IV

123 11 0
                                        

"Now. I want you both to choose, death or nightmare!?" Nakakatakot man ang awra ni Wave, ngunit hindi ako natinag.

Kayang-kaya ko rin pabagsakin ang lalaking 'to. Kayang-kaya ko rin siya gantihan, hinding-hindi ko mapapalampas ang bagay na 'to.

'Just wait for my turn, Wave.'

"Sigurado akong wala na kayong patutunguhan ngayon." Sambit pa ni Wave.

"Bakit ninyo ba ginagawa sa'min 'to?!" Pasigaw na tanong ni Gwen.

"Akala ko ba pinoprotektahan ninyo ang grade ninyo, gano'n din ang badge na suot-suot ninyo. Ngayon, matutunan ninyo na tanggapin na talo kayong pareho."

"Ano ba ang dapat kong gawin?" Mahinang tonong tanong ni Gwen sakaniya.

"Mamili kalang. If you choose death, then your free to kill yourself. And if you choose nightmare, tutulungan ko kayo para manalo. Pero kung natalo pa'rin kayo sa mga gusto ninyong gawin, death is waving." Nakangiti sabi lang nito sakanila.

"W...W-ala na 'kong babalikan sa bahay. Wala na 'kong mga magulang. I'll choose nightmare, gagantihan ko kayo!" Lumuluhang sabi ni Eliza sakanila.

"Okay, sure. No problem, Eliza. I know your weaknesses. And I also know this would be end in death. Just ready yourself, for sequences." Sumeryoso ang mukha nito.

Nakasandal lang sa pader si Gwen at saka siya napaupo sa sahig.

"Face the truth, Gwen. Accept that you have already lost." Nakangiting sabi ni Xianelle habang nilalaro ang hawak niyang cutter.

Maaring 'yon 'yung hawak niya kanina.

Tumayo si Gwen at inayos ang kaniyang sarili. "Nightmare." Matapang na sambit nito. Napapalakpak si Wave at saka humalakhak ng malakas.

"That's good. See you later on Counselling Room."

Nauna na lumabas ang mga tauhan ni Wave at huli naman silang lumabas ni Xianelle.

'Shit. Bakit ba nila dinadamay dito ang dalawang 'to?! For what? Para makaganti sa nakaraan? Para makaganti sa mga Silvestria? Anong dahilan?!'

Inantay ko lang na lumabas sina Gwen at Eliza. Lumabas na rin ako at nagmadaling nagtungo sa CCTV Room. Naabutan ko si Stevaun na nando'n.

"What are you doing here, Ms. Yarem?" Seryosong tanong nito sa'kin.

"May titignan lang ako. Ikaw, anong ginagawa mo rito?!"

"Nothing. Pinagbantay lang ako rito ni Sir Wave. Maiwan na kita, marami pa 'kong kailangan gawin."

Papalabas na siya ng biglang hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya.

"Kalimutan mong nagkita tayo rito. Kakalimutan ko rin na kakampi ka ni Chantal at Heroun." Seryosong sabi ko sakaniya.

Nilingon niya naman ako.

"Sure." Mabilis na pagtugon nito at saka lumabas na doon.

Mabuti nalang at dala ko ang cellphone ko, hinanap ko ang CCTV footage sa Comfort Room. At saka ko 'yon nirecord, alam kong magagamit ko 'to. Matapos 'yung araw na 'yon, nabalitaan ko nalang na tumalon si Eliza mula sa bintana ng classroom namin. At no'ng matapos din ang araw na 'yon, sumunod si Gwen ngunit nailigtas naman siya.

Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano pabagsakin ang paaralang 'to. Hindi ko alam kung anong balak ko kay Wave ngunit sa ngayon, kailangan kong pagisipan mabuti kung paano ko matatalo si Xianelle.

"Hindi mo naman sinabi sa'kin na may talent ka sa pagiging kabit." Nakangising sabi ko sakaniya.

"How dare you! Who the hell are you to do this to me?! I'll make sure na malalaman 'to ni Wave!" Bakas sa mukha nito ang inis.

Tinawanan ko lamang ang mga sinabi niyang 'yon.

"Sa tingin mo ba? Matatakot ako sakaniya? I know him more, than you. Ako ang tumulong sakaniya na makalabas sa kulungan, ako ang tumulong sakaniya para pabagsakin ang mga Silvestria. In short, ginamit ko lang siya at hindi ko talaga minahal. Ginamit niya lang din ako para sa mga plano niya. It's reversed time, Xianelle."

Sumandal ako sa pader at saka inayos ang buhok ko. Kinuha ko ang maliit na salamin ko sa bulsa ko at saka kinuha ko rin ang lipstick ko, inayos ko ang sarili ko. Nakatingin lang sa'kin si Xianelle na inis na inis pa'rin sa'kin.

Nginitian ko siya at nakita kong kumuyom ang parehong kamay niya.

"Just accept the fact, Xianelle. I'm the most beautiful than you."

"Walanghiya ka talaga!" Sinugod niya na 'ko at saka ako sinampal ng malakas.

"You don't have permission to slap my beautiful face, idiot!" Inis na sabi ko sakaniya at saka sinampal di siya ng malakas. Napahawak siya sa pisngi niya, tinulak ko siya ng malakas dahilan para matumba siya sa sahig.

"Always remember this, kaya rin kitang pabagsakin. Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ka mamamatay."

Sinara ko ang pinto at saka kinuha ko ang bag ko. Kinuha ko do'n ang panturok na may lamang berdeng likido.

"You're already familiar to this, right?"

"Hayop ka talaga, Yarem!"

Ngumiti lang ako. "Wave, gave this to me. He demanded that to inject this to you. In the end, ginamit kalang din niya."

Tumayo siya at saka tumakbo sa may bintana. Binuksan niya ang kurtina.

"Ang daming estudyanteng namatay dahil sainyo. Ang daming estudyanteng nagdusa dahil sa impyernong 'to. Ngayon, sumama ka na sakanila, hinihintay ka na ni Satanas sa impyerno."

"Shut up! Wala akong pakeelam sakanila."

"Your selfishness can also kill you, Xianelle."

Dahan-dahan akong naglakad papunta sakaniya habang hawak ang panturok. Nakatuon lamang ang atensyon niya rito, napahawak siya sa gilid ng pader at saka napaatras.

"Mamatay ka na!" Pasigaw na sabi ko sakaniya at saka mabilis na lumapit sakaniya, dahilan para mapaatras siyang muli at tuluyan na siyang nahulog sa may bintana. Ngunit napakapit pa siya sa kurtina.

"T...T-ulungan mo 'ko, Yarem." Natatakot na sabi nito sa'kin.

"I don't care about you. Anong dahilan para iligtas kita?!"

"I'm your sister! C'mon, Yarem. Don't tell me na 'di mo alam 'yon, alam kong nakita mo na ang DNA Test Result. Pag nalaman ni Daddy 'to, I'm sure na tatanggalan ka niya ng mana!"

Ngumisi naman ako at saka ipinatong ang isang paa ko sa may gilid ng bintana.

"Wala akong pakeelam, Xianelle. Kumukulo ang dugo ko sa'yo, kahit kapatid kita alam kong kaya mo rin akong patayin. Hindi mo ko maloloko. I'm more brilliant than you, sis. Ikamusta mo nalang ako kay Satanas, okay?!"

"No, please! No!"

Hell Academy  (COMPLETED)Where stories live. Discover now