sakaniya.

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now